Chapter 14

2.2K 48 2
                                    

ALMOST HALF of Standford School witnessed the never-he-imagined-that-would-happened-to-him kiss that he and Kira accidentally shared. Hindi niya pa alam kung paanong pagkahuma ang gagawin niya matapos siyang iwanan ni Kira na para bang isang pagkakamali ang nangyari. God! He just saved her! Paano kung lupa ang sumalo sa kanya?! Sumakit kaya ang likod niya sa pagkakatumba nila.

Mabuti na lamang ay tahimik ang mga empleyado niya sa nangyari. Wala rin sigurong choice ang mga iyon dahil siya ang boss. Pinatuloy na lamang niya ang mga ito sa gitna ng parking space para maumisahan na ang boodle fight nila at nagsisimula nang lumalim ang gabi.

Hindi mahagip ng mga mata niya si Kira habang nagsasalu-salo ang mga empleyado niya sa boodle fight na inihanda nilang lahat. Panka-nakang tinatabig siya ni Mrs. Enriquez tuwing napapatigil siya sa pagkain. He never felt this kind of bizarre feeling whenever he kissed a woman. Just Kira makes his mind think of her all over again and again. And so much that kiss makes him smile like a crazy. Mabuti na lamang at gutom na gutom ang mga kasama niya at hindi siya napapansing ngumingiti sa kawalan habang nakatayo roon at ang kamay niya'y nasa pagkain pero hindi naman siya sumusubo.

"Tapos na 'ko," aniya. Nilinis na niya ang kamay saka tumingin kay Mrs Enriquez. "Just tell everyone that they can use the pool over night."

"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Mrs. Enriquez. Nahalata siguro nito ang pagmamadali niya.

Pero nginitian niya lang ito saka umalis ng parking space at iniwan ang mga kasama niya. Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung saan siya pupunta. Pero isa ang lang nasisigurado niya sa sarili niya, gusto niyang makita si Kira that's why he is heading to main lobby of Villa Villena where he can go to hotel rooms. He will look for Kira and make her pay for leaving him alone earlier.

The receptionist greeted him but he gave no attention to it. Sa halip ay tuloy-tuloy siya hanggang sa elevator. Bago sila tumungo sa Villa Villena ay sinigurado niyang matatandaan niya kung saan magru-room si Kira. He asked himself why but he got no answer. Basta gusto niya lang alam niya kung saan ito pupuntahan kung sakali. At hindi niya alam kung bakit gusto niya itong makita. At hindi niya rin alam kung bakit kinukonsinti niya ang sarili. Once and for all, he really wants to see her. Now or never.

Upon opening of the elevator's door, his heart starts beating above normal rate when he saw an angel face that always entering his head the moment he felt her soft sweet lips. At isa lang ang inuudyok ng puso at isip niya. Hindi na niya kayang pigilin ang sariling damdamin. Baka mas lalo lang magwala ang puso niya kapag hindi niya pa iyon sinunod.

When he noticed Kira stopped the moment their eyes met, he grabbed the opportunity. Inisang hakbang niya lang ang pagitan nila. He cupped her face and kissed her. The moment when his lips met Kira's, again, he guided her one step backward. Sinigurado niyang makukulong ito sa pagitan niya at ng pader sa likod nito. Marahan niya itong sininandal. Kira is not responding to his kisses that makes him more aggressive. Iisa lang ang tumatakbo sa isip niya.

Kiss me back and you're mine.

Naramdaman niya ang pagpupumiglas ni Kira pero hindi niya ito hinayaan. Mas lalo niyang idinikit ang katawan dito at tinulak sa pader. Pinaikot niya ang isang kamay sa bewang nito at ang isa nama'y hinuli ang kamay ni Kira na tumutulak sa kanya. Noong una ay medyo naging marahas ang paghalik niya pero unti-unti ring naging marahan nang tumigil na si Kira sa pagtulak sa kanya.

And a smile escaped on his lips when Kira put her hand on his shoulder. That makes him kiss her more passionate and sweet. Nararamdaman niya konti na lang at bibigay rin ang babaeng gumugulo sa isip at puso niya. Triumph did not wait any longer when he felt Kira kissed him back. At iisa lang nasa isip niya ngayon. She's mine. Kira is mine. Kahit gustuhin man niyang patagalin pa ang halik ay kailangan nilang huminga. Napaungol pa siya nang pakawalan niya ang mga labi ni Kira pero hindi niya ito binitwanan. Hindi niya itong hinayaang makawala pa ulit sa kanya kaya niyakap niya ito ay ipinatong ang ulo sa balikat nito at pinagsiksikan ang mukha sa leeg nito. Ramdam niya ang kaba ni Kira.

"G-Gerrard..." ramdam ang kaba sa boses ni Kira. Hindi ito gumagalaw. Ni hindi siya nito tinutulak sa pagkakayakap niya.

"You kissed me back," aniya na may sigla sa boses.

Hindi sumagot si Kira.

"Do you know how long you've been on my head? Palagi na lamang ikaw ang naiisip ko. Palagi kang tumatakbo sa isip ko. Palagi mong ginugulo ang puso ko. Napapagod na kong magtago. Napapagod na akong magpanggap na okay lang. Napapagod na kong magselos. Napapagod na kong kimkimin ang nararamdaman ko." Naramdaman niya ang paggalaw ng balikat ni Kira kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"Gerrard."

"This is the first time I've been like crazy towards a woman. At hindi ko pipigilan ang sarili ko na magustuhan ka. Patawarin ako ni Francis pero hindi na kita ibabalik sa kanya." Punong-puno ng determinasyon ang boses niya. Even it takes his friendship with Francis, he dares.

Iniangat niya ang mukha at sinalubong ang mga mata ni Kira na mababakasan ng pagtataka. And that hurts him. Wala man lang ba talaga kahit kaunting nararamdaman sa kanya ang babae? Bahala na. Basta gagawin niya ang lahat para mapasakanya ng buong-buo si Kira.

"Gusto kita," bukal sa pusong saad niya habang nakatingin sa mga mata ni Kira.

Kira didn't say anything. Kahit masakit.

"You kissed me back that means you like me, too." Paninindigan niya ang paghalik rin sa kanya ni Kira. Maniniwala siya. Kahit kaunti lang. Maniniwala siya.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon