NAGMAMADALING tinakbo ni Kira ang private room kung saan nilipat ang anak niyang si George matapos ang naging operasyon nito. Halos padabog naman niyang naitulak ang pinto at halos hingal nang magtama ang mga mata nila ni Gerrard. Agad naman siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Are you okay?" Sinapo nito ang mga pisngi niya at marahang hinila palapit sa sofa at pinaupo roon. "Namumutla ka ata? Anong ginawa sayo ni Francis?"
Pakiramdam naman niya ay natauhan siya sa narinig na pangalan. "Si F-Francis?"
"Hindi ko alam," anito. "'Di ba kayo ang magkasama? Nasaan na si Francis?"
Pakiramdam niya ay lumuwag ang paghinga niya gayong hindi pa nagkikita ang dalawa ulit. Agad naman siyang napalingon sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Mabilis na nilapitan niya ito at sinapo ang mukha nito. Dinampian niya ng munting halik ang anak sa noo.
"Pagaling ka na, baby. Nandito lang si mama," bulong niya rito.
"Mabuti na lamang daw at agad na natanggap ng katawan ni George ang dugo ko. Magigising na siya anumang oras ngayon," maya-maya'y saad ni Gerrard.
Napalingon naman siya agad dito na nakatayo na pala. "Gerrard."
"Okay ka lang ba? Parang balisa ka? May nangyari ba?" may pag-aalala ang boses ng lalaki.
Gerrard hugged her tight that made her feel contented. Gumaan ang pakiramdam niya ngayon na nasa bisig siya ng lalaking minamahal. Pero agad rin iyong nabura nang maalala niya ang nagawa niyang panloloko rito anim na taon na ang nakakaraan. At anumang oras ngayon ay maaaring malaman nito ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng kanyang anak. Napupuno pa ng takot ang puso niya sakaling malaman nito ang katotohanan. Hindi niya ata kakayaning kamuhian siya ng lalaki.
Pero ganoon na lamang ang panlalamig ng katawan niya nang marinig niyang nagbukas-sara ang pinto ng kwarto at mas lalong kumabog ng dibdib niya nang tawagin ni Gerrard ang bagong dating.
"Francis."
Binitiwan na siya ni Gerrard sa pagkakayakap pero hindi niya agad nagawang lingunin ang bagong dating.
"Kumusta si George?"
Napalunok siya nang marinig ang boses ni Francis. Nang unti-unti biyabitong linungin ay walang mababanaag na emosyon sa mga mata nito na mas lalong nagpangilabot sa kanya. Francis never been this so emotionless towards her.
"Okay na naman daw sabi ng doktor. Pahinga na lang daw. Within two to three days, kapag maayos na ang kondisyon ng bata, puwede na siyang lumabas," si Gerrard ng sumagot.
Tumango-tango si Francis. Halos hindi naman niya ito matapunan ng tingin. Halos itago niya ng sarili sa likod ni Gerrard.
"Aalis muna ako. Aasikasuhin ko muna ng kaso ng mg sindikatong gumawa nito. After a day, I want everything to be clear and fine," ani Francis.
"Ha?" wala sa sariling tanong ni Gerrard. "What do you mean? Okay naman lahat, ah?"
Alam niyang siya ang pinapatamaan ni Francis. She murmured to thanks him and he would let her tell the truth to Gerrard.
"Mauna na ako." Hindi na hinintay ni Francis ang sagot nila at walang sabing lumabas na ito ng kwarto at iniwan silang dalawa.
Napatingin naman sa kanya si Gerrarf pero hindi niya nagawang salubungin ang mga mata nito. Nagkibit-balikat na lamang siya wari'y hindi naintindihan ang ibig sabihin ni Francis. Kailangan niya munang mag-ipon ng lakas ng loob para sabihin sa lalaki ang katotohanan.
"KUMUSTA NA ang anak mo?"
Takang napalingon siya sa nagsalita. Napakurap-kurap pa siya nang makilala ang kanyang pinsan na si Erik. Pangalawang beses na niyang makita ang pinsan sa ospital na iyon. Noong una ay ito ang kumuha ng dugo sa kanya na isasalin kay George.
They are not that too close to each other since they never grown up seeing each other during family reunion. Nag-aral kasi ito sa ibang bansa at bumalik lang para dito na sa Pilipinas magtrabaho. Pero hindi naman sila ganoon kalayo sa isa't isa. They used to know each other at nakakapag-usap naman sila paminsan-minsan. Iyon nga lang, kadalasan ay tungkol sa negosyo at hindi sa pamilya.
Napaisip pa siya kung sinong anak ang tinutukoy nito. But since, they are still in the hospital, si George ang pumasok sa isip niya.
"He's okay. He's doing fine," sagot niya rito. "Thanks sa concern."
Pumunta siya sa cafeteria ng hospital para bumili ng makakain nila ni Kira nang bigla itong magsalita sa bandang likuran niya. Inabot naman nito sa kanya ang inorder niya na inabot ng tindera.
"Hindi ko alam kung kailangan ko itong sabihin sayo o hayaan ko nang sila na magsabi sayo," anito maya-maya.
Kunot naman ang noo niyang napalingon dito. "Ang alin?"
"Hindi sa nangingialam ako at nakikiusyoso." Napahinto ito saglit bago nagpatuloy. "Anak mo ba talaga 'yong bata?"
Napahinto siya sa tanong nito. And yes, he felt awkward and uncertain but he knew in his heart, kahit hindi ito nanggaling sa kanya, ay gusto niyang maging tunay na anak si George.
"He is my girlfriend's son," maikli niyang sagot.
Tumango-tango ito. "Is it really just coincidence that you have the same blood type?"
"Hindi ko alam pero nagpapasalamat na lamang ako na pareho kami. Nasagip ko ang buhay ng bata."
Tiningnan siya nito sa mga mata na parang may hinahalukay na impormasyon doon. "Pero alam mo rin ba na pina-DNA Test ni Francis ang dugo niyong dalawa?"
"Ha?" Pakiramdam niya ay nabingi siya sa sinabi nito. Hindi naman niya matukoy kung saan nanggaling ang kabang nararamdaman sa sinabi ng pinsan. Why would Francis do that? Bakit?
"I'm a geneticist, you know that. Alam mo kung anong propesyon ko," ani Erik.
And yes. Erik is a geneticist. He studied human heredity and genes. He is a resident geneticist of St. Peter Medical Center. He used to test DNA of human beings.
"At madali lang para sa aking sabihin kung mag-ama ang dalawang tao even without DNA Paternity Testing. And I swear, anak mo talaga ang batang 'yon. Physical features can easily tell you. Kamukha siya ni Lolo Goerge."
Hindi agad siya nakaimik. George is my real son? Kaya pala pamilyar ang mukha ng bata. Kaya pala pareho sila ng kulay ng mga mata? Kaya napalapit agad siya sa bata? Totoo ba ang lukso ng dugo? Same blood type is running on their body?
"I can give you the result of the DNA Test as soon as in two days. Still, nasa iyo kung maniniwala ka sa akin o hindi. Baka lang kasi nawala sayo ang isang bagay na matagal mo na dapat nalaman. Hindi naman ako ganoon kadamot para ipagkait sayo ang isang katotohanan."
Natulala na lamang siya habang sinusundan ng tingin ng papalayong bulto ng kanyang pinsan. Hindi agad siya nagalaw sa kinatatayuan niya at para siyang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba.
Paanong nangyaring magiging anak niya talaga si George? Nagkakilala na ba kami ni Kira noon? At ang mas lalong gumugulo sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Francis noon. Is it me who raped Kira that night?
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...