KIRA is so happy that finally she's already with her son. Pagkatapos ng work hours niya sa Standford School ay sinama niya ang anak sa paggagala sa mall at binili ito ng mga gusto nito. Mabuti na lamang ay pinayagan siya ni Francis na umuwi kasama ang anak sa tinutuluyan niyang apartment malapit sa paaralan.
Hinihimas-himas niya lamang ang buhok ng mahimbing na natutulog na anak habang inaalala ang mga sakripisyo ni Francis para sa kanilang dalawang mag-ina.
Francis kept George like his. Kaya malaki ang utang na loob niya sa kinakapatid. Hindi lamang dito kundi pati na rin sa pamilya nito. Ever since that day, Francis took the responsibility of her and George. Kahit na alam naman nilang wala naman talagang dapat iatang na responsibilidad ay si Francis pa rin ang nagpumilit.
She didn't even know that guilt would bring Francis up to this. Kahit na paulit-ulit niyang sabihin dito na wala itong kasalanan ay hindi ito nakikinig sa kanya. Pinagpilitan pa rin nito ang gusto. Ang maging ama sa anak niya. But still, she is so thankful that Francis never leave her until she gave birth to George.
Kaya kahit ito ang nagbigay ng pangalan sa anak niya ay hindi na siya umangal pa.
Halos tumira rin siya ng isang taon sa bahay ng mga De Alegre matapos niyang manganak kay George. And they actually accepted her and her son. Mabuti na lamang ay magiliw sa bata ang ina ni Francis na kanya ring ninang. Naintindihan naman ng mga ito ang sitwasyon niya. After George's first birthday, kahit ayaw ni Francis, ay nagpumilit siyang makauwi ng anak niya sa kanyang mga magulang sa probinsya ng Leyte. Gusto na rin niyang makilala ng mga magulang niya ang apo ng mga ito. Kahit natatakot sa magiging reaksyon ng mga ito sa nangyari sa kanya ay nilakasan pa rin niya ang loob. Kasama naman niya si Francis nang bumalik siya ng Leyte. Naintindihan at tinanggap naman ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya. At sinigurado naman ni Francis na magiging maayos ang buhay nila sa probinsya.
Halos linggo-linggong bumibisita si Francis sa kanila at may mga dalang pasalubong at pangangailangan ni George. Kahit ilang ulit niyang pinagsabihan si Francis ay hindi naman ito nakikinig sa kanya kaya sa kalaunan ay hinayaan na lamang niya kung anong gusto nito. Pinayagan na rin niyang tawagin ito ni George na 'Daddy'.
Francis doesn't want George to feel that his family is incomplete. Gusto nitong may tinatawag na 'Daddy' ang anak niya.
And when George turned three, Francis offered her to be his one of his agent in NBI. Dahil na rin sa kagustuhang makabawi at sa udyok ng mga magulang niya ay tinanggap niya ang trabaho. She worked for him. Habang ang anak niya ay nasa poder ng mga magulang niya sa Leyte. Sa loob ng dalawang taon, ay paminsan-minsan niyang nadadalaw ang anak o kaya ay nakakausap na sa telepono.
Sa loob ng limang taon ay umikot lamang ang buhay niya kina George at Francis. Kaya hindi niya alam kung paano tatanggapin ang pagpaparamdam sa kanya ni Gerrard ng kakaibang pakiramdam. Ayaw naman niyang balewalain lamang ang lahat ng naitulong sa kanya ni Francis. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kung sakaling malaman nito ang nararamdaman niya para sa sarili pa nitong kaibigan. Kaya niya ba talagang lagyan ng lamat ang dalawang lalaki sa buhay niya?
At paano ang anak niya?
Kagat-labing napatingin siya sa maamong mukha ng kanyang anak. George is used to call Francis as daddy. Paano niya ipapaliwanag ang sitwasyon nila sa kanyang anak kung sakali?
Ayaw niyang masirang pagkakaibigan. Pero paano niya pipigilan ang umuusbong na damdamin para kay Gerrard? Paano niya tatanggapin ang magiging reaksyon ni Francis?
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomansaAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...