#Arguing
Nagising ako nang may marinig akong maingay puro bulong bulong ang naririnig ko at bungisngisan.
"Shhh!stop laughing they might be hear us!" rinig kong bulong ng isa at nakarinig ako ng isang mahinang hampas.
"Huwag niyo silang gisingin.." tuluyan ko nang idinilat ang mata ko at nakita ko si Hoseok,Jungkook at Taehyung na nakadapa sa kama at nakakalumbaba sa harapan namin.
Napaatras naman sila na parang walang nangyari at nag hampasan habang nakatalikod sakin agad kong tinignan kung saan ako nakatulog.
O.O
Omoo!?Nakatulog ako sa hita ni Yoongi?alam ko nakatulog ako sa balikat niya lang? =_=+ Nakatulog nga pala kame sa kakapanood at kakalaro ni Yoongi.Agad akong napatayo at nakita ko na nagising na ren si Yoongi.Nabitawan ko ba ang icepack?o siya?nakapwesto kase ang kamay niya sa icepack eh malamang hawak niya iyon.
"Ayan..sabi ko sayo huwag kang maingay eh" sabi ni Hoseok kay Taehyung na naka-indian seat sa ibabaw ng kama at nakatalikod samin.
"Uhhmm--kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila.Inaayos ko ang sarili ko na gulo gulo ang buhok at nagtanggal ng muta sa mata kung meron man."Pasensiya na,nakatulog ako sa kwarto niyo" paumanhin ko.Pinulot ko ang nalaglag na icepack.Agad namang tumalon si Taehyung sa pagkakaupo niya at lumapit sakin.
"Okay lang yun Trix!Ako na diyan hehehe" inagaw niya sakin ang icepack at inilagay iyon sa may ref.
"Bakit nga pala hindi pa kayo lumalabas?Dapat ay nag-be-breakfast na kayo." inayos ko ang nagkalat na unan at kumot sa lapag pero gaya ni Taehyung ay tumalon din si Jungkook sa pagkakaupo at siya naman ang nagabot ng kumot na tinitiklop ko.
"Ano bang nangyayari sa inyo??bakit ganyan kayo?" natatawang tanong ko sa kanila habang nakapameywang at pinapanood sila.
"Pinapasok muna sila ni Namjoon-hyung at Jin-hyung.." sagot ni Hoseok na nakaupo na sa tabi ni Yoongi na nakasandal sa kanya.Ayun nakapikit ulit si Yoongi masyado ata siyang napuyat ng dahil sakin kaninang madaling araw.
"Bakit naman?" kumunot ang noo kong umupo ako sa kama at humarap kay Hoseok.Nagkibit balikat na lang siya kaya lalo akong na-curious.
Tumayo na lang ako nag lakad palapit ng pinto pero pinigilan ako ni Taehyung.Ano bang nangyayari?
"Privacy.."
"Huwag!"
"Dito ka na lang."
sabay sabay nilang sigaw sakin aba't lalo akong nagtataka sa mga kinikilos nila ah.Tinignan ko sila nang mabuti habang nanliliit ang mga mata ko,wala na silang nagawa kundi ang hayaan ako kaya lumabas na ako at nakita ko na nagsisigawan ang tatlo sa labas.
"Jimin!ano bang nangyayari sa iyo?Kailan ka pa nagkaganyan?" Sigaw ni Eomma Jin kay Jimin na nakaupo sa sofa nakikita ko na galit na galit si Eomma Jin kay Jimin,namumula siya pag sumisigaw.I can see the rigid cords forms in his neck.
"Hayaan mo na lang ako hyung.." mahinang tugon ni Jimin.Lumapit naman ako sa kanila hindi nila napansin na nasa harap na nila ako pero nakita ako ni Namjoon-hyung na lumapit.
"What happen? why are you fighting?" kalmado kong tanong sa kanila.Ipinagpapalit palit ko ang tingin ko kay Jimin at Eomma Jin.
"It's all your fault!" biglang sigaw sakin ni Jimin kaya napakunot ako ng noo.Hindi ko nga alam kung bakit sila nag aaway tas ako ang may kasalanan?Ang galing.."Don't pretend that you did nothing wrong" matalim ang mga mata niya na nakatingin sakin.Hindi ko na maintindihan lahat ng nangyayari.Napanganga na lang ako habang iniisip kung ano ang masamang ginawa ko nitong mga nakaraan.
"W-wait lang ah?Ako ba?" nakangiti ako kunwari na naninigurado kung ako nga pero ang totoo ay gusto ko na ren mainis.
"Yes!" madiin at malakas na sigaw niya sakin,tumayo siya at lumapit sakin "Nang dahil sayo nagkakagulo kame ngayon." duro niya sakin.Hindi ko na kaya ang pagbibintang niya sakin.Ako itong walang ka-alam alam sa nangyayari tas sakin niya sisisihin lahat.
Hinawakan ko ang daliri niya na nakaturo sakin at ibinaba iyon tinignan ko siya mata sa mata bago nagsalita "Kung ano man ang nagawa kong kasalanan pasensiya na..Hindi ko gusto na umabot sa ganito at hindi ko na ren gusto ang inaasta mo sakin.Pasensiya na pero huwag na huwag mo ididiin sakin ang kasalanan na hindi ko naman alam."
Marahang natawa siya at tinignan ako na parang sinusuri."Talaga lang?" isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sakin.
"That's enough Jimin!Hindi na tama ang ginagawa mo kay Trix!" biglang sigaw ni Yoongi.Kanina pa ba sya nandito?Akala ko ay tulog siya bago ako lumabas.
"Look who's talking!" sarcastic na sabi ni jimin habang nakasmirk.Lumingon ako kay Yoongi na papalapit samin pero pinigilan siya ni Namjoon,hindi naman siya nag papigil at lumapit pa ren samin.
"Hindi tama na ginaganyan mo si Trix." mahinahon lang ang tono ni Yoongi,hindi ko dapat hayaan na pati siya ay madamay dahil labas siya dito.
"Why? are you protecting her?"
"Sinasabi ko lang na hindi na tama ang ginagawa mo.Babae siya,nanghingi na siya ng apology hindi pa ba sapat yun?"
"I don't care hyung..eh ikaw bakit pinagtatanggol mo siya?Do you like her?" turo sakin ni Jimin.Hindi ko na kaya pa ang ginagawa niya at hindi ko na kayang makapagtimpi.
Aambahan na sana ni Yoongi si Jimin ng suntok mabuti na lang at mabilis na napigilan ni Namjoon at Eomma Jin ang dalawa kaya hindi sila nag pang-abot.
"JIMIN PWEDE BA!?KUNG MAY PROBLEMA KA SAKIN—SAKIN NA LANG!KUNG MAY GALIT KA SAKIN—SAKIN NA LANG DIN.HUWAG KA NG MANDAMAY NANG IBANG TAO." sigaw ko sa kanya,hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw.Hindi ko na ren namalayan na umiiyak na pala ako sa galit."HUWAG MO NA IDAMAY SI YOONGI..HUWAG MO NA REN IDAMAY ANG MGA KASAMA MO.AKO NA LANG!TUTAL IDINIDIIN MO DIYAN SA KALOOB-LOOBAN MO NA AKO ANG MAY KASALANAN." habang dinuduro ko ang daliri ko sa dibdib niya."Edi sana ako na lang ang dineretsa mo..t-tell me, what I've done to..to you,what 'wr-wrong' that I've done to you?" naramdaman ko na hinawakan ako ni Yoongi sa braso at tinignan naman ni Jimin yun.Humihikbi nako sa sobrang pag iyak ko,hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Tinignan lang ako ni Jimin the he walked away,angry,scowling,toward the door.Napaupo na lang ako sa sofa kung saan ko siya naabutan kanina.Lumapit naman sila Eomma Jin sakin at nandun na ren pala sila Taehyung na may dalang baso ng tubig at pinainom sakin.
Hinagod ni Eomma Jin ang likod ko habang umiinom ako ng tubig at humihikbi.Medyo nahihirapan na ren ako huminga dahil patuloy pa ren ako umiiyak.
---
BINABASA MO ANG
Sexmate Turns To His Fiancé (BTS Jimin)
RomanceRated SPG kung 15 and below ka.Bawal ka po dito.At sa mga 16up na gustong magbasa neto gora lang! This is just an imagination and not real life so please understand.