KIRA IS expecting an old-fashioned man in his late 40s or 50s when she entered the office of the school principal. If it was not just the request of the highest position, she would not enter even her very first step inside that school. But looked what she's not been expecting of. Nandoon na siya sa loob ng Standford School at makikipagplastikan sa lalaking nasa harapan niya at kung susumahin ay nasa late 30s lang nito at hindi mo aakalaing sa edad nitong iyon ay naging principal na ito ng isang sikat na private school.
"You can take your seat and don't bother to ask yourself if you are really in the right place. And yes, I am the principal. By the way, I am Gerrard Villena."
Biglang tumaas ang isang sulok ng labi niya. Mukhang mahusay itong mag-obserba at mukhang mahihirapan siya sa isang 'to. Umupo siya sa isang upuan na kaharap nito. And take note, she didn't bother to greet him.
Pinasadahan nito ng tingin ang resume niyang paniguradong inabot dito ng taong may kasalanan kung bakit siya napadpad sa school na iyon. Nakita pa niyang tumango-tango ito habang nakatingin pa rin sa resume niya. Hindi naman niya alam kung dapat bang matawa dahil mukhang paniwalang-paniwala ito sa mga nakasulat doon. Maging siya ay hindi man lang nakita ang mga nakasulat doon.
"Graduated in a very known university with flying colors," anito habang tutungo-tungo. "Stunning employment record. Mukhang matagal ka ng teacher."
Gustong ngumiti ng mga labi niya pero mas nanaig siya. Nanatili siyang walang emosyon sa harap ng principal. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha nito. Those stunning pair of light blue eyes, well-pointed nose, a pair of thin natural red lips and a jaw-dropping face. Mukhang maraming babae ang nahulog sa mukhang iyon.
"Ms. Esparrago?" agaw nito sa atensyon niya.
Pilit naman niyang pinahalata na hindi siya nahumaling sa mukha nito. Tumikhim siya para maibalik ang tamad na tingin sa principal. "Yes?"
"Based on Mrs. Enriquez observation and evaluation on your demo earlier, you got a very satisfactory grade. Mukhang naimpress mo talaga siya as she would be your department head if ever."
Tumango-tango siya. Wala siyang maisip na sabihin. As if rin naman na may interes siya sa ginagawa niya.
"So, if ever, what will be your expectation if you become a teacher of Standford School?" tanong nito na mataman lang nakatingin sa kanya.
Kumurap-kurap siya. Expectation? Isa lang naman ang pumasok sa isip niya. "No work during weekends."
Parang may dumaang anghel sa katahimikang umalingawngaw sa loob ng office. Mukhang nakahuma naman ang principal sa sinabi niya. "Weekends?"
"Yes, Mr. Villena," may paninindigan ang boses niya habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. "You heard it right. No work during weekends. Are your teachers required to go to school during weekends? Because if yes, I will refrain from applying on your school. I will look for other school that teachers are not required to go to school during weekends."
Nakita niya ang paglunok nito na para bang nag-iisip ng tamang suhestyon para sa kanya at hindi siya umatras. "How about during gatherings that we preparably do during Saturdays?"
"Saturday is still weekend." Walang emosyon ang mukha niya. Naroon na lamang ang kagustuhang lumabas sa office na iyon at matapos na ang lahat ng kalokohang iyon.
"I think I can't give you your request since we usually do some things during Saturday," anito.
Bigla siyang tumayo na medyo kinagulat ni Mr. Villena. "And then, I am so sorry to waste your time. I didn't mean it. Still, thank you for your time." Hindi na niya hinintay ang anumang sasabihin nito at dire-diretsong lumapit sa pinto ng office nito at lumabas na parang wala lang. Nakasalubong pa niya si Mrs. Enriquez sa hallway. Tinanguhan niya lang ito bilang paggalang sa matanda. Lalabas na sana siya ng building na iyon ng may biglang tumawag sa pangalan niya.
"Ms. Esparrago!"
Kunot-noong nalingunan niya si Mr. Villena na ilang metro ang layo sa kanya. Hindi niya alam kung bakit inis siya rito nang makita niyang parang hingal ito sa pagtakbo. "Yes?"
Naglakad ito ng ilang hakbang palapit sa kanya. "Can we still talk about this? I will revise your contract?"
Mukhang may paninindigan naman ang boses ni Mr. Villena. At mukhang kailangan niyang tanggapin ang alok nito dahil mananagot siya sa kataastaasan kapag hindi siya nakapasok sa school na iyon.
"Can we still have the contract signing?" anito. "I will add your request on your privileges."
Tumikhim siya. "Tomorrow. Ten A.M. I still have something to do. Bye." At tinalikuran na niya ito at dire-diretsong lumabas ng Standford School.
PARA SIYANG punong tinubuan ng ugat sa pagkakatayo niya sa lugar na iyon. Bigla niyang nahimas ang baba na para bang may nagawa siyang hindi maganda.
How could that woman treat me like I am just an ordinary man?! I am the school principal for Pete's sake!
Pilit niyang inihakbang ang mga paa pabalik sa kanyang office. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may idi-nial roon. Nakadalawang ring bago may sumagot sa kabilang linya.
"Yep, my friend! How are you today?" ani ng nasa kabilang linya pagkasagot sa tawag.
"You didn't tell me that she doesn't like to attend in school during weekends!" bulyaw niya rito. Kung hindi lang talaga nito ni-request na tanggapin niya si Ms. Esparrago sa school para maging guro ay hindi niya panghihinayang umatras ito sa contract signing. "Paano ko naman maaasahan na magagawa niya lahat ng trabaho niya?"
"It's me,your friend, Francis! Kailan ba kita binigo? Basta sabi ko sa'yo gawin mo ang lahat para tanggapin siya sa school mo. And I promise, she's all worth it!" May pagmamayabang sa boses ng kaibigan.
"Kung hindi mo lang siya ni-refer, hindi ko siya tatanggapin! Kung alam mo lang na bigla niya akong tinalikuran sa office ko at hinabol ko siya hanggang sa labas!" Pumasok siya sa kanyang office at naupo sa kanyang swivel chair.
Narinig niya ang pag-'oh' nito. "Anong nangyari? Pipirma ba siya?"
Bigla niyang nahilot ang sentido ng maalala ang eksena nila kanina. Pakiramdam niya ay siya pa ang naghabol rito. "I am the boss but she's been being so bossy! Siya pa talaga may lakas ng loob na magset ng appointment para sa contract signing!"
Narinig niya ang malakas na tawa ng kaibigan. "I am so sorry not to mention about that. She hates work during weekends. It's her free time."
"Siguraduhin mo lang na hindi siya tatamad-tamad." Pakiramdam niya ay sasakit ang ulo niya sa babaeng iyon.
"Yes, boss! And by the way, she hates smiling. Nangiti lang 'yan kapag nasa harap ng students." Narinig niya ang malakas na tawa ni Francis sabay patay nito sa tawag.
Halos hindi na maipinta ang mukha niya. Pakiramdam niya ay magpapapasok siya ng malas sa school. Kahit na mukhang hindi maganda ang magiging araw niya ay hindi niya maalis sa isip ang napagmasdan kanina.
Definitely, those pair of dread serious pure hazel brown eyes will be my weakness.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Follow me!
Facebook: @mairigellostories
Instagram: @mairigello
Twitter: @mairigello
Booklat: @mairigello
Wattpad: @mairigello
Gmail: mairigello@gmail.com
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...