HINDI maipaliwanag ni Gerrard ang sarili kung bakit kanina pa siya badtrip at mainit ang ulo. Pilit na lamang niyang kontrolin ang sarili tuwing may kumakatok sa opisina niya at hindi niya magawang sigawan ang kung sino mang istorbo. Simula kanina nang makita niyang masayang nakikipag-usap si Kira kay James ay pakiramdam niya ay asar na siya sa lalaki kahit na alam niyang wala itong ginagawang masama sa kanya.
Bakit sa iba nagagawa niyang ngumiti?! Kapag sa akin, kahit peke lang, pinagdadamot niya!
Mabuti na lamang ay napigilan niya ang sariling pagbuntungan ng galit si Kira nang makita siya nitong nakasandal sa hamba ng classroom nito. Inis na nga siya nang hindi niya ito nakita nang ipatawag niya ang lahat ng guro para ibigay ang t-shirt na gagamitin nila para sa team building na gagawin nila next week tapos ganoon pa ang maabutan niya nang akyatin niya ang classroom nito.
Buwiset talaga!
Napapitlag naman siya nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at walang paalam na pumasok sa loob si Mrs. Enriquez.
"Alam kong badtrip ka. Hindi mo kami sinabayan sa miryenda," bungad nito sa kanya nang makalapit sa office table niya. "Nagdala pa naman si Romeo ng pagkain para sa'yo."
Bigla niyang nakagat ang sariling labi. Bigla naman siyang nahiya sa asawa ni Mrs. Enriquez na kung tawagin niya ay si 'Tay Romeo.
"Sorry, Madam. Nawala sa isip kong saluhan kayo," hinging-paumanhin niya.
Tumikhim ito. "Hapon na. Huwag ka masyadong papagabi. Baka abutan ka na naman ng madaling araw dito. Hindi porket malapit ang bahay mo ay uuwi ka ng late. Iniwan ko ang pagkaing dinala ni Romeo para sayo sa conference room. Hindi ko puwedeng iuwi 'yon. Malalaman ng Tatay Romeo mo na hindi mo kinain ang dinala niya para sayo."
Tumango-tango siya. "Sige po. Iuuwi ko na lang. Hindi ko naman sinabihan si Manang Leila na ipagluto ako."
Tumango-tango ito. "Sige. Mauna na ako. Mag-ala sais na. Nagsiuwian na rin naman ang mga kasama natin. Magra-rounds na ang mga guard mamayang alas otso ng gabi."
"Sige po."
"Bye," paalam nito saka lumabas ng kanyang opisina.
Napasandal na lamang siya sa backrest ng kanyang swivel chair nang makalabas na si Mrs. Enriquez. Maiiwan na naman siya sa Standford School. Kinaugalian na niyang magpaiwan at iikot siya sa buong school para i-check na maayos na naisara at napatay ang mga ilaw sa bawat classroom. Kahit na trabaho ng mga guards iyon ay nakahiligan na niya ang gawaing iyon bago umuwi. Hindi naman niya alam kung anong dahilan niya, kung dahil ba gusto niyang maging isang mahusay at hands-on na principal o dahil hindi naman siya nagmamadaling umuwi dahil wala namang naghihintay sa kanya sa kanyang pag-uwi.
Napatingin siya sa bintana ng kanhang opisina. Nagdidilim na. Babalutin na naman ng dilim ang buong paaralan. Tumayo siya at lumabas. Patay na ang ilaw sa buong Admin Office pero nakabukas pa rin ang pinto ng Conference Room at bukas ng ilaw sa loob. Iniwan iyon na ganoon ni Mrs. Enriquez para maalala niyang iniwan nito ang pagkaing inihatid ng Tatay Romeo niya. Pumasok siya roon at nakita niya ang isang plasticware. Napangiti siya habang nakatitig roon. Even he's not with his parents right now, hindi naman siya nangulila dahil alam niyang mayroon siyang Madam at Tatay Romeo. Ito na ang halos naging magulang niya simula nang hawakan niya ang pamamahal sa paaralan. Tinuring siyang anak ng mga ito at tinuring niya rin ang mga ito na tunay niyang mga magulang.
Dinala niya ang plasticware sa kanyang opisina at nilagay iyon sa bag niya na dadalhin niya pauwi saka siya lumabas ng Administrative Building at dumiretso sa Guards Quarter.
"Good evening, Sir," bati sa kanya ng isnag guard. "Magra-rounds na po ba tayo? Wala pa po si Noli. Baka na-late lang po ng kaunti 'yung kasama ko." Minsan ay sinasabayan niya ang pag-iikot ng mga ito para magcheck ng mga classrooms.
"Hindi na. Maaga pa naman. Ako na lamang muna. Maaga pa naman. Kakalubog palang ng araw. Mamaya na lang kayo."
"Sige po, Sir."
Tinanguhan niya ito at umakyat na sa hagdan paakyat ng Pre-School Department na nasa gilid lang Guards Quarter. Dahil paikot ang buildings ng buong school ay madali lang makaikot sa buong paaralan. Magkakadugtong lang ang apat na building. Patay ang ilaw ng hallway ng second floor ng Pre-School Department sapat naman ang liwanag ng buwan para maaninagan niya ang daan dahil open naman ang hallway at tanaw ang ground floor mula sa railings. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa second floor ng Elementary Department. Nadaan na niya ang Junior and Senior High School Department kaya umakyat na ulit siya ng hagdan papuntang third floor ng mga building.
Napakurap-kurap naman siya sa huling tapak niya ng hagdan nang may maaninagan siyang anino na tumakbo sa dulo ng hallway. Dahil nakapatay ang ilaw ng hallway ay hindi niya matiyak kung tama ang nakita niya. May tao pa dito sa third floor? Aminadong kinakabahan dahil sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na pag-iikot niya sa buong school tuwing gabi ay ngayon lang nangyaring may maabutan pa siyang ibang tao sa school maliban sa kanya at mga gwardya.
"Mang Noli? Ikaw ba 'yan?" aniya kahit hindi siya sigurado. Pero naalala niyang sinabi ni Manong Gregor na hindi pa dumadating ang kasama niya. Shet! Alam kong matapang ako pero hindi sa ganitong pagkakataong mag-isa lang ako. Nasa third floor pa man din na ako. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa dulo ng hallway ng Senior High School Department. Napabuntong hininga pa bago siya lumiko sa Junior High School building.
Halos mapatalon naman siya nang biglang bumukas ang ilaw ng hallway sa kabilang dulo. Pakshet! Wala namang multo dito, no! Kahit kinakabahan na ay nagawa pa niyang dumungaw sa ground floor. Hindi tanaw ang guards quarter mula sa puwesto niya. Kamalasmalasan nga naman!
Humugot siya ng malalim na paghinga at lakas loob na pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa dulo ng hallway. Bumagal naman ang paglalakad niya nang malapit na siya sa dulo kung saan maliwanag na dahil sa nakabukas na ilaw. Kuyom ang mga kamaong dahan-dahan siyang naglakad. Hagdan na ang lilikuan niya pagkalagpas ng mga classroom.
Pero ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib niya nang may biglang lumabas mula sa gilid ng silid-aralan at napanganga siya nang bigla siyang tutukan nito ng baril na kinaputla niya. Bigla siyang napapikit at inalala ang mga magagandang bagay na nagawa niya bago siya mamatay ngayong gabi. Pero sa huling pagkakataon gusto niyang makita ang mukha ng kanyang killer. Pero mas lalong kumabog ang dibdib niya nang magtama ang mga mata nilang gulat na gulat nang makita ang isa't isa.
"Mr. Villena?!"
Tinapunan niya ito ng nagtataka pero galit na mga mata. "Kira?! Anong ginagawa mo rito?! At bakit may baril ka?!"
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...