FRANCIS is hurriedly running the hallway towards the emergency room when he saw Gerrard and Kira sitting on the waiting chairs outside. Mabilis na tinungo niya ang puwesto ng dalawa. Agad namang napatayo ang mga ito nang makita siya. Napayakap naman sa kanya si Kira na nahalata niya ng mga mugto nitong mata.
"Kumusta si George?" agad niyang tanong.
Pigil naman ni Kira ang hikbi nang humiwalay sa kanya ng yakap.
"K-Kailangan niya ng blood transfusion. M-Maraming dugo ang nawala sa kanya," humihikbing sagot ni Kira sa tanong niya.
Halos manginig naman siya sa narinig. Hindi niya inasahan na ganoon kagrabe ang nangyari sa anak-anakan niya.
"Pinaimbestiga ko na ang nangyari. Mukhang gumanti ang grupo ng sindikato na nakaharap natin noong acquaintance party sa Standford School. Agad naman silang nahuli ng mga tauhan ko. Salamat sa mga CCTV na nagkalat sa lugar," paliwanag niya.
Tumango-tango naman si Kira. Agad naman itong dinaluhan ni Gerrard.
"Mabuti naman," ani ng huli.
"Ano ng lagay ni George? May blood donor na ba?" agad niyang tanong.
Nahalata niya ang pagbabago ng emosyon ni Kira. Nakagat nito ang ibabang labi na para bang nababahala sa kanyang tanong. Iniba na lamang niya ang tingin at pinagtuunan ng pansin si Gerrard.
"Nagpakuha na ako ng dugo."
Hindi naman agad niya naintindihan ang sinabing iyon ni Gerrard. Napatitig pa siya dito ng ilang segundo bago nakapagsalita ulit.
"A-Ano?"
Tumikhim muna si Gerrard bago nagsalita. "George and I have the same blood type."
Napailing-iling na lamang siya. Ito. Ito 'yong matagal na niyang hinihintay na pagkakataon. Binalot ng pagkalito ang utak niya. Napatingin siya kay Kira pero hindi ito makatingin sa kanya. Matagal na niyang pansin na iwas si Kira sa usaping iyon kaya umabot ng halos limang taon na nanahimik siya at hindi kumibo. Hinayaan niya lamang ang pananahimik ni Kira. Kinunsinti niya ang kagustuhan nito.
"Nasaan ang blood testing center?" maya-maya'y tanong niya.
Napansin naman niya ang marahas na paglingon sa kanya ni Kira. Basang-basa niya sa mga mata nito ang takot pero hindi niya iyon binigyan pansin.
"Seventh floor. First room sa kanan. Doon ako nagpakuha ng dugo," sagot ni Gerrard. "Kasalukuyan na nilang inooperahan si George."
Positive? Iisa lang ang nasa isip niya. Positive. George and Gerrard have the same blood type. Ayaw niyang maniwala hanggat wala siyang patunay. Nakita niyang gusto siyang pigilan ni Kira sa kung anumang tumatakbo sa isip niya pero hindi na siya mananahimik ngayon. Mabilis niyang iniwan ang mga ito. Hinabol pa siya ni Kira pero napasalamat na lamang siya nang pigilan ito ni Gerrard.
A man in doctor's uniform welcomed him in blood testing center. Kilala niya ang lalaki. Hindi siya puwedeng magkamali. And else, he reminds him of Gerrard but they are not that too close to each other. He is Erik Villena, the resident geneticist of St. Peter Medical Center.
"Anong maipaglilingkod ko sayo, Francis?" the doctor asked.
Tiningnan niya ito sa mata. Seryoso din ang tingin nito sa kanya. Pero isa lang ang tumatakbo sa isip niya, it's now or never.
"It's about the blood donor for George Esparrago. Pasyente siya dito. Kasalukuyan siyang inooperahan," panguna niya.
"Yeah. Kinuhanan ko si Gerrard ng dugo na isasalin sa pasyente. What about him?" tanong naman ng doktor.
"Erik," tawag niya sa doktor. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Compatible si Gerrard para maging donor ni George?"
Tumango-tango ang doktor. Hindi makikitaan ng pag-aalangan sa mukha nito. Tinitigan naman siya sa mga mata nito. "May problema ba?"
Isa lang ang kailangan niyang gawin para malaman niya ang totoo. Hindi niya mapipilit si Kira na magsabi ng totoo kaya siya na lamang ang gagawa ng paraan para malaman niya ang buong nangyari anim na taon na ang nakakaraan.
"Are you doing DNA testing here?" tanong niya kay Erik.
Kumurap-kurap ang mga mata ng doktor pero hindi mababakasan ng gulat. Erik is a geneticist and he knew that he got what he meant of. At alam niyang puwedeng makarating kay Gerrard ang ipapagawa niya dahil magpinsan ang mga ito.
Pero mukhang siya pa ata ang mas nagulat sa sinabi ni Erik. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig na nagpagising sa matagal na niyang hinala.
And else, he named George as 'George' because he saw Gerrard's grandfather's physical features as soon as he saw the baby that Kira gave birth of. Pero hindi niya inakala na may kaugnayan talaga ang ama ng bata sa matandang Villena na naging malapit sa kanya.
"Why do you need to have a DNA testing between Gerrard and George?" Erik asked. "It can obviously tell that they are father and son."
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...