you with me - 13

267 3 3
                                    

part 13

******

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa gamot na binigay ni Ziggy sa akin pero slight lang. Kapag na kasi mag-uumpisa na akong sumuka, suka to the end of the day na yun. At ang hirap nun. Lunukin ko nalang kaya? Ako na ang henyo at ang sira ng ulo sa lahat. Sa kaligayahang palad, hindi ko na enjoy ang trip at nasa bus lang ako buong araw. Pagkatapos kong lumabas sa CR ay dumiretso na ako sa bus. Pagdating dun ay pinikit ko agad ang mga mata ko. Baka makatulong lang sakali. Iisipin ko nalang na nasa bahay na ako tapos nasa banyo at malayong nilalabas ang mga bituka ko. Joke lang. Sa kalagitnaan ng mahimbing na pagpikit ko ay naramdamamn ko ang mga kamay na inaalalayan ang ulo kong pinapahiga sa.. teka nga, dumilat ako at nakita ko si Ziggy na nakaheadset at nakatingin ng diretso sa unahan. Anong?

*****

Via: Anong ginagawa mo dito?

Ziggy: sabi ni mam, tabihan raw kita. Heto, kendi at cellophanes, in case.

*****

Tinanggap ko ang mga inabot niya. Nagtataka parin ako. kinikilig ako aaminin ko pero kung nandito lang siya kasi naawa siya sa akin, papatayin ko siya. Susukahan ko siya ng bongga.

*****

Via: Okay na ako, bumalik ka na kay Maria. Baka masukahan kita rito.

*****

Tinitigan niya ako. Jusme! Nakakatunaw. Ako ang unang umiwas.

*****

Via: Umalis ka na nga. Nakainom na naman ako ng gamot kaya okay na ako.

*****

Nabigla ako kasi may nilagay siya sa tenga ko. Rereklamo na sana ako pero pumikit siya at ang amo ng mukha at ako naman mangha-mangha sa pagkagwapo niya kaya hindi na ako nakapagsalita. Shet! Ang gwapo ng mokong kapag nakapikit. Maya-maya bigla ng umandar ang bus. Tinapik ko ang balikat niya, dahan-dahan niyang binuka ang kangyang mga mata at tinitigan ako. Pakiramdam ko, suska ako ng wala sa oras. Este, kung susuka man ako, lulunukin ko talaga ng bongga wag lang mahinto ang moment na to sa amin. Konting push nalang kasi, lips to lips na sa yummy niyang labi. Jusme. Nasusuka ako lalo.

*****

Via: Z-ziggy ang b-bus. U-u-umaand-d-dar naaa. Pwede ka ng umalis. Hinihintay ka na ni Ma-

******

Pinahiga niya ako sa balikat niya. Aamba sana akong uupo ng tuwid pero pinigilan niya ako at pilit na pinahiga parin sa mga balikat niya.

*****

Ziggy: Let's sleep okay? (bulong niya sa akin)

*******

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, kulang nalang hahawakan niya ang kamay ko. Ang ganda ng set-up kasi ng aura namin. Sabay pa ng entry ni Moira na galing sa headset niya.

******

Via: Katulad lang kayo ni Tres, mga paasa. (wala sa sariling sabi)

Ziggy: Hindi ako si Tres...

******

Bigla akong umupo ng tuwid tapos tinignan ko siya. napalunok ako. Tinignan niya rin ako. Anong ibig sabihin nito? Kilala niya si Tres?

******

Via: May kilala kang Tres?

Ziggy: (pumikit ulit tapos nagcross-arms)

Via: Huy Ziggy. (inaalog ang balikat ni Ziggy)

Ziggy: Wala.

Via: I mean sa school. Sabi niya kasi taga school natin sya.

Ziggy: wala.

via: Tsk. Wala naman pala eh. Kung maka-sabi ka parang kilalang-kilala mo siya.

*******

Hindi na ako humiga ulit sa balikat niya. Tuminigin ako sa labas tutal nasa gilid ako ng bintana. Kinuha ko ang cp ko sa bag ko ang nagtext kay Tres.

*****

//Via: Tres?

[NO REPLY]

//Via: Busy?

[NO REPLY]

//Via: Tres? YUHU?!

*****

Text ulit sana ako pero kinuha ni Ziggy ang ulo ko tapos pinahiga nya ulet sa balikat niya. Nabigla ako dun at gusto kung umupo ng tuwid ulit pero pinigilan niya ULET ako kaya wala akong magawa kundi humiga nalang.

*****

Ziggy: Matulog ka na.

Via: Teka lang may katext ako.

Ziggy: Nakakahilo yan lalo. Mamaya na yang Tres mo.

Via: Teka nga lang...

Ziggy: Matutulog ka o kukunin ko yang cellphone mo?

Via: Aish. Heto na heto na. (nilagay ang cellphone sa bag) Masaya ka na?

Ziggy: Pikit na.

Via: (pumikit ang tanga)

Ziggy: --

Via: (habang nakapikit) Nung nursery ganito din diba?

Ziggy : (silence)

Via: Katabi din tayo tapos si ninang ang guardian natin.

Ziggy: (silence)

Via: Ba't hindi mo inulit nung grade six? (tinignan si Ziggy na nakitingin din pala sa kanya)

Ziggy: (nakatingin kay Via)

Via: Nilagnat tuloy ako pagkatapos ng fieldtrip. Hindi kasi ikaw ang katabi ko. Hinayaan mo lang si Marcos na katabi ako.

Ziggy: Sorry (bulong niya kay Via)

Via: (tingin kay Ziggy)

Ziggy: (tingin kay Via)

Via: Mauulit pa ba yun? Yung kinder?

Ziggy: (tingin kay Via)

********

TO BE CONTINUE...

You With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon