Chapter 13

2.2K 48 0
                                    

ALAS OTSO na ng gabi ay nasa malawak na parking space na ulit ang lahat ng empleyado ng Standford School. Naghahanda na ang lahat para sa boodle fight nila. Ang ilan ay inaayos na ang mga mesang gagamitin. Samantalang ang iba naman ay tumutulong sa pagluluto ng mga pagkain nila. Ang iba naman ay naglalagay ng ilang banderitas wari'y may munting fiesta na magaganap. Napatingala naman siya sa mga kasamahan nilang tunutulong sa pagkakabit ng mga maliliit na ilaw sa mga sanga ng mga matatayog na puno. Napangiwi naman siya nang mapansin niyang hirap na hirap ang kasamahan nilang nagkakabit ng ilaw habang nakasampa sa isang hagdan na inaalalayan ng iba upang hindi ito mahulog.

Lumapit siya sa mga nagkakabit ng ilaw at tiningala ang lalaking nakasampa sa hagdan.

"Ako na lang," boluntaryo niyang sabi.

Napatingin naman ang iba na nakasuporta sa hagdan. May mga nagtatanong na mukha ang mga ito sa kanya.

"Sure ka?" paninigurado ng isa.

Tumango-tango siya bilang sagot at sinenyasan ang lalaking nakasampa sa hagdan na bumaba na. Siya naman ang pumalit sa puwesto nito para magkabit ng mga ilaw. Sanay na sanay siya sa mga ganoong gawain dahil pinalaki siya ng mga magulang niya na marunong sa gawaing bahay at bukirin. Dati na rin silang nagkakabit ng mga ilaw sa mga puno sa sinasaka nilang bukid. Everything went okay. Nasa panghuling puno na sila. Inayos niya ang pagkakatayo ng hagdan para hindi siya mahulog. Medyo hindi lang pantay ang lupa na kinaroroonan nila.

"Parang hindi ata maayos ang pagkakatayo ng hagdan," ani ng isa nilang kasama na may hawak ng bumbilya.

"Okay lang 'yan. Saglit lang naman ay makakabit ko na 'yung ilaw," aniya na may buong tapang.

"Mag-iingat ka lang. Kumapit ka sa sanga pag-akyat mo."

Tumango-tango siya sa mga kasamahan.

Matapos niyang maikabit ang huling bumbilya ay umikot siya ng puwesto at nakaharap na siya sa mga kasamahan niya. Dahan-dahan niyang ibinababa ng isang hakbang ang mga paa. Sinigurado niyang mahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng hagdan bilang suporta sa sarili. Nakakailang hakbang na siya pababa nang matuon ang paningin niya sa bagong dating. She didn't even know why her heart trembled in nervousness when her eyes locked out with Gerrard's eyes. Kung papasadahan niya ng tingin ang binata ay parang kagagaling lang nito sa away. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya at pinagmamasdan siya sa pagbaba ng hagdan. Hindi naman niya mahagilap ang atensyon sa pagbaba ng hagdan kaya nabuwal siya nang ihakbang niya ulit ang kanang paa pababa. Sinubukan niyang humawak ng mahigpit sa hagdan pero huli dahil nadulas na siya at naipikit na lamang niya ang mga mata. Hinanda na niya ang sarili na bumagsak sa lupa. Pero imbes na lupa ang sumalo sa kanya, naramdaman na lamang niya ang isang braso na umikot at yumakap sa bewang niya at isa pang kamay na humawak sa braso niya. Parang bumagal ang ikot ng mundo nang tumambad sa paningin niya ang gulat na mukha ni Gerrard nang imulat niya ang kanyang mga mata niya. At mas lalong kumabog ang dibdib niya nang mawalan ng balanse si Gerrard at dalawa silang bumagsak sa lupa. But everything stops the moment when her lips meet Gerrard's lips. Parehong gulat ang mababasa sa mga mukha nila. Parang saglit na tumigil ang ikot ng mga mundo nila nang ma-realize nila ang sitwasyon nilang dalawa. At ang malakas na pagsinghap na lamang ng mga kasama nila ang nagpagising sa diwa niya at mabilis na inilayo niya ang sarili kay Gerrard. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang gulat na gulat na mga mukha ng mga kasamahan nila.

Nalintikan na! Kaya mabilis pa sa alas kuwatrong iniwan niya ang mga ito. Maging si Gerrard ay hindi pa nakakabangon ng maayos nang walang paalam na iniwan niya ang mga ito. Mariin na lamang niyang naipikit ang mga mata habang tumatakbong walang direksyon. That should not happened! Pero ang mas pinagtataka niya ay hindi kaba ang nararamdaman niya kundi galak dahil sa nangyari. For Pete's sake, she kissed Gerrard! Ay, no! They kissed! What she means is that is an accident! Gulong-gulo na siya. Hindi na niya alam ang iisipin at gagawin. Mas mabuti na lamang na magpahinga na siya. Nakakapagod ang araw na iyon kahit hindi naman.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon