Chapter 30 - Last Chapter

3.3K 66 7
                                    

"MAMILI KA nga! Ikaw o ako?!"

Gusto na niyang maiyak sa sermong inaabot niya kay Francis ngayon. Nasa bahay sila ng huli dahil doon sila tumuloy pagkalabas nila ng ospital. Ayaw pumayag ni Francis na manatili silang mag-ina lang sa tinutuluyan niyang apartment kaya wala siyang choice kundi sumama dito.

"Natapos ko na't lahat ng kailangang asikasuhin sa kaso ng sindikatong iyon na bumaril kay George, pero ikaw hindi mo pa rin nagagawa ang inuutos ko!" singhal sa kanya ng kinakapatid.

Halos mangilid na ang mga luha niyang napatungo na lamang siya habang nakaupo sa gilid ng kama. "Hindi ako nakahanap ng tyempong sabihin kay Gerrard. Natatakot ako! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya!"

Parang talunan namang napahilamos na lamang ng sariling palad sa mukha si Francis. "How would you know kung hindi mo sasabihin, Kira!"

Naipangpunas na lamang niya ang mga palad sa tumulong luha sa kanyang pisngi. Gusto rin naman talaga niyang sabihin kaso natatakot lang siya. Paano kung iwan siya si Gerrard kapag nalaman nito ang nagawa niya rito noon? Paano kung hindi siya nito mapatawad? Paano kung kamuhian siya nito at mas kinakatakot niya kung hindi nito tanggapin ang anak niya?

"Pumunta ka ngayon sa Standford School. Huwag kang uuwi hanggat hindi mo nasasabi or else ako magsasabi sa kanya bukas." Hindi na nito hinintay ang sagot niya at walang paalam na iniwan siya nitong luhaan sa tinutuluyang kwarto.

Mag-iipon muna siya ng sapat na lakas ng loob para umamin kay Gerrard. Kailangan niyang maging matatag sa anumang maging reaksyon nito, negatibo o positibo man.

MABILIS NA pinarada ni Gerrard ang kanyang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga De Alegre. Mabuti na lamang ay kilala na siya ng mga guwardiya ng Senador Severino De Alegre na ama ni Francis kaya agad siyang pinapasok ng mga ito. Naglalakad siya patungong malaking bahay nang marinig niya ang boses ng isang bata sa bandang hardin kaya tumungo siya roon.

Agad na pumaskil sa kanyang labi ang isang matamis na ngiti nang makitang naglalaro si George kasama ang isang babaeng kasambahay. Lumapit siya sa mga ito at agad na niyakap ng mahigpit ang kanyang anak.

George is my son. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya habang yakap ang bata. There, he felt the most warmth hug that he feels the first he met his son. Kaya pala familiar sa kanya ang bata. They have the same color of eyes! George has a resemble with his grandfather. Namana nito ang pisikal na anyo ng mga Villena. Bubbly cheeks, light blue eyes and a proud pointed nose. Surely, he can tell that George is really a Villena.

George Esparrago Villena

Binitiwan niya ng anak at napalingon sa bantay nitong kasambahay. "Ako na  munang magbabantay sa anak ko. Makakabalik ka na sa loob."

"Po?" gulat na saad ng kasambahay. "Anak niyo, Sir?"

Ngumiti siya rito. Hindi niya alam kung bakit nagalak ang puso niya nang sabihin nitong 'anak niya'. Tumango siya. "Yes. He is my son."

Ngumiti ang kasambahay. "Masaya po ako na may asawa na si Miss Kira. Bagay po kayo."

Natawa naman siya sa sinabi nito. Lihim namang nagbunyi ang puso niya sa sinabi nitong mag-asawa na sila ni Kira. Isa lang ang tumatakbo sa kanyang isip. Soon. "Salamat."

"Sige po. Mauna na po ako."

Sinundan na lamang niya ng tingin hanggang sa mawala niya sa paningin ang kasambahay. Tinuon niya ulit ang pansin sa anak na naglalaro. Umupo siya upang mapantayan ito.

"Kumusta na ang baby boy ko?" nakangiting tanong niya rito. Halos matunaw naman ang puso niya nang ibalik nito sa kanya ang isang matamis na ngiti.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon