Chapter 7

2.5K 58 2
                                    

GUSTONG-GUSTO na niyang lumabas sa admin office at bumalik sa classroom niya pero hindi siya matinag sa pagkakaupo sa sofa sa receiving area ng admin office. Kahit hindi niya nakikita ay dama niya ang matatalim na tingin sa kanya ni Gerrard. Kagat ang ibabang labi habang magkasaklob ang kanyang mga palad. Kailangan na niyang matawagan si Francis! Baka nasa building pa ang lalaking nakasagupa niya kanina. Kailangang malaman ito ni Francis. Kaya malakas na napabuntong-hininga siya at pasimpleng sinilip niya sa gilid ng mga mata si Gerrard. May tinitipa ito sa hawak na cellphone kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Mabilis na tumayo siya at akmang hahakbang palapit sa exit door.

"Sit down!"

Para naman siyang pusang nawawala na mabilis na napabalik sa pagkakaupo sa sofa nang sumigaw si Gerrard. Mariin niyang naipikit ang mga mata at naikuyom ang mga kamao. No one shouted at her before him! Darn it! Kung hindi lang protocol sa kanila ang bawal magsalita tungkol sa trabaho nila ay makakatikim sa kanya ang walang hiyang lalaki ng upper cut dahil sa pagsigaw nito sa kanya. Sumilip siya sa bintana. Lumalalim na masyado ang gabi. Baka kung ano nang tinanim ng lalaking iyon sa bawat sulok ng Standford School.

Para naman siyang tinakasan ng lakas nang maramdaman ang unti-unting paghakbang ni Gerrard palapit sa kanya. At halos hindi niya masalubong ang tingin nito nang huminto ito sa tapat niya. Shit! Why does she feel so much nervous towards this man?! Ni hindi nga siya kinakabahan kapag nakakaharap ang Director nila then this man makes her feel so uncomfortable when he is just around her! Another darn it! Maybe, because this is her first time to be caught in the act! Bakit ba kasi nasa loob pa ito ng school dis oras na ng gabi?!

"Are you one of Francis' agents?"

Unti-unting namilog ang mga mata niya sa tanong ni Gerrard. Sa sobrang bigla ay napatayo siya ngunit para lang pala mas lalong dagdagan ang kaba niya dahil halos dangkal na lang pala ang layo ng katawan nila sa isa-t isa. Ayaw niyang magkadikit ang mga balat nila kaya napahakbang sa patagilid upang lumayo kay Gerrard. And she was not able to get back her stare to Gerrard's pair of stunning light blue eyes. Para siyang namamagnet sa mga titig nito at hindi na niya nagawa pang mabawi.

"Aamin ka ba o tititigan mo na lang ako?"

Para namang siyang sinampal sa sinabi nito. Mabuti na lamang at nagawa niyang kumurap-kurap at nabawi ang tingin. Pero bigla niya ring naibalik iyon nang maalala ang tanong nito. Kunot-noong hinarap niya ang lalaki.

"Paanong..." hindi niya maipagpatuloy ang gustong sabihin.

"So what is your job here? Bakit ka pinadala ni Francis?" Mahahamigan ang iritasyon sa boses ni Gerrard.

Napaatras siya ng isang hakbang paatras. Mukhang bistado na siya pero paanong nalaman nito ang tungkol sa trabaho nila ni Francis?! Napalunok siya at pilit hinahalungkat ang isip kung anong puwedeng pangpalusot sa sitwasyon niya ngayon.

Napasinghap naman siya ng isahing hakbang ni Gerrard ang pagitan nila at mahigpit na hinablot ang braso niya. Pinangharang naman niya ang mga kamay sa pagitan nila. Kitang-kita niya ang iritasyon sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Kasi... ano..." hindi niya alam kung paano magpapaliwanag ang gagawin. Paniguradong mapapagalitan siya kapag nagsalita siya dito.

"Gerrard."

Sabay naman sila na napatingin sa bandang pintuan ng admin office. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita si Francis na prenteng nakasandal sa pader. Saka lang naman niya na-realize ang sitwasyon nila ni Gerrard kaya mabilis na binawi niya ang braso na kinatiim naman ng tingin ulit sa kanya ng huli. Tinalikuran naman na siya nito at hinarap si Francis.

"We need to talk," seryosong saad ni Gerrard kay Francis.

Nginitian lang ito ni Francis. Ipinilig naman nito ang ulo at tiningnan siya. "Are you okay, Kira? Sinaktan ka ba ng gagong ito?"

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon