YOU WITH ME -3
Bumigat ang mundo ko pagpasok ko next day. Tinawan pa ako ni Marcos dahil kawawa raw ako. Ang kapal! Isusumbong ko talaga yan sa tito niya.
Pagpasok ko sa room, nakita kong nag-uusap sina Maria at Ziggy. At ang lecheng Ziggy, ngisi ng ngisi pa.
Via: Wow ha. Ang saya natin ah! (lumapit sa dalawa, natigil si Ziggy sa pagtawa)
Maria: Hi Vianne.
Via: Close na kayo ni Ziggy?
Maria: Konti. Nag-uusap kami sa chemistry. Gusto mong maki-join?
Via: Hindi ko yan favorite subject.
Maria: Ano favorite subject mo?
Via: Ba't ko sasabihin sayo? Close ba tayo? (walk out)
After 1st period ay nakita ko paring close ang dalawa. Ang sakit sa mata. Ziggy, ang sakit sa puso. Ba't ka ba nangangaliwa. Gusto mo bang ipatapon kita sa Marawi? Huhubels.
Kahit sa classroom after recess ay kita ko parin ang closeness nila. Huhu. Bakit hindi kami ganito noon? Dahil ba hindi ako matalino? Eh ganito na ako eh! Tsaka, hindi naman basehan ang talino para magmahal diba? Puso! Puso ang basehan. Huhuhu.
Teacher: Okay class, what are the equation of this problem...
Via: Paki ko ba? (nakalumbaba)
Teacher: May sinasabi ka Ms. Gomez?
Via: Ha? Ah wala po, mam. Si Ziggy po kasi..
Teacher: Bakit anong meron kay Mr. Fernandes?
Via: Nangangaliwa po mam. Huhuhu!
(tumawa ang mga classmates niya)
Teacher: (Face palm)
Via: Mam, bakit kasi niyo kami pinaghiwalay. Huhuhu.
Teacher: Let's continue our discussion. Pabayaan niyo na na lang si Ms. Gomez.
Via: Mam naman oh!
Maria: Okay lang yan Via. Gusto mo palit tayo ng upuan?
Ziggy: Huwag na Maria. Ganyan talaga yan. Pabayaan mo nalang.
Via: (nagalit) Abah!
Maria: Okay. Sure ka ba Via?
Via: (hindi na nagsalita. Nagalait na kasi kay Ziggy)
Teacher: Ilabas mo nalang yang sakit mo Ms. Gomez. Dont worry hindi kami mangengealam sayo.
Via: (tinapon ang libro kay Ziggy. Sapol!)
(Natahimik ang lahat)
Via: Mamaya ka lang sa labas kang feeling gwapo kang Ziggy ka! (sabay walk out)
*********
Hindi na ako pumasok. Nagcutting class ako. Bahala silang lahat sa mga buhay nila. Nagtext nga si Marcos sa akin na hinahanap na ako ni teacher. Hindi ako ngareply sa text niya.
Dahil nagutom ako, sa lunch pumunta ako ng canteen. Nakakagutom palang mag cutting class no. Para akong shunga dun, kinakausap ang sarili ko sa bakanteng classroom. Kahit man lang multo hindi ako sinamahan.
*********
Marcos: Oy! Kanina pa kita hinahanap.
Via: Libre mo ako. Nagugutom na ako. (angry birds)
Marcos: Abah! Nang-utos pa si bossing oh!
Via: Huwag mo nga ako kausapin. Bad trip ako. Sige na libre mo na ako. Pramis, magbabayad ako next year.
Marcos: Sus. Pasalamat ka.. Hsbdbjska kita.
Via: Minumura mo ako?!
Marcos: Hindi ah!
Via: Ano pala yung sinabi mo? HA! Bad trip ako ngayon. Mar Roxas kaya huwag mo akong badtripin ng sobra.
Marcos: Hindi nga kasi. Tara na libre na kita. Kahit ano, bibilhin ko sayo. Kahit hindi mo na bayaran.
Via: Dapat lang. (naglakad na papuntang counter ng biglang nakita sina Maria at Ziggy na nag-uusap sa isang table)
*******
Mga walang hiya talagang mga walang kwentang mga taong to! Habang nag-oorder kami ni Marcos ay sila lang ang tinitignan ko. Akala ko titignan ako ni Ziggy pero WALA! Ang kapal ng mukha niya.
*******
Marcos: Oy tara na! Tama na nga yang titigan na yan.
Via: Bakit ba siya ganyan sa kanya tapos sa akin hindi?
Marcos: Oo nga eh. Ang saya niya ngayon oh. Akala mo may ganyan din pala ang mukha ni Ziggy?
Via: Nagtatawanan din kaya kami.
Marcos: Eh? Parang hindi naman halata.
Via: (glare kay marcos)
Marcos: Tara na! Pabayaan mo na sila. Magmove-on ka na. Tayo nalang kaya.
Via: Ano sabi mo?
Marcos: Ha? Ehh. Tayo na dun. Tara na!
Via: Teka lang. Nagseselos na ako eh. (kinuha ang juice na inorder ni marcos at nagmartsa papunta kina Ziggy)
Marcos: Hoy Via!
Via: (tinapunan ng juice sa mukha si Ziggy) SUMOSOBRA KA NA! I HEYT YOW!
******
to be continue...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Teen FictionPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...