part 40
Via: ANO BA YANG PINAGSASABI MOOOOO!
Ziggy: (tumawa) Joke lang...
Via: At joke lang talaga? At ayaw mo akong pakasalan kung ganun kasi joke lang? (biglang nagseryoso)
Ziggy: (seryoso) I'm sorry. Akala ko matatawa ka kung magjo-joke ako.
Via: (nagroll-eyes #MalditaModeAgain) Kelan ka pa marunong magjoke?
Ziggy: N-ngayon? (kinakabahan)
Via: Nagpaturo ka nalang sana kay kuya kung gusto mong matuto!! Diyan ka na nga! Manuod ka mag-isa mo! (aalis na sana pero hinawakan ni Ziggy ang kamay)
Ziggy: Im sorry for that joke Vianne. But it's true. Kung pwede lang bukas, I'll really marry you for real. Please. Just don't leave me. (with cute eyes and sincere face)
Via: (kinukuha ang kamay kay Ziggy pero ayaw ibigay) Wow. Grabe sa drama besh ha.
Ziggy: (cute mode para kay Vianne) Pleaseee...
Via: Bitawan mo nga ako, kukuha lang naman ako ng juice... Kung maka-O.A. ka, wagas!
Ziggy: (binitawan ng dahan-dahan si Vianne tapos hindi na nagsalita)
Via: Maghunos-dili ka nga. Mukha kang baliw magdrama dyan. Hindi bagay sa'yo maging artista. (tumatawa)
Ziggy: (seryoso ang tono) I'm serious...
Via: (lunok laway, kinabhan sa seryoso ni Ziggy) B-bahala ka nga jan. K-kuha lang ako ng j-juice. W-wag kang aalis jan.
Ziggy: Hindi naman ako umaalis sa tabi mo palagi.
Via: (napatingin kay Ziggy tapos napalunok ulit ng laway tapos tumakbo palabas ng kwarto)
******
Nakaka-intense ang pagiging seryoso ni Ziggy ha. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Yung kita ko sa mga mukha niya ang sinseredad na ewan? Na nakakatakot. Na feel ko kahit anong oras ay handa akong kainin. Sheyt!
****
Wala ako sa sariling bumaba ng hagdan at pumunta sa kusina. Nandun pa sina mama at ninang na nag-kumare-talk. Wala sina kuya at papa sa salas. Nasan na kaya ang mga yun? Alas diyes naman kasi, baka natulog na ang mga mokong. Talo pa ang mga tanders sa sobrang aga matulog eh sabado naman bukas, walang trabaho.
*******
Mama: Vianne, nauuhaw ka anak? Bakit dalawang baso yan? Ganyan ka ba talaga ka uhaw?
Via: Hindi kay Ziggy itong isa. Nasa kwar-
Ninang: Pupunta ka sa bahay ngayon, Vianne? Sabi kasi ni Ziggy na magmovie marathon daw kayo magdamag.
Via: Yun po ang sinabi ni Ziggy?
Ninang: Oo diba sa bahay kayo?
Mama: Pero alas diyes na...
Via: AHA-HA-Ha- Ha. Oo nga ninang. Alas diyes na. Baka may momo pa jan sa kanto. Ayoko ng pumunta dun. Baka bukas nalang siguro.
Ninang: Ah okay. Ikaw bahala.
Via: Tatawagan ko nalang po na bukas na kami magmovie marathon. May lakad din kasi ako bukas, birthday ng classmate ko.
Ninang: Oo sige...
Mama: Pero bakit dalawa yang baso ng juice mo?
Via: A-HEHEHE -HEHEHE. Sobrang nauuhaw kasi ako ma. Para hindi na ako bababa diba? Kakapagod yun eh. Nakaka-stress. Ehehehe. Sige akyat na ako.
Mama & Ninang: (chika ulet)
*******
Concern pa akong bigyan sya ng juice tapos ngayon hindi pala alam nila mama at ninang na nasa kwarto ko siya? Ang kapal talaga ng mukha ng mokong. Hindi ako papayag na dito to matutulog. Baka mapahamak kami. Ang mga bata pa ng aming mga kasarinlan. At malupet ang mundo. Ang mundo na isang napakamalaking Quiapo. Kaya ayokooooo...
*****
Pagpasok ko sa kwarto ay tahimik na. Hindi na naka-play ang laptop at ang bruhang si Ziggy ay mahimbing na nakapikit slash nakahiga, san pa? Eh di sa virgin kong kama!
*****
Sisigawan ko na sana siya pero baka mahuli pa kami. Sigurado, ang sasabihin ni kuya: Pinipilit ko ang sarili ko kay Ziggy kaya nandito siya sa kwarto ko. Huhuhu.
*****
Or mas better, bubuhusan ko nalang siya ng juice na hawak ko. Tutal, para sa kanya naman talaga ito eh.
*****
Ang ending, nilagay ko ang juice sa lamesa at tinignan siyang mahimbing na parang tulog na yata. SHEYT! NO WAY. San ako matutulog? Wag mong sabihin jan sa tabi niya? Ang landi mo na Vianne ah! Kahit gusto mo, HUWAG! Pigilan mo ang sarili mo. Para sa kinabukasan.
*****
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Sheyt. Ang gwapo niya sa malapitan. Yung kahit ilang beses mung tutukan, hindi mo pagsasawaan. Yung ilang beses mong kainin, hindi ka masusuka? Kain? Anong trip mo Vianne? Bat ang landi mo na ngayon.
*****
Shyet. Ang bango pa niya. Nasanay na ako sa bango niya pero hindi ako nagsasawa. Hindi ako nakakalapit ng ganito sa kanya simula pa noon. Ngayon ko lang siya talaga natutukan ng husto. Alam niyo naman si Ziggy napaka-conservative.
*****
Habang abala ako sa mukha niya, bigla nalang siyang dumilat at ikinagulat ko yun. Napatayo ako ng maayos pero hinagit niya ang bewang ko kaya napahiga din ako sa kama. Ganito sa mga movies at mga libro eh. Masyadong cliche na. Alam ko na to. tapos, sasabihin niya na mahal niya ako tapos hahalikan tapos may mangyaya- wait a minute, wala yan sa usapan. Bugbog Berna kung magkataon man. Pero ngayon, kahit katulad pa sa mga movies o libro man ang scene na ito ng buhay ko ay isa lang ang nararamdaman ko, malapit na akong mamatay sa sobrang kilig. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit namin. Kasi baka kung huminga ako baka ayaw na niya akong yakapin. Hindi pa naman ako nagtoothbrush. HUHUBELS. Please pigil hinga. Please.
*****
Ziggy: Ang taas pala ng mga pilik- mata mo.
Via: (tinignan lang si Ziggy pero hindi nagsalita)
Ziggy: Ang kapal ng kilay mo...
Via: (sa isip: Bakla ba ito? May balak yata itong maging make-up artist ah)
Ziggy: Matulog na tayo. (tapos pumikit)
Via: (napanga-nga) (sa isip: Sheet. Akala ko kikiligin na ako. Ni hindi man lang nagsabi ng I LOVE YOU. Movies go wrong talaga. Hahaha)
Ziggy: (habang nakapikit) Vianne please... huwag kang sasama kay ninang...
Via: H-ha?
Ziggy: (niyakap ng mahigpit si Vianne) Please... dito ka na lang... Hindi na ako mag-aaral ng malayo. Dito ka lang tayo please...
Via: Zig...
Ziggy: (yakap ng mahigpit si Vianne) Please...
Via: (pinaharap si Ziggy at nakita ang teary eyes nito) Umiiyak ka ba?
Ziggy: (pinunasan ang mga luha)
Via: Ziggy...
Ziggy: Nababading na yata ako...
Via: (tinignan si Ziggy)
Ziggy: Ano ba ang gagawin ko para hindi ka nalang umalis?
Via: Wala. At wag mong isuko yung scholarship. Bubugbugin kita.
Ziggy: (napatawa)
Via: Ang bading ng boyfriend ko.
Ziggy: (shock tapos napatingin agad kay Vianne plus smile)
Via: Wag ka ngang ngumiti. Bubugbugin kita.
Ziggy: (tawa) Si Berna po pala ang girlfriend ko.
Via: Oo. Nambubogbog din si mama kapag malaman niya na nandtito ka.
*****
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...