"NAKAKATAMPO naman."
Nagawang tawanan na lamang ni Kira ang ginawang pagnguso ni James sa kanya. Karga niya ang anak na si George na naghihintay sa may guards' quarter sa pagdating ni Gerrard. Lalabas silang tatlo dahil gustong ng huli na makasama silang mag-ina sa dinner. Nagkataon naman na dumaan si James at napakwento siya ng tunay na nangyari at pati na rin ang relasyon nila ni James.
Nginitian na lamang niya si James. "Sinigurado ko munang okay na ang lahat bago ko ilabas ang anak ko."
"Naiintindihan ko. Puwede pa naman sigurong humabol sa pagiging ninong. Ang cute-cute ng anak mo. Kamukha niya si Sir Gerrard," puna ni James habang pinipisil ang pisngi ni George.
"Ha?" wala sa sariling saad niya. Hindi niya inaasahan ang huling sinabi nito. Halos lahat ng nakakakita sa anak niya ay isa ang sinasabi. Pero ayaw niya namang paniwalaan iyon. Malayo.
"James."
Sabay pa silang dalawa ni James na napatingin sa tumawa sa huli. And then, there she found Gerrard intently looking at James. Binitawan ni Jmaws ng pisngi ng anak niya at humarap sa principal.
"Sir," tawag ni James kay Gerrard.
"Hindi ba dapat ay pauwi ka na rin?" ani Gerrard kay James.
"Yes, Sir. Nadaanan ko lang si Kira kaya napahinto lang ako saglit. Paalis na rin ako. Mauna na po ako." Tumingin sa kanya si James saka nagpaalam.
Kinunotan naman niya ng noo si Gerrard nang tuluyan nang makaalis si James.
"What?" inosenteng tanong sa kanya ni Gerrard.
"Lagi mong pinagdidiskitahan si James."
"He tried to get you outside for dinner."
"What? Hindi mo pa rin makalimutan 'yon?" Halos umikot ang mga mata niya sa dahilan ni Gerrard.
"He tried to court my girlfriend!"
Pinanlakihan niya ng mga mata si Gerrard dahil sa walang kabuluhang dahilan nito. "Paano mo naman nasabing liligawan niya ako?"
"I know men." Lumapit sa kanya si Gerrard at kinuha mula sa pagkakakarga niya si George. "Sumakay ka na." Tinuro nito ang kotseng nasa labas na ng gate ng school.
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng passenger's seat nang may biglang humintong puting van sa mismong tapat nila. Halos manlaki ang mga mata niya nang may lumabas doong armadong lalaki at tinutok ang baril kay Gerrard. Halos buhusan naman siya ng malamig na tubig ng walang habas na pinaputukan nito si Gerrard. Sa bilis ng pangyayari ay mabilis ring nakatakas ang lalaki sakay ng puting van. Pero mas lalong gumuho ng mundo niya nang makitang binalot ng pulang mantsa ang damit ng kanyang anak.
"Sakay!" sigaw ni Gerrard sa kanya na nagpagising sa kanya. Karga nito ang duguan niyang anak. Mabilis na sumakay si Gerrard sa kotse kaya sumakay na rin siya sa passenger's seat.
Halos paliparin ni Gerrard ang sasakyan hanggang sa makarating sa pinakamalapit na ospital. Halos hindi siya nakakilos. Hindi pa rin matanggap ng isip niya ang nangyayari. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya ang nangyari. Halos sinundan niya lang ng tingin si Gerrard at ang mga nurse habang sinusugod ng mga ito ang anak niya sa emergency room.
"Dok! He was shot! Sa bandang tagiliran!" sigaw ni Gerrard sa dumating na doktor.
"Sir, may tama rin kayo," ani ng nurse.
"I'm fine! Unahin niyo 'yong bata!" sigaw ni Gerrard.
Pinagmasdan niya lamang ang mga nurse na nagmamadaling pumasok sa loob ng emergency room. Nakatayo lamang siya hindi kalayuan kay Gerrard. Hindi naman niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. Sa sobrang pagkabigla ay hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari. Maya-maya ay naramdaman niyang may yumakap sa kanya.
"He will be fine. Don't worry too much. George will be fine." Narinig niya ang boses ni Gerrard.
Doon na siya nagising at tuluyang humagulgol sa balikat ng kasintahan. Her son was shot! Bumalot ang sobrang takot sa buong pagkatao niya. Inilabas niya ang lahat ng iyak kay Gerrard. Wala man lang siyang nagawa. Nakita na niyang lumabas ang lalaki mula sa van na may hawak na baril. Kung tutuusin ay puwede niyang iharang ang sarili uoang hindi matamaan ang anak niya pero wala siyang nagawa. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya nagawang kumilos.
Bigla ay napatingin siya sa palad na nakahawak sa braso ni Gerrard. Her hand is full of blood. Bigla ay napabitaw siya ng yakap dito.
"M-May tama ka? G-Gerrard, may tama ka rin?" ngarag ang boses niya.
"Daplis lang ito. Huwag kang mag-alala." Tinuyo ni Gerrard ang mga luha niya gamit ang daliri nito.
"Pero?"
Umiling-iling ito. "Tama na. Okay lang ako."
Sakto namang labas ng doktor na tumingin kay George. Dagli silang lumapit dito.
"The kid needs to have a blood transfusion. Masyado maraming dugo ang nawala sa bata marahil na rin ay sa tagiliran ang tama nito," ani ng doktor.
Halos manghina naman siya sa narinig. Mabuti na lamang ay hinawakan siya ni Gerrard at nakakapit pa siya sa braso nito.
"Do whatever you need to do to save my son's life, please," ani Gerrard sa doktor.
"Ano ang blood type ng bata? Para makahanap tayo agad ng possible donor."
"B+," singit niya. "Please, dok, iligtas niyo ang anak ko. Hindi siya puwedeng mawala sa akin."
Tumango-tango ang doktor. "Magpapahanap agad ako ng possible donor. Pero baka matagalan tayo sa dami ng nakapila ngayon."
"Pero, dok!" sigaw niya. "Hindi puwedeng mawala ang anak ko!" Niyugyog niya ang balikat ng doktor. Halos lumabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang nag-uunahan nang bumagsak sa pisngi niya.
"B+ ako."
Gulat naman na napalingon siya kay Gerrard dahil sa sinabi nito. Hindi naman niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kaba kung magkapareho nga ng blood type ito at ang kanyang anak.
"Then, let's check if you are compatible to be a blood donor," ani ng doktor.
Tumango-tango si Gerrard. Lumingon muna ito sa kanya bago sumunod sa doktor. "George will be fine. I promise you." Gerrard planted a kiss on her lips before leaving her there, asking why everything like this is happening to her.
Napailing-iling na lamang siya habang nakaupo sa waiting area.
Gerrard and George have the same blood type? What does that mean?
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...