Chapter 17

2K 44 0
                                    

AUTHOR'S NOTE! Unedited version. Typographical errors are everywhere and corrected version is rarely been updated. Thanks. Enjoy reading, my gals!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DAHAN-DAHAN niyang p-in-ark ang kanyang sasakyan sa tapat ng building ng Standford School. bumaba siya saka dumiretso sa malaking gate ng paaralan. Babatiin sana niya ang mga guard nang biglang may bumangga sa kanyang batang lalaki. Muntik pa siyang matumba, mabuti na lamang ay nabawi niya ang kanyang balanse at mabilis na hinawakan ang bata sa braso nito upang hindi ito matumba. Kunot naman ang noong tiningnan niya ang batang bumangga sa kanya.

He was not wearing the school uniform kaya alam niyang hindi ito estudyante ng Standford School. Tiningnan niya ang guard at nahalata naman niya ang pag-aalala sa mukha nito.

"Bakit may bata ditong hindi naman natinestudyante?" mababa lang ang boses niya at hindi naman siya galit. "Sino ang kasama nito? Baka hinahanap na ito ng magulang nito?"

Nagmamadali namang lumapit sa kanila ang guard. "Naku, Sir, kasama po iyan ni Sir Francis kanina. Baka hinayaan lang po ni Sir na magpagala-gala dito."

Bumakas naman ang pagtataka sa mukha niya at binalik ang tingin sa batang lalaki. Bumaba siya upang pantayan ito. "Sino ang kasama mo dito, little boy?" tanong niya sa bata.

Ngumiti naman ang batang lalaki sa kanya na ikinabilis ng tibok ng puso niya. May kung ano sa ngiti na parang biglang nagpagaan sa kanyang damdamin. Mariin rin naman niyang pinagmasdan ang bawat sulok ng mukha nito. May kung anong nagpapaalala sa kanya sa mukha ng batang lalaki. Pakiramdam niya ay nakita na niya ang mukhang iyon pero hindi niya matandaan kung saan.

"Si Daddy Francis po."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ng bata. He never in his entire life that he knows about his long time friend's son?! Kailan pa nagka-anak si Francis na hindi man lang nila nabalitaan sa tagal ng pagkakaibigan nila?! Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng bata at pinakatitigan pa ito. Napailing-iling na lamang siya. Pamilyar talaga ang mukha ng bata pero hindi niya mahagilap sa kasuluk-sulukan ng isip niya kung saan niya unang nakita ang mukha ng batang iyon.

"Where is your Daddy Francis?" tanong niya sa bata.

Napakainosente ng ekspresyon ng mukha ng bata sa kanya. Nagpatingin-tingin muna ito sa paligid bago itinuon ang mga mata sa kanya. Those light blue eyes are mesmerizing him.

"Nasa loob po."

Tumango-tango siya. Umayos na siya ng tayo at hinawakan sa kamay ang batang lalaki. "Sama ka sa akin. Kaibigan ako ng Daddy Francis mo. Puntahan natin siya."

"Sige po," nakangiting sagot sa kanya ng bata.

Habang naglalakad ay may kakaibang naramdaman si Gerrard. He took a glance on the little boy.

"Ano nga palang name mo, little boy?" maya-maya'y tanong niya.

Tiningala siya ng bata. "George po."

George? He felt weird. George is his grandfather's name. And somehow, his name was made from his grandfather's name, George Richard.

Lumiko na sila ng hallway kung saan ang daan patungong admin office nang biglang bumukas ang pinto niyon at iluwa ang kaibigan niyang mukhang nagulat na magkasama silang dalawa ni George.

Nang tuluyan silang makalapit kay Francis ay biglang bumitaw sa kanya ang batang lalaki at mabilis na tumakbo kay Francis at mahigpit na yumakap sa huli.

He knitted. He never felt this jealousy towards a child who hugged other man other than him.

But he immediately erased that feeling. "Hindi mo sinabing may anak ka na pala?" aniya na may pang-uuyam.

But Francis just smirked on him. "Sorry. Alam ko kasing tatadtaran niyo ako ng tanong kaya hindi ko muna sinabi. But now, you can finally see him. Look, George," tawag nito sa batang karga-karga at nakayakap sa leeg ni Francis. Tinuro siya ng kaibigan. "He is Uncle Gerrard. He is my friend. He is a good guy. 'Di ba sinama ka niya para hanapin ako."

Tumango-tango ang batang lalaki at nginitian siya na nagpatunaw sa kanya. He felt that he wants to see that smile everyday.

"Hi, George," bati niya rito.

"Hello, Uncle Gerrard. We have the same name. Starts in letter 'G'." Kitang-kita ang tuwa sa mukha ng bata.

"Yeah," hindi makapaniwalang svi niya sabay tingin sa kaibigan. "Bakit nga ba magkalapit ang pangalan natin?"

Pero nagkibit-balikat lamang si Francis. Tinuon na lamang ng huli ang tingin sa batang karga-karga. "Have you enjoy walking around the school, big boy?"

"Yes," sagot ng batang lalaki. "But still, I want to see Mommy."

Napakurap-kurap naman siya sa dalawa. Bigla ay tinapunan niya ng nagtatanong na tingin si Francis.

"Oo nga pala. Hindi namin alam na may anak ka na. Baka this time, hindi pa rin namin alam na kinasal ka na?" nag-uuyam na tanong niya kay Francis.

Pero tinawanan lang siya nito sabay baba kay George. Yumuko rin ito para pantayan ang bata. Hindi nito pinansin ang tanong bagkus ay sinagot ng tanong ng bata.

"Mom will be here any moment. Alam kong miss na miss ka na rin niya kaya magmamadali iyon na makita ka," ani Francis sa anak nito.

And in that moment, the woman that makes his heart skipped a beat arrived hurriedly. A wide smile automatically curved on his face. Lalapitan niya sana ito nang mapansin niya si Francis at George na masayang nakatingin kay Kira.

Tumayo naman si Francis at tinawag si Kira. Lumingon ang batang si George kay Kira at kitang-kita niya kung paano takbuhin nito ang puwesto ng bagong dating. Isang mahigpit na yakap naman ang sinalubong ni Kira sa bata.

And his world suddenly shattered and everything stopped the moment he heard the little boy, George, called Kira as Mommy.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon