Chapter 29

2.5K 46 0
                                    

GERRARD was so blitzed that he couldn't walk straight until a receptionist helped him until they got into the lobby. Pilit niyang inaalala kung saan siya nanggaling at kung saan siya papunta. Naaalala niyang may nilabasan siyang kwarto pero hindi niya maalala kung saan. Pilit niyang dinidilat ang mga mata para makita ang daan ngunit kanina pa umiikot ang paningin niya hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa kanya.

"Sir, isasakay na kita ng taxi. Ipapahatid ko na po kayo sa inyo." Hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi ng lalaking may hawak sa kanya pero nagawa na lamang niyang tumango.

Parang binabarena ang utak niya at halos wala na siyang makita sa sobrang labo na ng paningin niya. Nagagawa niyang humakbang pero halos buhatin na siya ng receptionist at nagpatulong na rin ito sa iba pa nitong kasama.

Nakaramdam siya ng malamig na simoy ng hangin na dumampi sa kanyang balat. Naisandal na lamang niya ang kanyang ulo sa headrest ng sasakyan. Hindi niya alam kung paano siyang nakarating doon pero mas pinili na lamang niyang ipikit ang mga mata dahil mas lalo siyang nahihilo tuwing imumulat niyabiyon at piliting makaaninag ng ilaw sa madilim na lugar na iyon.

"Pakihatid pa si Sir Gerrard sa may Breezewoods sa may Tala, Caloocan. Pagdating niyo po sa may gate ng subdivision, pakisabi na lamang sa guard na ihahatid niyo si Sir sa bahay ng mga Villena. Kilala nila si Sir. Papasukin kayo 'nun. Patawag na lamang po sa loob ng bahay. Ako na pong magbabayad."

"Sige po, Sir."

"Salamat po."

Pakiramdam niya ay napakahaba na ng nagibg tulog niya hanggang sa sa naramdaman niyang may bumuhat sa kanya. Hanggang sa maramdaman niyang sinalubong ng kanyang katawan ang isang malambot na bagay. Hindi na niya namalayang pumantay na ang paghinga niya.

The next morning, a bang on his door made to wake him up. Halos mapahiyaw siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya sa kanyang ulo. Parang binibiyak sa sobrang sakit. Inisubsob niya ang mukha sa malambot niyang unan at sapo ang ulo  wari'y mapipigilan niya ang sakit.

"Nasaan ka kagabi?"

The voice was familiar to him. Hindi siya nag-angat ng mukha kundi ay nanatili siyang nakasubsob sa unan niya. Pakiramdak niya ay iikot ang paningin niya kapag sinubukan niyang tumingala dito.

"Bakit hindi ka nakarating sa party ko?"

"Hindi ko alam."

"Saan ka ba galing?"

"Ewan."

"Sabi ng kasambahay niyo hinatid ka ng taxi ditong lasing na lasing."

Kumunot ang noo niya sa narinig na sinabi ni Francis. Lasing? Yeah, right. Kaya pala halos sumabog ang ulo niya sa sobrang sakit. Hangover. Pero paano? Nag-inom ba siya kagabi? Saan ba siya galing? Paano siyang nakasakay ng taxi?

"Saang party ka naman pumunta? Mas inuna mo 'yon, kaysa sa birthday party ko?"

Mabilis na napabalikwas siya ng bangon pero nagsisi rin siya dahil halos mahulog siya sa kanyang kama nang biglang umikot ng paningin niya. Halos hindi rin niya maanigan ang mukha ng kaibigan. Mariin na lamang niyang naipikit ang mga mata habang hinihilot ang sariling sentido.

"Francis," tawag niya rito. "Hindi ko talaga alam kung paano ako nalasing. Paano ako nakasakay ng taxi kung totoo man iyon at kung paano akong hindi nakarating sa birthday party mo. Last time I remember, papunta talaga ako sa Villena Hotel. May nakilala ako. May lumapit sa akin pero hindi ko makatandaan ang mukha at pangalan."

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon