SINIGURADO ni Kira na hindi siya madaling mapansin sa puwesto niya. Nasa bandang likuran siya ng mga kasama niya. Pinaghati-hati ang lahat ng empleyado sa apat na grupo may kanya-kanyang pangalan: dauntless, erudite, amity at candor. Napabilang siya sa pangalawang grupo na tinawag na dauntless. Now, she will make sure that she will show her dauntless side. Hindi naman siya nanghihinayang na hindi niya kasama sa grupo si James na napabilang sa grupo ng erudite pero naisip niyang mas mabuti sana iyon dahil ito palang ang kakilala niya sa mga kapwa niya guro maliban na lamang kay Jenna.
"Sayang. Hindi tayo magkasama sa grupo," ani James nang makita siya nito saka lumapit sa puwesto niya.
Nginitian na lamang niya ito bilang tugon. Hindi rin naman kasi siya excited sa magaganap na team building nila.
Nagkatipon-tipon silang lahat sa malawak na parking space ng Villa Villena. Hindi naman niya naiwasang silipin ang bandang unahan. Nakatayo sa harapan sina Mrs. Enriquez at Gerrard. Alam niyang binibigay na ng mga ito ang mechanics sa una nilang activity pero hindi naman niya magawang intindihin. Siguro, makikisabay na lamang siya sa mga gagawin ng kagrupo niya mamaya.
"Tug of war ang first game," ani James na hindi pa rin umalis sa tabi niya kahit hindi naman nila ito kagrupo.
Tumango-tango na lamang siya.
Sinundan niya ng tingin ang iba nilang mga kasamahang lalaki na kinuha ang mga mahahabang lubid na gagamitin sa first game. Biglang rumehistro ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. She's been in this kind of activity since she grew up in a farm. Naalala niya pa kung paano niya hilahin ang alagang kalabaw ng kanyang ama. Sa tingin niya'y mag-e-enjoy siya sa larong ito.
"First five members!" narinig niyang sigaw ni Mrs. Enriquez.
Isa-isa nang nag-volunteer ang bawat grupo para sa mga maglalaro ng tug of war. Nawala na naman sa tabi niya si James na nakita niyang nag-isa-isa nang nag-volunteer ang bawat grupo para sa mga maglalaro ng tug of war. Nawala na naman sa tabi niya si James na nakita niyang nag-volunteer na rin. Lumapit naman siya sa mga kagrupo niya at nagsabing sasali siya sa first game at pumayag naman ang mga ito.
Unang naglaro ang team amity at team candor. Susunod naman ay team erudite at team dauntless. And whoever wins from those two rounds will fight to determine the winning team. Dalawa silang babae at tatlong lalaki ang kasama niya to represent the team dauntless. Napangiwi naman siya nang makita si James na katapat niya habang hawak nito ang lubid.
"Sa tingin ko, wala munang kaibi-kaibigan ngayon," natatawang saad ni James.
"May the best team win," tugon niya.
"Team Dauntless and Team Erudite, be ready!" narinig niyang sigaw ni Mrs. Enriquez. "At the count of three!"
Nakita niya kung paano humigpit ang hawak ni James sa lubid. Naramdaman niya rin ang pagkakahigit ng lubid mula sa kanyang mga kasamahan. As per Francis, she must enjoy this so she will do it.
"One! Two! Three!"
Naramdaman niya kung gaano kalakas hilahin ng Team Erudite ang lubid pero hindi naman patatalo ang Team Dauntless. Binigay niya ang buong lakas niya para hilahin ang lubid papunta sa direksyon nila. Bakas na bakas sa mga mukha nila ang kagustuhang manalo sa larong iyon. She even saw the eargerness in James' face to win the battle but still there is gentleness not trying to pull the string forcefully since she was infront of him. Masama na kung masama pero sinamantala niya ang pagkakataon para ibigay ang buong lakas niya para hilahin ang lubid. But she was wrong. Team Erudite is not yet giving their full force. Hindi nila napaghandaan ang sabay-sabay at buong lakas na paghila ng mga ito sa lubid dahilan para madala sila papunta sa puwesto ng mga ito. Napasigaw na rin ang mga kasama nila kasabay ng mga hiyawan ng mga iba pa nilang kasamahan nilang nanonood sa laro nila. Because of being out of balance, she ready herself to fall. Nakita niya pang binitawan ni James ang lubid para saluhin siya. But before her body fall towards James, a full force grip touch her wrist and pull her towards the hands' owner.
Nakita na lamang niya ang sariling napayakap sa may-ari ng kamay na humila sa kanya para hindi siya tuluyang matumba kay James. But the moment she realized where she was leaning on is also the time that she noticed the scream of everyone was suddenly stop. Mabilis na napabitaw siya sa may-ari ng katawan na napagsandalan niya at halos lumuwa nag mga mata niya nang masalubong niya ang mga asul na mata ni Gerrard. Oh my god! Gerrard pulled her before she could fall on James?! Bigla naman siyang napatingin kay James na may nagtatakang mukha habang nakatingin kay Gerrard. At mas hindi niya maintindihan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso simula nang masilayan niya ang mga mata ng principal.
"Are you okay?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Gerrard.
Pasimple niyang kinapa ang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. I should be okay. I shouldn't feel t5his kind of nervousness towards a man. Tumango-tango siya at pilit binubura ang kaba sa kanyang mga mata.
"Team Erudite wins the second game!" sigaw ni Mrs. Enriquez. Kasunod 'non ay ang hiyawan ng mga kasamahan nila. "Team Erudite versus Team Amity will play the last round that will determine our winner for the Tug of War."
Sa sobrang kaba at pagkabigla ay hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ni Gerrard at wala sa isip na napaatras at naglakad palayo sa gitna ng parking space. Hindi naman niya namalayang sinundan siya ni James. Nagulat pa siya nang hawakan siya nito sa kanyang braso.
"Okay ka lang?" his voice sounds guilty.
Tumango siya. "Okay lang."
"Pasensya na. Napalakas ata 'yong hila ko."
Ngumiti siya para mawala ang guilt sa boses nito. "Okay nga lang. Laro lang 'yon. Maliit na bagay. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nasaktan."
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...