Chapter 21

2.2K 41 2
                                    

"FRANCIS!"

Sapo pa rin ni Gerrard ang duguang labi. Halos mamanhid naman ang panga niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya inaasahan ang suntok na binigay sa kanya ni Francis. Hindi pa rin siya makabangon sa pagkakatumba niya. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Kira matapos nitong sigawan ang lalaking sumuntok sa kanya.

"Okay ka lang ba?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Kira.

Tumango-tango lamang siya at pinilit na tumayo habang pinupunasan ng daliri ng duguan niyang labi. Nakaramdam naman siya ng konting kirot sa paggalaw niya ng kanyang panga. Inalalayan naman siya ni Kira para makatayo siya ng maayos.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon!" singhal ni Kira kay Francis. "Magkaibigan kayo, Francis!"

Hinawakan naman niya ng isa niyang kamay si Kira sa braso upang pigilan ito sa pagsigaw nito kay Francis. Umiling-iling siya nang lingunin siya nito.

"Masakit?" nakangiting saad ni Francis. Sa pagkakangiti nito'y mukhang inaasar pa siya.

"Hindi naman masyado. Okay lang," sagot niya. Ginalaw-galaw pa niya ang namamanhid na panga.

Marahas namang napatingin sa kanya si Kira na parang hindi makapaniwala sa sagot niya.

"That's what you will feel when you betray my bestfriend. Ako mismo sisira sa mukha mo kapag niloko mo si Kira. Nagkakaintindihan ba tayo?" Nakangiting saad ni Francis kay Gerrard.

He chuckled. "Yes. I know."

And Kira stared on them with disbelief on her eyes. "Seriously?"

Nagkibit-balikat lamang siya kay Kira na hindi pa rin makapaniwala sa pag-uusap nila ni Francis. And he knew his friend. Francis will not punch him for nothing. And he knows that it's Francis' warning when he did something wrong to hurt Kira's feelings.

"Nagbibiruan lang kami. Masyado ka namang nerbyosa, Kira. That's how friends treat each other. Beside, kayo kaya itong naglihim sa akin." Naupo si Francis sa sofa at nakangiting tumingin kay Kira. "Coffee?"

Inirapan naman ito ng kasintahan niya at nagtuloy-tuloy sa kusina. Samantalang siya ay naupo sa katapat na sofa ni Francis.

"She has a son." Francis stared at him with threat on his eyes. Sa pagkakatingin nito'y mukhang mapapatay siya nito kapag may sinagot siyang mali.

But still, he sat with confidence on his light blue eyes and stared back on his friend. "That's what I want to tell you. Ayokong tawagin kang daddy ni George."

Pero tinawanan lamang siya nito. "You are five-long years, too late. Sanay na si George na tawagin niya akong daddy."

"I will file for legal adoption when Kira and I get married."

Ganoon na lamang ng pagkatulala sa kanya ni Francis. Mababakas s mukha nito na hindi nito inaasahan ang sinabi niya. Nakabalik namn agad si Kira na may dala ng dalawang tasa ng kape. Tinulungan naman niya itong mailapag ang mga tasa sa center table.

"Where's George?" maya-maya'y pukaw ni Francis kay Kira.

Kahit nagtataka ay sinagot naman ng huli ang tanong. "Nasa kwarto. Pinatulog ka na."

"Samahan mo siya." May awtoridad sa boses ni Francis. Hindi iyon pakiusap kundi utos.

"Ha?" nagtataka namang tanong ni Kira.

"Go. Puntahan mo si George."

Tumango naman siya nang mapadako sa kanya ang mga mata ni Kira. "Tabihan mo muna si George."

"I will not do something cruel with your lover," pukaw ni Francis. "Trust me."

But as soon as the room's door closed, Francis grabbed his shirt and pulled him outside the house. Halos sumadsad naman ang mukha niya sa damuhan nang bitawan siya nito. Galit namang binalingan niya si Francis nang mabawi na niya ang kanyang balanse.

"Kung tratuhin mo ko parang hindi tayo magkaibigan, ah!" bulyaw niya rito. "Kanina ka pa, nanggigigil na ako sayo! Nasa harap lang tayo ni Kira kanina!"

"She was raped."

"What?" Hindi makapaniwalang napatitig siya sa seryosong mga mata ni Francis. At halos balutin siya ng kaba nang mapansin niyang walang ekspresyon ang mukha nito. He is expecting Francis to tell him that he is just kidding him but seconds, minutes passed, walang pagbawi sa sinabi ang ginawa ng kanyang kaibigan.

"Now, tell me. Papakasalan mo siya?" buo ang boses ni Francis at mukhang may banta ang tanong nito sa kanya.

But he just stared at him with the same density and bravely said. "Yes. Why would someone not marry her just because she was raped. She is a victim!"

"I considered it as rape." Nagkuyom ang mga kamao ni Francis. At kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. "Kahit pilit sinasabi ni Kira na pareho silang lasing that night! She was still a victim! Sinamantala niya ang kahinaan ni Kira to take advantage of her and do such thing! Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa sa kanya 'nun!"

Bumuka ng bibig niya pero hindi niya alam ang tamang sabihin. Ngayon, namumuo ang kaparehong galit na nakikita niya kay Francis sa kanya. How could a worthless man did it to her Kira?! Hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaking gumawa nun sa babaeng pinakamamahal niya!

"Ayaw ipahanap ni Kira ang lalaking gumawa nun sa kanya. Ang walanghiya, siniguradong walang maiiwang bakas niya. Ilang beses kong sinubukang ipahanap at ipaimbestiga, but still, noone could tell us about that bastard! Nakakainis!"

Ramdam niya ang galit na nararamdaman ni Francis. Kaya mas lalong gusto niyang patunayan na seryoso siya kay Kira. Even he knows about that Kira's past, wala siyang pakialam. Tatanggapin niya ng buong-buo si Kira ang anak nito.

"Now, seryoso ka pa rin?"

Matiim niyang sinalubong ang tingin ni Francis. "Of course. I will and I am."

Sa wakas ay ngumiti na rin si Francis. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Inalagaan ko ng anim na taon si Kira hanggang sa malaman ko ang tungkol kay George. At kahit kaibigan kita, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka kapag sinaktan mo si Kira. I swear."

Nginisian niya lamang ang kaibigan. "You can't kill me. Papatayin ka nila Xaniel, Mhike at Lyndon."

"Try me."

At nagtawanan lamang silang magkaibigan. At that moment, he knows he got Francis' trust. Kahit nalaman niya ang madilim na parteng iyon ni Kira ay hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito bagkus ay mas lalong sumidhi ang damdamin niyang pasayahin ang pinakamamahal kasama ang anghel nito sa buhay.

In just one snap, he has his own family.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon