"SO AYOS ka lang ba?"
Napatigil si Kira sa pagtangkang pag-inom ng tubig nang may marinig na nagsalita sa bandang likuran niya. Nalingunan niya si James. Lumabas siya saglit ng principal's office para kumuha ng tubig sa maliit na kusina ng admin office.
Nginitian niya ang kapwa-guro bago itinuloy ang naudlot na pag-inom. Binaba niya ang baso sa maliit na lababo bago tinuon ang tingin sa huli.
"I'm okay," maikli niyang sagot.
Gumitla ang kunot na noo ni James sa sagot niya. "Sabi ni Sir Gerrard hindi ka raw required na pumasok ng school during weekends kaya talagang nagtaka ako nang makita kitang kasama ka niya kanina. Ganoon rin ang ibang kasamahan natin."
Napangiwi siya sa sinabi nito. Mukhang pagpipiyestahan siya ng mga kasama dahil sa nakita kung hindi niya lang kilala ang ugali ng mga ito.
"May tinapos lang ko sa classroom nang saktong madatnan niya ako. Aalis na dapat ako kaso pinag-stay niya ako sa office niya. Mukhang may memo agad ako kahit hindi pa nagsisimula ang klase."
Napabuntong-hininga naman si James. "Sana naman hindi. Kaso paglabag sa kontrata kasi kung magkagayon."
Napangiti siya pero halatang pilit lang. "Hayaan mo na. Kasalanan ko naman rin."
"I'm still looking forward to work with you," nakangiting saad ni James. "Sana nga magkagrupo tayo sa team building, e."
Nakagat niya ang ibabang labi. Oo nga pala. Sa susunod na linggo na iyon. Ang balak niya talaga ay huwag sumama. At dahil magkaibigan naman sina Francis at Gerrard, pipilitin niya ang unang pakiusapan si Gerrard na huwag na siyang isama.
Nginitian niya lang si James para hindi nito mahalata ang pagdisgusto niya sa sinabi nito.
"Aren't you suppose to be on your faculty room doing your proposed lesson plan for the opening of classes next month?"
Sabay pa silang napalingon sa bandang pintuan ng admin office. Hindi naman niya maipaliwanag ang takot na naramdaman nang magtama ang mga mata nila ni Gerrard. Basang-basa niya ang pagdisgusto nito sa nakikita. Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay James na halata ang gulat sa mukha ng huli.
"Sir," tawag ni James kay Gerrard. "Tiningnan ko lang si Kira kung okay lang siya. Babalik na rin po ako sa faculty."
"She's not your job." May diin sa boses ni Gerrard.
Pinandilatan niya si Gerrard na agad niya ring binawi makaraang ma-realize kung ano ang ginawa niya.
"Babalik na po ako," ani James. Humarap ito sa kanya bago lumabas. "Kain tayo sa labas mamaya pag-out."
"No."
Sabay silang napalingon kay Gerrard na nakalapit na pala sa kanila. Napalunok siya sa matiim na tingin nito sa kanya wari ba'y hindi niya magugustuhan ang gagawin nito kapag pumayag siya.
Tiningnan naman nito si James na may hindi makapaniwalang ekspresyon ng mukha.
"Hindi siya sasama sa'yo because she's going out with me," mariin at may banta ang boses ni Gerrard. "Now, leave."
Mabilis namang napatianod si James at lumabas ng admin office. Gusto man niyang habulin ito upang aluin ngunit natuod naman siya sa kinatatayuan dahil sa awkward silence na bumabalot sa kanilang dalawa ni Gerrard.
"Are you done eating?"
Saka lang siya parang nakabalik sa realidad nang magsalita si Gerrard na nakaharap na pala sa kanya. Napakurap-kurap siya at hindi makapaniwalang tumitig sa asul na mga mata nito.
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...