SAKTONG ala una ng hapon ay inapak ni Kira ang mga paa sa malaking entrada ng Standford School. Binati siya ni Manong Eddie na nakilala niyang guard ng paaralan. Lumapit siya rito para magtanong.
"Saan nagmi-meeting ang mga faculty members ng school, kuya?" nakangiting tanong niya sa guard.
Sasagot na sana si Manong Eddie nng may biglang nagsalita sa kanyang likuran. "Gusto mo sumabay ka na sa akin?"
Tumingin siya sa kanyang likuran at nabungaran niya ang isang matangkad na lalaki na sa tingin niya'y hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila. May maganda itong ngiti habang nakatingin sa kanya.
"Sir James!" tawag ni Manong Eddie sa nagsalita. "Oo nga po, sabay niyo na lang po si Miss Kira. Bagong teacher natin," masiglang pakilala ng guard sa kanya. "Miss Kira, si Sir James, kapwa niyo teacher dito."
Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Lumapit ito sa kanya at inabot ang kamay sa kanya. "James. Nice to meet you, Kira. I hope you stay here in Standford School."
Naiilang naman na inabot niya ang pakikipagkamay nito. "Salamat. Pero I think hindi rin ako magtatagal. Nice to meet you, too."
Natawa naman ito sa sinabi niya. "Direct to the point masyado. Sabay ka na sa akin?"
Tumango-tango siya. Sinabayan niya ito sa paglalakad. Hindi naman niya hinayaan na magkadikit ang mga balat nila. Sinigurado niyang may espasyo pa rin sa pagitan nila. Miminsan niya itong sinusulyapan at nahuhuli niyang nakangiti ito kahit sa daan nakatutok ang mga mata nito.
"Awkward ba?" maya-maya'y sagot nito. "Hindi ka ba sanay ng may kasabay na lalaki?"
Napangiwi naman siya sa sinabi nito. Sabihin nang may itsura naman si James pero hindi katulad ng kagwapuhan ng principal. Kira! Bigla niyang saway sa utak. Kailan ka pa humanga sa principal na 'yon! Tumikhim siya para mabura sa isipan ang huling naisip.
"Okay ka lang?" tanong ni James. Hindi niya napansin na huminto na pala ito sa paglalakad. "Nandito na tayo."
Napatingin siya sa dalawang pintuang kwarto na nasa harapan nila. Tumango-tango na lamang siya bilang sagot sa tanong nito kanina saka naman nito binuksan ang pintuan. Halos tikom ang mga labi niya nang makita na niya ang loob. Malawak ang buong kwarto. May mga upuan na nakahanda sa loob at mayroong malaking screen sa unahan. Hindi naman niya alam kung saan ibabaling ang paningin nang mapansin niyang sa kanila natutok ang mga mata ng halos hindi bababa sa pitongpung katao na nasa loob ng kwartong iyon. Kung tama ang hula niya ay nasa multimedia room sila. Kayang punan iyon ng lagpas sa isangdaang katao.
"Tara na," yaya ni James. Sumunod na lamang siya dito hanggang sa makaupo sila sa medyo kalagitnaang bahagi ng kwarto.
"Hi!" bati sa kanya ng isang babae na may maiksing buhok. "I'm Jenna." Kung susumahin ay mas matanda siya rito dahil sa mukha nitong bata pa.
Halos natuon naman sa kanya ang mga mata ng nasa paligid niya. Ito ng pinakaayaw niya, yung napapalibutan ng mga tao. Hindi siya sanay ng pinagkakaguluhan. Sabay soyang magtrabaho mag-isa. Walang kasama.
"She's a new teacher. Her name is Kira," saad ni James. "Mamaya panigurado ipapakilala siya ni Sir Gerrard."
Awtomatik namang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni James. Ipapakilala ako? My god! Walang salitang namutawi sa bibig niya. Isang pilit na ngiti lamang ang naibigay niya sa mga magiging kasamahan niya sa trabaho.
Dumako naman ang mga mata niya sa unahan nang hindi na siya pinagkakaguluhan ng mga kasamahan niya. Ramdam na ramdam niya ang kaba nang mapako ang mga mata niya sa matangkad na lalaking nakatayo sa harapan. Hinagod niya ang itsura nito mula sa brush back and beard hairstyle nito hanggang sa plain white polo shirt and dark gray pants and black leather shoes. Gusto niyang kagatin ang ibabang labi pero nagpigil siya.
Kira! Sasapakin na kita! Kailan ka pa nagnasa ng lalaki! Tigilan mo na 'yan! Wala ka na sa edad para magpantasya!
Pilit niyang pinakalma ang nararambulan niyang laman-loob. Napabuntong-hininga siya at binura ang anumang emosyon sa kanyang mga mata.
"Everyone please stand up."
Damang-dama niya ang baritong boses ni Gerrard na mas lalong naging malalim dahil sa hawak nitong microphone. Mrs. Enriquez led the opening prayer. After that, she introduced the agenda for the faculty meeting. Hindi naman niya inaasahan ang sumunod na sinabi ng matandang department head ng junior high school.
"Let us call for Ms. Kira Esparrago, our new teacher for junior high school department. Let us welcome her to our family," Mrs. Enriquez said.
She doesn't even know how to introduce herself. Wala namang ganito sa ginagawang trabaho nila Francis. Nginig at magkasakob ang mga kamay na unti-unti siyang naglakad palapit sa unahan. Dama niya ang mga matang sumusumod sa kanya hanggang sa makarating siya sa unahan.
Pilit ang ngiting binigay niya sa mga kasama sa loob ng multimedia room. Mas lalong nagpabigat ng kanyang kaba nang tumabi pa sa kanya si Gerrard. Nahiling na lamang niyang sana matapos na agad ang meeting na 'to.
"Ms. Esparrago will be part of the junior high school department under Mrs. Enriquez supervision. I hope that everyone will welcome her with full heart. And don't hesitate to talk to her since she's new. At sana maging magkakaibigan kayo," ani Gerrard.
Laging gulat naman niya nang iabot sa kanya ang hawak nitong microphone. Tiningnan niya ito ng may nagtatanong na mga mata.
"Tell something," bulong nito.
Nginig ang kamay na inabot niya ang microphone at sinigurado niyang hindi magdidikit ang mga balat nila kaya hinawakan niya ang microphone sa pinakadulo.
"Ahm. Hello, everyone. I'm Kira Esparrago. You can just call me Kira or whatever you want. I hope to have a good working relationship to everyone. That's all. Thank you." Imbes na iabot kay Gerrard ng mic ay binaba niya iyon sa mesa na nasa likuran niya. Mabilis na tinalikuran niya ito at bumalik sa kinauupuan kung nasaan si James. Halos hindi siya tinigilang tanungin ng mga magiging kasamahan niya sa school na iyon katatanong tungkol sa kanya.
Nahiling na lamang niyang matapos agad ang meeting na iyon na halos wala siyang naintindihan sa sinasabi ni Gerrard sa unahan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note!
Typographical errors are everywhere! At nag-e-edit na lamang ako kapag nalipat ko sa word document and I can't find some time to update it so be it. And no to soft copies, gals. I am saving it to word for my own purposes. Thank you so much. Enjoy reading! Don't forget to vote and comment! :)
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...