Chapter 3

3K 55 1
                                    

KUNOT ang noo ni Kira habang nakatingin sa contract na inabot sa kanya ni Gerrard. Nandoon siya ngayon sa conference room ng Standford School. Saktong alas diyes ng umaga ay inapak niya ang paa sa malaking entrada ng paaralan. Kahit hindi niya tapunan ng tingin ng bachelor principal ay alam niyang sa kanya nakatutok ang mga mata nito na medyo kinailang niya.

Hindi ba siya titingin sa ibang direksyon?

Tumikhim siya para makuha ang atensyon ni Gerrard. Kinuha naman niya ang ballpen na nasa ibabaw ng mesa saka pinirmahan ang hawak na kontrata. Isang taon siyang mamalagi sa paaralan pero nasisigurado niyang hindi siya lalagpas ng mas bababa pa sa tatlong buwan. Si Francis na ang magtatrabaho niyon para mangyari iyon. At ang mas sinigurado niya ay hindi siya obligadong pumasok sa paaralan tuwing weekends.

Sabay lapag ng pirmadong kontrata sa mesa at tinulak iyon palapit kay Gerrard. "I hope to have a nice work with you, Mr. Villena," aniya. Pero walang ngiti sa mga labi niya.

"I hope, too," ani naman nito. Kinuha nito ang kontrata at tinago ulit sa isang folder saka umupo ng diretso paharap sa kanya. "Are you going to start today? We're going to have a faculty meeting after lunch. We're going to discuss about the agenda fornthe upcoming school year since isang buwan na lang ay magbubukas na ulit ang school days."

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Mukhang wala naman siyang choice. "I'll be back at exactly one at the afternoon." Sabay pa silang tumayo ni Gerrard na medyo kinagulat niya. Lumapit ito sa kanya na may malawak na ngiti na kinunotan naman niya ng noo.

"Welcome to Standford School," sabay abot sa kanya ng kamay nito pero matagal niyang tinitigan ang kamay nito.

"No need to have a shakehand. Too formal." Pero ang totoo ayaw niyang maramdaman ang anumang kaba kapag nagkadikit ang mga balat nila ni Gerrard dahil malamang malapit lang ito sa kanya ay hindi na niya maipaliwanag kung bakit hindi siya mapakali. Simula nang habulin siya nito kahapon para lang magkaroon sila ng kasunduan sa kontrata ay hindi na niya maipaliwanag ang kabang nadarama para dito.

Lumapit na siya sa pinto at hinawakan ang sedura niyon. "See you later, Mr. Villena." At walang anu-anong lumabas siya ng conference room. Hindi puwede, Kira! Manahimik ka dyan! Alam mong bawal kang magkaroon ng paghanga sa ibang lalaki! Pilit niyang binubura sa isip ang guwapong mukha ng principal na kagabi pa tumatakbo sa isio niya at mas lalo pang lumala ng asarin siya ni Francis nang magkita sila kagabi. Kira! Stop this!

"PARA KANG tuod dyan?"

Hindi alam ni Gerrard kung ilang minuto na siyang nakatayo doon simula ng umalis si Kira. Nakatitig lang siya sa kamay na naiwan sa ere matapos tanggihan ni Kira ang pakikipagkamay niya at walang anu-anong lumabas ng babae ng conference room.

Saka lang siya parang natauhan ng pumasok si Mrs. Enriquez at magsalita na ikinagulat niya. "Umalis na si Ms. Esparrago pero ikaw parang naiwang tulala dyan? Binasted ka ba?" Halata ang pilyong ngiti nito sa mga labi.

Saka naman niya binaba ang kamay at tumikhim para makahuma sa pagkakapahiya. Bumalik siya sa mesa kung saan niya naiwan ang pinirmahang kontrata ni Kira. Kinuha niya iyon at inabot kay Mrs. Enriquez.  "Piniramahan na niya 'yan, Madam. Pakiayos na lang sa record ng mga teachers natin."

Inabot naman ng matandang babae ang kontrata. Saglit nitong pinasadahan ang kontara saka tumingin ulit sa kanya. "Sana hindi ka ma-distract sa kanya." Natatawang sabi nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Madam," pigil niya rito. "Stop teasing me. I'm not in the mood." Umupo siya saka hinilot-hilot ang kanyang sentido.

"Look at you," natatawang saad ni Mrs. Enriquez. "You're not in the mood because she did not accept your shakehand. Nanghihinayang ka ba?"

"Madam!" pigil niya rito. "She's being so bossy! Parang wala lang sa kanya kung anong katayuan ko sa school na ito! I'm the principal, for Pete's sake!" Hindi niya alam kung bakit ba siya naiirita. Dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Kira o hindi man lang ito nagpapakita ng emosyon sa kanya. Laging seryoso ang mga mata ni Kira. Those hazel-colored eyes! Hindi man lang niya malaman kung natutuwa ba ito na kaharap siya o hindi! And why I need to care!

Umiling-iling si Mrs. Enriquez. "Prepare yourself for the faculty meeting later." Iyon kang at iniwan na siya ng matandan doon at frustrtaed pa rin siya sa hindi malamang dahilan. Minabuti na lamang niyang ayusin ang agenda nila mamaya para sa faculty meeting at pilit inalis sa isip ang mukha ni Kira na seryosong nakatingin sa kanya.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon