HALOS IWAS na iwas si Kira tuwing makakasalubong si Gerrard sa Standford School. She still moved on when he confessed his feelings for her. Ni hindi niya na-imagine na magkakagusto sa kanya ang principal. Halos hindi niya rin ito pansin hanggang sa magbukas na ang school year. Pasalamat na lamang siya at hindi siya nito ginagambala. Halos makahinga naman siya ng maluwag nang isang hapon ay makasalubong niya ito sa hallway ng junior high building pero nilampasan lamang siya nito dahil abala ang atensyon nito sa hawak na folder. Pero hindi naman niya maintindihan kung bakit nilukob ng lungkot ang puso niya sa isipang baka iniiwasan an rin siya nito.
Tanga-tanga mo kasi! Gerrard confessed to her but she didn't even say anything about what she also feels towards him. Mas nanaig ang takot niya kay Francis at ayaw niyang ma-disappoint sa kanya si George. At dumagdag pa ang katotohanang magkaibigang matalik sina Gerrard at Francis. Ano nang iisipin sa kanila ni Francis? And she was not there to permanently stay. May iba siyang trabaho. Pero hindi rin nawala sa isip niya ang sinabi ni Gerrard. Hindi an siya nito ibabalik kay Francis? E, bakit ganito? Parang bumalik sa first day na wala lang? Parang walang nangyari?
Paano? Hindi mo man lang binigyan si Gerrard ng panghahawakan? Tapos iniwasan mo pa! Ay, ewan! Hindi na niya alam ang dapat gawin. Itinuon na lamang niya ang pansin sa ginagawang pagre-record ng scores sa long test ng mga estudyante niya.
Sakto namang uwian na ng mga estudyante kaya makakagawa na siya ng report na ipapasa niya kay Francis bukas. Nitong mga nakalipas na araw ay napapansin niya ang pananahimik ng mga umaaligid sa paaralan. Kailangan na niyang humingi ng back up dahil nang minsan niyang suriin ang CCTV ay may mga nakita siyang mga kaduda-duda ang mga kinilos sa loob ng paaralan tuwing uwian ng mga bata. May nakapagtimbre pa sa opisina na susugod na ang mga sindikato sa mismong araw ng acquaintance party na gaganapin sa weekend kung saan magsisilabasan talaga ang mga may masasabi sa estado sa buhay na mga estudyante ng Standford School na puntirya talaga ng mga kawatan.
Bubuksan na sana niya ang kanyang laptop nang madako ang mga mata niya sa exit door ng classroom. Halos mahigit naman niya ang kanyang paghinga nang magtama ang mga mata nila ni Gerrard. Halos dalawang linggo rin silang hindi nagpansinan. At abot langit ang kaba niya nang makita ito ngayon. Halata ang pagod sa mga mata nito dahil sa namumuong eyebags. Masyado ngang naging matrabaho ang opening ng school year ngayon.
"Busy ka ba?" maya-maya'y tanong nito habang naglalakad palapit sa kanya.
Hindi naman niya maipliwanag ang kabang nararamdaman ngayong halos isang metro na lamang ang layo nila sa isa't isa. Napatayo naman siya nang tuluyang nakalapit sa kanya si Gerrard. At mas lalong kumabog ang dibdib niya nang walang pasabi kinabig siya nito at ikulong sa mga bisig nito.
"Pasensya na. Medyo busy lang talaga sa dami ng meetings at conferences," ani Gerrard na may lungkot sa boses nito.
"O-okay lang," aniya.
Agad naman siyang binitawan ni Gerrard. Hindi niya maiwasang matulala sa klase ng ngiting binibigay sa kanya nito wari ba'y siya lang ang nakikita nito. "Kain tayo sa labas."
"Ha?" Hindi niya alam kung utos ba iyon o yaya.
"I'll wait for you. Bilisan mo," ani Gerrard sabay talikod sa kanya at iniwan siya roong tulala. Ni hindi nito hinintay ang sagot niya.
And she thinks it's a command rather than a request.
Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit nagmamadali siyang ayusin ang gamit niya. May parte ng puso niya ang nagagalak na makakasama at makakasarilinan ulit niya ang binata. kahit may kabilang parte naman ang kumakastigo sa kanya kung bakit siya nae-excite na makasama ulit sa isang dinner date ang binata. Hays, bahala na. Hindi naman siguro siya papabayan ng puso niya.
Minutes later, she found herself infront of Gerrard's car. Akmang bubuksan sana niya ang pinto ng passenger's seat nang may biglang kamay na unang humawak doon at binuksan para sa kanya. Takang napalingon naman siya sa may-ari ng kamay. Si Gerrard. May pilyo itong ngiti sa kanya.
"Baka kasi mainis ka na naman kapag hindi man lang kita pinagbuksan."
Napalunok naman siya nang mapansin ang kabang dumadaloy sa bawat hibla niya. Still, Gerrard didn't forget that incident. Ito naman siyang takang-taka kung saan ito nanggaling. Buong akala niya'y nasa loob na ito ng kotse. Heavenly tinted ang kotse kaya hindi niya nakita. Mabilis naman siyang sumakay upang maiiwas ang pamumula ng mukha niya. Nakita naman niyang umikot na si Gerrard para sumakay sa driver's seat. Halos itungo niya ang mukha upang maitago ang pagkapahiya.
"Chin up, babe."
Babe? Marahas na napalingon siya kay Gerrard pero hindi siya naging handa sa sumunod na aksyon nito. Hinawakan nito ang batok niya at walang sere-seremonyang siniil ng halik ang labi niya ng labi nito. Saglit lang at agad rin naman siya nitong binitawan at bumalik sa pagkakaupo ng ayos. Nahagip pa niya ang pagkislap ng mga mata nito at ang isang matagumpay na ngiti sa mga labi nito. Para naman siyang natuod sa pagkakaupo at hindi agad nakahuma sa pagkagulat. Bumalik lang siya sa realidad nang maramdaman niyang umandar na ang kotse nito.
Sobrang tahimik ng buong biyahe. Hindi niya namalayan na huminto na ang kotse sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Pinagbuksan siya ni Gerrard ng pinto. Hindi naman niya alam kung paanong tingin ang gagawin kaya nanatiling nakatungo ang ulo niya. Napapitlag pa siya nang hawakan siya ni Gerrard at pinagsaklob ang mga kamay nila na wari'y isa silang tunay na magkasintahan. Nagpahila lamang siya hanggang sa pumasok sila sa loob ng restaurant.
Kira was just staring at Gerrard the whole time. Pilit niyang kinakapa ang sariling damdamin. Bakit? Bakit ngayon pa niya kailangang maramdaman ang ganoong pakiramdam? Bakit ngayon pa dumating ang isang Gerrard Villena at magpaparamdam sa kanya na karapat-dapat siyang mahalin kung kailan sa tingin niya'y huli na ang lahat. She promised to Francis that she would focus only and only to George. Once Francis knew about this, that she's going out with Gerrard, he would definitely mad at her. Hindi niya puwedeng unahin ang sariling kaligayan. Kailangan na niyang itigil ito. Kailangan na niyang pigilan ang sarili bago mahuli ang lahat. Pero bakit iniisip palang na iiwasan na niya si Gerrard ay sobrang sakit na sa puso. Ganoon na ba kalalim ang nararamdaman niya para sa binata lalo na't nagtapat na ito sa kanya at ito nga, mas lalong pinaparamdam nito sa kanya na seryoso ito.
"Okay ka lang?" maya-maya'y tanong ni Gerrard.
Tanging tango lamang ang naisagot niya. Hindi niya magawang sirain ang saying nakikita niya sa mga mata nito lalo na't alam niyang dahil iyon sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/159322580-288-k307484.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...