Chapter 8

2.8K 54 3
                                    

"SO, YOU know each other?"

Inirapan lang ni Kira ang pagngisi ni Francis bilang sagot sa tanong niya. Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan ng dibdib saka sinandal ng tuwid ang likod sa backrest ng passenger's seat. Totoo nga ang sinabi ni Francis, ihahatid siya nito sa tinutuluyan niyang apartment.

"We're friends. Don't worry, hindi magsasalita si Gerrard tungkol sa trabaho natin, and else, iwasan mo na lang siya kapag kinukulit ka niya tungkol sa tunay mong trabaho," ani Francis. Binasag nito ang katahimikang bumabalot sa kanila kanina.

Pinaikot niya ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "Paanong iwasan? Duh, panigurado mangungulit iyon. Atsaka paano kayo naging magkaibigan? Kung magkaibigan kayo, bakit tinanggap mo itong kaso na ito?"

"He's my friend, Kira," Francis' answer.

"That's why?" Hindi siya kuntento sa sagot nito.

"Yes," anito. "Kaibigan ko siya kaya tinanggap ko itong kasong ito. His job is my job. Pero hiwalay ang personal sa trabaho. Maybe, I just want to protect his property. Else, sabay-sabay kaming lumaki at nagkamuang sa Standford School."

"Magkaklase pa kayo?!" gulat na tanong niya.

Tumango-tango lang si Francis bilang sagot habang diretso lang ang tingin sa harapan.

"Bakit ba hindi ko nahalata?" sarcasm filled her voice. "Kaya pala ang dali kong matanggap sa school na iyon. Bakit ba hindi ko naisip na may koneksyon ka sa loob ng school."

"I told you," natatawang sabi ni Francis. "That would be easy."

"Yeah," aniya. "Anyway, may nakaharap akong lalaki sa third floor kanina. Kung hindi lang humarang sa daraanan ko si Gerrard, mahuhuli ko na sana ang lokong iyon."

"Pinaikot ko na ang mga guard bago ako pumasok sa admin office. Wala na naman silang napansing kakaiba sa buong school." Saglit siyang sinulyapan ni Francis. "Just make a report about what happened today then submit it to me tomorrow. Saturday bukas, wala kang work."

"Magbabantay ako sa school bukas," mabilis niyang sagot.

Tumango-tango si Francis. "Usually, Gerrard is in school during weekends.  Baka makita ka niya."

"Duh," maarte niyang sagot. "Hindi ako nag-rock climbing for nothing."

Tinawanan lang siya ng kasama. "Iwasan mo lang ang mga CCTV. Baka bigla na naman akong i-text ni Gerrard na nahuli na naman niya ang mga kalokohan mo, ah."

"I will be," aniya. "Magiging maingat na ako this time."

Ilang minuto lang ang lumipas ay natagpuan na niya ang sarili na nakatayo sa labas ng pinto ng kanyang inuupuhang apartment. Nagpaalam na si Francis at hinintay na lamang niyang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito bago siya pumasok sa loob.

KINABUKASAN, sinigurado ni Kira na makakapasok siya sa loob ng Standford School na walang nakakakita sa kanya. Mabibilis ang mga kilos niya nang hindi nakatingin sa malaking gate ang mga security guard ng paaralan ay iniisang hakbang niyaang hagdan na nasa gilid ng guard's headquarters at nakayukong tinungo ang third floor ng junior high  building.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang tuluyan na siyang nakapasok sa inookupang classroom ng advisory class niya at mabilis na sinira ang pinto. Napasalamat naman siya na binigay sa mga adviser ang isang kopya ng susi ng hawak na classroom kaya madali siyang nakapuslit sa loob. Sinara naman niya ng marahan ang pinto at saglit na sumilip sa bintana. Kanina ay nakita niya ang ilang teachers. Muntik pa siyang mahuli pagliko niya ng elementary building mabuti na lamang at mabilis ang kilos niya na nakapatago agad siya sa isa sa cubicle ng nadaanang comfort room.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon