Chapter 16

2.3K 40 0
                                    

ACQUAINTANCE PARTY.

Mabilis na itinago niya ang baril sa ilalim ng kanyang suot na silk blue with white lining gown. Any minute ay ikakasa na nila ang operasyon. Kailangan nilang maging maingat bago pa makatimbre ang mga sindikato sa plano ng mga itong pangingidnap sa mga mayayamang estudyante ng Standford School. May mga tauhan na rin silang nagpanggap na mga security guards at ang iba ay nakahalo sa mga nagkakasiyahang bata sa gitna ng dance floor. Sinigurado nila ni Francis na tahimik at maayos na mahuhuli ang mga sindikato. Dahil open gate ang school ay magiging maluwag ang pagpasok ng mga ito na mas lalo nilang pinag-aralan ang magiging hakbang nila. Nasa likod ng school buildings ang mga sasakyan nila kaya hinding-hindi iyon mapapansin sa kadiliman ng gabi.

"Pinakalat ko na sa buong school ang ibang NBI Agent natin. Si Natalya ang bahala sa main entrance. Iraradyo niya agad kapag may kahina-hinalang kilos ang mga pumapasok. Bantayan mo ang exit door sa kaliwang bahagi ng school. Marahil ay napag-aralan na nila ang bawat daan palabas ng school kapag may nakuha silang ni isang bata."

Tumango-tango lamang siya sa sinabi ni Francis. He never failed in any operation they have been kaya malaki ang tiwala niyang matatapos rin ito sa maayos na paraan. Francis never called as ruthless investigator for nothing. Kung ang patayin ang kriminal ang natitirang paraan para lang hindi masaktan ang isa sa mga agent nito ay handa nitong gawin. Hindi niya isasalang-alang ang buhay ng mga inosenteng tao para sa buhay ng mga salot sa lipunan.

Sabay naman silang napalingon nang biglang bumukas ang pinto ng conference room kung nasaan sila ngayon. Bigla naman siyang kinabahan nang makita si Gerrard. Hindi niya napaghandaan ang pagkikita ulit ng magkaibigan. Ang mas ikinatatakot niya kapag lumapit sa kanya ang huli at nasa harap sila mismo ni Francis.

"Siguro naman puwede ko nang malaman anong nangyayari? Halos napuno ang buong school ng mga mukhang nasisigurado kong tauhan mo?" ani Gerrard. Mabuti na lamang ay kay Francis ito nakatingin.

"I'll tell you right after this," nakangiting sagot ni Francis sa kaibigan. "You'll still thank me when everything is done."

Hindi na ito inintindi ni Gerrard sa halip ay sa kanya na ito tumingin na ikinakaba niya.

"Saan ka nakapuwesto?" tanong ni Gerrard sa kanya.

"Ha?" wala naman sa sariling saad niya.

"Saan ka pinuwesto ni Francis?"

"Sa exit door. Left side," si Francis na ang sumagot. "Bakit?"

"Hindi ba delikado doon? Ayokong mawalan ng teacher sa kalagitnaan ng school year," pagdadahilan ni Gerrard.

Lihim naman siyang napasalamat. Mukhang normal lang na nakikipag-usap si Gerrard sa kaibigan na wari'y walang namamagitan sa kanilang dahilan. Nagulat naman siya sa naisip. Bakit? Mayroon ba talaga?

"Kaya ni Kira 'yon," si Francis.

Hindi naman niya masalubong ang tingin ni Gerrard kaya mabilis na nagpaalam na siya sa mga ito at lumabas ng conference room nang hindi na hinihintay ang sagot ng mga ito. Baka hindi na siya makahinga kapag tumagal pa ang titig sa kanya ni Gerrard.

Nakangiti naman niyang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagkaksiyahan kasabay ng pagsakop ng party lights sa buong ground floor ng Standford School. Bigla naman ang balot ng takot para sa mga bata. Nagkakasiyahan ang mga ito sa kabila ng banta ng sindikatong nangingidnap ng mga mayayamang anak ng mga negosyante at pagbabayarin ang mga magulang ng mga ito sa kapalit ng buhay ng mga ito. At iyon ang iiwasan nila ngayong gabi. Kahit hindi siguradong ngayon susugod ang mga kawatan ay kailangan nilang bantayan ang mga bata.

"Take care of yourself for me."

Gulat na napalingon siya sa nagsalita. Alam niya kung sinong may-ari ng boses na iyon. Kilala ng puso niya ang nagpapatibok ng mabilis dito. "S'yempre. Iingatan ko ang sarili ko."

Ngumiti lang si Gerrard saka siya iniwan sa puwesto niya at nakihalubilo na sa mga kamasahan nila sa trabaho. Nakita naman siya ni James na agad na ngumiti sa kanya na ibinalik niya agad.

Halos isang oras na ang lumipas at halos maghahating-gabi na at isa-isa nang nagsisiuwian ang mga bata. Mukhang matatapos ang gabi nang walang problema. Pero mukhang nagkakamali rin siya dahil nagsimulang mag-ingay ang two-way radio na nakadikit sa balikat niya.

"Exit door! Right! Exit door! Right! One man in full black shirt!"

At mabilis na tinakbo niya ang kanang bahagi ng paaralan. Halos tumalbog ang puso niya nang makita ang anino ng isang tao na paakyat ng second floor ng junior high building. Wala na siyang sinayang na oras at tumakbo na rin siya paakyat. Pagkaliko ng pasilyo ay nahagip ng mga mata niya ang lalaki na lumiko ng senior high building. Agad niyang hinabol ito habang kinukuha ang radio sa braso niya. "Senior high building! I repeat, senior high building! Back up! Back up!" at halos tumigil ang paghinga niya nang sumalubong sa kanya ang isang baril na nakatutok sa mukha niya pagliko niya ng senior high building. Hindi niya maanigan ang mukha ng lalaki.

"Itaas mo kamay mo," utos sa kanya nito.

Nakita niyang humigpit ang hawak nito sa baril kaya napasunod na lamang siya sa gusto nito. Itinaas niya sa tabi ng kanyang ulo ang dalawang kamay.

"Ibigay mo sa kin ang baril mo."

"Wala akong baril," sagot niya.

"Imposible. Malakas ang loob mong habulin ako tapos wala ka man lang panlaban?" ani ng lalaki.

"Wala nga," paninindigan niya.

Napadasal naman siya nang biglang ikasa ng lalaki ang hawak na baril at itutok ulit sa kanya. She never imagined that today would be her last day. Ni hindi man lang niya nakita sa huling pagkakataon ang anak na si George. Iniisip palang na lalaki ang anak niyang walang magulang ay naiiyak na siya. Maging ang kanyang mga magulang sa probinsya ay matagal na niyang hindi nakikita.

"Pasensyahan na lang tayo, Miss," banta ng lalaki.

Mariin niyang naipikit ang mga mata at hinanda na ang sariling bumulagta sa sahig. Nakita pa siya sa kanyang isipan ang masayang mukha ng kanyang anak. Miss na miss na niya ang anak. Pangako sa kanya ni Francis na dadalhin nito ang anak after the mission pero mukhang hindi na iyon mangyayari pa. Mukhang mamamatay na siya ngayong gabi.

"Kailan ka pa pumikit kapag may baril na nakatutok sa'yo?"

Marahas niyang naidilat ang mga mata at ang iiling-iling na lamang na mukha ni Francis ang tumambad sa kanyang harapan habang himas-himas nito ang isang silencer. Halos lumuwa naman ang mga mata niya ang dumako ang paningin niya sa nakahandusay na bangkay ng lalaking tumutok sa kanya ng baril.

"You killed him?!" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"Mamili ka," seryosong saad ni Francis. "I kill him o he kills you?"

Naihilamos na lamang niya ang sariling palad sa mukha. Whatever. Francis will do whatever running on his head. At hindi exemption ang patayin ang isang kriminal. He is so-called ruthless. Nag-radyo si Francis na nagsasabing may bangkay sa second floor ng senior high building.

"May dalawa pang nahuli sa main entrance at sa labas mismo ng school. Wala namang nasaktan na estudyante. Mabuti na lamang at halos nakauwi na ang karamihan bago sila sumugod. Mabilis namang natimbre ni Natalya ang mga kahina-hinalang kilos ng mga tao kaya nakakilos agad ang iba nating tauhan. Walang nasaktan. Mission accomplished."

Tumango-tango siya sa sinabi ni Francis. Ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag. Pero mukhang bukas ay balik siya sa realidad. Bigla niyang naisip ang sinabi ni Gerrard noong team building.

Patawarin ako ni Francis pero hindi na kita ibabalik sa kanya.

Nahiling niya na sana ay nagbibiro lang si Gerrard sa sinabi nito.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon