Chapter 2

3.4K 63 0
                                    

"HOW'S YOUR application? Did he accept you?"

Kinuha niya ang inaabot nitong coffee milkshake. Pagkatapos niya sa Standford School ay doon siya dumiretso sa Milkyway Cafè. Nagkipagkita siya sa taong dahilan ng lahat ng kalokohang ito. Uminom muna siya sa milkshake bago tiningnan ng seryoso ang kaharap.

"As if, you didn't plan all of this? Alam kong gagawa ka ng paraan para matanggap ako. Ayaw mong matalo sa pustahan," sarkasmong sagot niya.

Natawa lang ito sa kanya. "I know you fit this job. Sa inyo ni Natalya, ikaw ang nakikita kong makakagawa ng pinapagawa ni Director. So, good luck to your new work. I hope you would enjoy it." Sabay abot sa kanya ng isang white envelope.

Kinuha niya iyon at hinugot ang laman. Isa-isa niyang binabasa ang mga papel na nakalagay roon.

"Mr. Gerrard Villena is the principal of Standford School for almost three years. Minana niya ang pamamahala mula sa kanyang ama na nagmana naman ng school na iyon sa ama nito, na lolo ni Mr. Villena, na siyang naging founder ng Standford School since 1975. Graduated in University of the Philippines. One of the students who got a highest GPA. Doctor of Education. Top 4 in his licensure examination." Pagpapakilala nito sa school principal na kausap niya kanina.

Tumango-tango siya habang binabasa ang history ng Standford School. "Most of the students are came from rich families. But they offer scholarship for those deserving. Received awards for excellency. Well-known for contests and examinations. Has been known internationally because of their students that became participants for some contests happened outside the country. Well, hindi na nakakapagtaka bakit nila ito pupuntiryahin."

"Contact na lang during weekends." Natawa naman ito pagkasabi niyon. Sinamaan niya ito ng tingin na nagpatigil naman sa pagtawa nito. "We need to pass reports about the observation and progress."

Inirapan niya ito. "Are you sure he will give my weekends free? Parang labag naman sa loob niya ang kasunduan na iyon. You know me, Francis. Ayoko ng istorbo sa oras ng trabaho ko."

Ngumiti ito. "Definitely, yes."

"Siguraduhin mo lang. Ayoko ng may istorbo."

Tumayo na ito saka nagpaalam sa kanya. Tatalikuran na sana siya nito nang may bigla itong maalala. "By the way, Gerrard is only 31 years old. Single." Sabay kindat sa kanya. "You'll be a perfect couple. Pareho kasi kayong pasaway."

Susuntukin sana niya ito nang bigla itong tumakbo palabas ng cafè hawak ang milkshake nito. Napabuntong-hininga na lamang siya habang napatingin sa kanyang relo. Kailangan na niyang bumalik sa apartment na pansamantala niyang tutuluyan, which is just infront of Standford School. Gusto niyang magreklamo sa Director.

HALOS PAKATITIGAN ni Gerrard ang resume ni Ms. Kira Esparrago. Nasa conference room siya at panaka-nakang napapatingin sa wall clock. It's already 9:46 A.M. at hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya habang naghihintay ng alas diyes ng umaga.

Kira Esparrago
July 28, 1989
Female
5'8"
164 lbs.
Cavite

Muntik nang mapunit naman nito ang resume ng babae nang biglang bumukas ang pinto ng conference room at pumasok si Mrs. Enriquez na may dalang isang tas ng kape.

"Mukhang kinakabahan ka, ah. May hinihintay ka ba?" patuyang sabi nito na may nakakalokong ngiti sa labi.

Umiling-iling naman siya. "W-Wala. Madam, huwag mo akong tingnan ng ganyan." Pero tinawanan lamang siya nito.

He called Mrs. Enriquez as Madam. Sa halos dalawampung taon nitong paninilbihan sa Standford School ay napagkatiwalaan na ito ng kanyang ama kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit magaan rin ang loob niya sa matandang babae. Halos ito rin ang naggabay siya kanya noong nag-uumpisa pa lamang siyang hawakan ang pamamahala ng paaralan. Dahil wala na rin ang kanyang ina ay ito na rin ang tinuring niyang ina sa loob ng paaralan kung saan sila nagtatrabaho.  Hindi na nga niya alam kung paano magtatago rito dahil bawat kilos niya ay alam nito ang ibig sabihin.

"Kumusta ang nag-apply kahapon?" maya maya'y tanong nito. "Hinabol mo siya. For the first time, ikaw ang humabol sa aplikante." May pilyong ngiti ito sa labi.

"Madam," pigil niya rito. "It's just that there's a very friend asked me that I should accept her no matter what."

Pero hindina rin mawala ang ngiti nito sa labi. "Pinakiusapan lang ba talaga o ginusto mo rin?"

"Madam!" pinanlikahan niya ito ng mga mata. "Stop teasing me!"

Pero mas lumakas ng tawa nito. "O, siya. Mauna na ako. Huwag mo palang kalimutan pirmahan ng proposal annual team building natin para mailabas na ang budget for that."

Tumango-tango siya. "Later." Hinatid niya na lamang ng tingin ito hanggang sa makalabas ito ng conference room. Hindi naman niya maiwasang isipin ang naging tukso nito sa kanya. Napailing-iling na lamang siya.

This could not be real. Hindi naman niya alam kung bakit parang may parte ng isip na naghihintay sa pagbabalik ng babae. Ipinilig niya ang ulo para mawala sa utak ang hindi magandang tumatakbo sa isip.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon