Chapter 5

2.6K 51 2
                                    

DALAWANG araw ng opisyal na guro si Kira sa Standford School. Dalawang araw na rin niyang inabala ang sarili sa pag-aayos at pagdedekorasyon ng kwartong magsisilbing silid-aralan ng mga magiging advisory class niya. Nasa ikatlong palapag ng classroom na iyon sa junior high school building.  Bawat department ay may kanya kanyang building. Standford School composes of gour buildings; pre-school, elementary, junior and senior high school na halos magkakatapatan lang kaya bumuo ito ng isang malawak na ground sa gitna. Sabagay, dalawang linggo pa bago magbukas ulit ang pasukan kaya hindi na siya nagmadali. Nakapaglagay na rin naman siya ng mga designs. May mga nakalagay na rin naman kasing designs ang kwarto. Hindi na nga dapat pagandahin dahil maganda na. Estudyante na nga lang kulang. Kung ito talaga ang magiging classroom ay hindi magsasawa ang mga estudyante na mag-aral dahil halos lahat ng kailangan ay nasa loob na mismo ng classroom.

Abala siya sa pagtitipa sa kanyang laptop nang may biglang kumatok sa nakabukas na pinto ng classroom. Hindi niya binuksan ang aircon at pinanatili na lamang niyang bukas ang pinto at mga bintana. Mas gusto niya ang amoy ng sariwnag hangin at dahil na nasa mataas na bahagi siya building ay saktong pumapasok ang hangin sa classroom.

Agad naman niyang naibaba ang screen ng laptop niya nang makita si James sa may bandang pintuan. Laking pasalamat naman niya na automatic saved ang word document niya. Binigyan niya ito ng pilit na ngiti.

"Nakaistorbo ba ako?" tanong ni James. Dumiretso ito sa tapat ng teacher's table niya.

Umiling-iling siya. "H-Hindi naman. O-Okay lang. Bakit ka nga pala naparito?"

Napansin niya ang hawak nitong blue t-shirt. Inabot nito iyon sa kanya. "T-shirt natin para sa team building. Dinala ko na itong sa'yo. Hindi ka kasi nababa. Kanina pa kasi tayo pine-page ni Mrs. Enriquez, ikaw na lang ang hindi nababa. Kaya ako na lang nagdala. Mukhang busy ka, e."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. "Kanina pa tayo tinatawag?"

Tumango-tango ito. "Medyo asar na nga si Sir Gerrard kasi hindi kumpleto ang junior high school department pagkababa. Gusto kasi 'nun isang tawag lang, baba na lahat ng teachers sa kanya-kanyang classroom."

Nakagat naman niya ang ibabang labi. Bakit hindi niya narinig ang tawag, e, samantalang open naman ang hallway. Tanaw na tanaw ang ground floor ng paaralan mula sa railings.

"Pasensya na," mahina ng boses niya. "Mukhang napagalitan pa kayo dahil sa akin."

"Okay lang. Atsaka bago ka pa kasi. Hindi ka pa siguro sanay sa kalakaran dito. Mabait naman si Sir Gerrard basta nagagawa lang ang trabaho natin ng maayos at on time."

Tumango-tango siya. "Sige. Maglilinis na ako ng tainga mamaya pag-uwi ko," natatawang sabi niya.

Pati ito ay natawa na rin sa kanya. "Next Thursday to Friday na ang team building natin. Sa Monday ipopost sa Admin Office ang magkakagrupo. Sana kagrupo kita."

Tumango-tango siya. "Oo nga. Ikaw palang naman kasi ang ka-close dito."

"Puwede mo namang hilingin kay Mrs. Enriquez."

"Huwag na. Kababago-bago ko, nagdedemand agad ako."

"Balik na ako sa kwarto ko. Kapag may kailangan ka, nasa second floor lang ako. Grade eight kasi hahawakan ko."

"Sige," ngayon ay totoo na ng ngiting binigay niya kay James. "Salamat sa delivery ng t-shirt ko."

"Anytime." Hinatid na lamang niya ng tingin si James hanggang sa makalabas ito ng classroom niya.

Bubuksan na sana niya ulit ang laptop nang may maanigan sa kabilang pinto ng classroom. Laging gulat naman niya nang makitang nakasandal sa hamba ang wala ng iba kundi ang lalaking kinaiiwasan niya pero mukhang hindi mangyayati iyon dahil ito ang principal ng school ng pinagtatrabuhan niya.

"Mr. Villena?" bigla naman niyang napatayo at napahawak sa laptop niyang nakasara. "May kailangan ka ba?"

Nakita niya ang pagkakakunot ng noo nito at ang seryoso nitong mga mata. Hindi naman niya alam kung bakit nagrambulan ang mga laman-loob niya nang mag-umpisa itong maglakad palapit sa kanya.

"Bakit hindi ka bumaba?" buo ang boses nito at medyo natakot siya roon. Mukhang tama nga ang sinabi ni James. Ayaw na ayaw nitong may hindi sumusunod sa bawat iutos nito.

"P-Pasensya na. H-Hindi ko kasi talaga narinig, Mr. Villena." Hindi naman niya alam kung bakit nauutal siya ngayon. Noong mga unang pagkikita naman nila ay halos kalabanin niya ang mga tingin nito, ngayo'y hindi niya magawang salubungin ang kulay bughaw na mga mata nito.

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig lang sa kanya na wari ba'y pinaparusahan na siya sa nagawang pagkakamali. First day, first memo.

"Sorry. Hindi na mauulit," mahina ang boses niya pero sapat na para marinig nito. Mukha na tuloy siyang maamong tupa sa harap ng principal. Mariin niya oang naipikit ang mga mata nang biglang maisip na baka makarating kay Francis ang issue na ito. Patay na ko nito!

"Ms. Esparrago."

Gusto pa sana niyang bawiin ang tingin nang tawagin siya nito pero mukhang napako na ang mga mata niyang nakatitig sa bughaw mga mata ni Gerrard.

"Ang ayoko sa lahat ay 'yung nakikipagkwentuhan lalo na't sa oras ng trabaho. Don't you ever dare to do it again if the class already started." At malalaki ang mga hakbang ng principal na lumabas sa kanyang classroom.

Naiwan naman siya roong lutang sa huling sinabi ni Gerrard. Pilit niyang inaalala kung kailan siya nakipagkwentuhan sa oras ng trabaho nitong nakaraang dalawang araw.

Baliw na ba 'yun? Kanino naman ako makikipagkwentuhan, e, wala pa nga akong nagiging ka-close sa mga katrabaho ko. Well, maliban kay James.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon