Chapter 22

2.1K 42 1
                                    

KAHIT palaisipan pa rin kay Kira ang naging usapan nina Francis at Gerrard nang nagdaang gabi ay hindi na naman niya pinilit ang mga ito na magkwento. Naputol lang ang paglipad ng isip niya nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak sa kanya ng kanyang anak. Binaba niya ang tingin dito at ngumiti.

"Pupunta po ba dito si Daddy Francis?" inosenteng tanong ni George.

Sinama niya ang anak sa kanyang trabaho sa Standford School. Pinilit siya ni Gerrard na isama ang anak sa paaralan. Gusto nitong makasama ang anak niya. Kahit na medyo nag-aalangan ay pumayag na rin siya. Malaki naman ng pasasalamat niya na tanggap ng kasintahan ang kanyang anak. Gerrard, indeed, is a blessing to them. Kahit papaano na may ituturing ng ama ang kanyang anak maliban kay Francis. Nahiling niya na sana ay si Gerrard na talaga ang ibigay ng Panginoon sa kanilang mag-ina.

Bumaba siya upang pantayan ang anak. "Hindi, baby. A very special friend ni Mommy ang makakasama mo today habang nasa work ako. Gusto ko maging good boy ka sa kanya, ah."

Tumango-tango ang anak niya. "Okay po."

Nginitian niya ang anak at tumayo saka ito iginaya papuntang admin office. Aminadong kabado sa kung anong magiging reaksyon ng mga kasamahan niya pero alam niyang nasa likod niya lang si Gerrard at hindi siya nito iiwan.

"SANA NAKIKITA mo ang sarili mo sa salamin."

Abala si Gerrard sa pagpirma sa financial report nang pumasok si Mrs.  Enriquez sa loob ng kanyang office. Itinabi niya muna ang folder at pinagtuunan ito ng pansin. Hindi naman niya naiwasang ngumiti sa sinabi nito.

"Ano na bang itsura ko, Madam? Mukha na ba akong haggard?" natatawang saad niya.

Tumuloy si Mrs. Enriquez hanggang sa tapat ng kanyang table. "You look happy and contented. Kumusta ang pagligaw-tingin mo kay Kira? Nagbunga na ba?"

Tumayo siya at niyakap ang kanyang nanay-nanayan. "She has a son. And I accept it." Masayang bumitaw siya sa yakap at nakangiting humarap dito. "I'm so excited to have them."

Ngumiti rin si Madam sa kanya. "I know you are happy. Sobra-sobra ang kinang sa iyong mga mata. Whatever you do. Whatever you decided, I will support you. Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Kira at kung gaano ka seryoso sa kanya."

"Thank you," aniya.

"Binigyan niyo agad ako ng instant apo. Gusto ko tuloy makilala ang batang iyon."

"Papunta sila dito. Sinabi ko kay Kira na dalhin si George at ako ang magbabantay," masayang sabi niya.

"George?"

"Yes," nakangiting sagot niya.

"Like your grandfather's name?" hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Enriquez.

"Just like what I have thought of."

"Mas lalo akong na-curious sa batang iyon."

Biglang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina at nang bumukas iyon ay agad na lumawak ang kanyang ngiti nang masilayan niya ang magandang mukha ni Kira. Napadako naman ang tingin niya sa akay nitong batang lalaki.

"You must be George?" masiglang pansin ni Mrs. Enriquez sa kasamang bata ni Kira. Magiliw na dinaluhan ng matanda ang bata.

May pag-aalala naman sa mukha ni Kira nang makita si Mrs. Enriquez. Agad niyang nilapitan si Kira. Si Mrs. Enriquez naman ay umupo upang pantayan si George.

"Okay lang 'yan. Magiliw sa bata si Madam," bulong niya kay Kira upang mawala ang pag-aalinlangan nito. Para naman siyang natunaw sa magandang ngiti na binigay sa kanya ng kasintahan.

"Hello, George. I'm your Lola," pagpapakilala ni Mrs. Enriquez kay George.

"Lola?" ani George.

"Yes," sagot naman ng matanda. "You are so look like your Daddy Gerrard. You have the same eyes! Kamukha mo siya noong maliit pa siya."

Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabing iyon ni Mrs. Enriquez. He didn't even recognize it. Pero natatandan niyang may kakaiba siyang naramdaman nang una niyang makita ang bata sa gate ng Standford School. Napatingin pa siya kay Kira na halatang nagulat rin sa sinabing iyon ni Mrs. Enriquez.

Tumikhim na lamang siya upang mabura ang awkward silence na dumaan sa kanyang opisina. Ngunit hindi pa ata tapos si Mrs. Enriquez sa pagpuna sa bata. Tumayo ito at malawak na nakangiti sa kanilang dalawa ni Kira.

"Have you seen Gerrard's childhood pictures?" tanong nito kay Kira.

Kunot naman ang noo niya sa tanong nito. Hindi niya alam kung bakit isinasama nito ang pictures niya noong bata pa siya sa usapan.

"I think you need to see those," ani Mrs. Enriquez.

"Madam," pigil niya rito.

"Puwede ko ba siyang hiramin? Ako munang magbabantay sa kanya."

Napatingin naman siya kay Kira. May pag-aalinlangan sa mga mata nito.

"Aalagaan siya ni Madam tulad ng pag-aalaga niya sa akin dati," pagpapalakas niya rito ng loob.

"You don't have to worry, Kita. Nakikita ko lang ang batang Gerrard kay George. Miss ko na rin mag-alaga ng bata. Mabuti na lang at binigyan niyo agad ako ng apo," natatawang saad ni Mrs. Enriquez.

"Madam," pigil niya ulit dito. Mukhang aasarin sila nito maghapon.

"Sige po. Okay lang po," pagsang-ayon ni Kira.

"Enjoy your day," ani Mrs. Enriquez. "Ay, nope! May trabaho kayo. Huwag masyado maharot!" Sabay iwan sa kanila nito akay si George na mukhang nakuha agad ang loob.

Natatawa pa siyang bumaling kay Kira nang tuluyan nang makalabas ang mag-lola. Ngunig agad na nawala iyon nang makita niyang hindi pa rin nababahala si Kira.

"Huwag kang mag-alala. Aalagaan siya ni Madam."

"Hindi iyon ang iniisip ko," ani Kira.

"Then, what?"

"Nag-aalala lang ako."

He looked at her, intently. Mukhang alam niya kung anong pinag-aalala nito kaya marahan niya itong kinulong sa mga bisig niya. "You don't have to worry. Hindi lang ito hanggang ngayon. Magtatagal ito habangbuhay. Huwag kang mag-alala sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang mahalaga ay tayo. Kasama si George. Basta huwag mo lang akong tatalikuran ulit. Huwag mo akong ipagtabuyan. Kasi kapag iniwan mo ko, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Baka mabaliw ako."

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon