NATAPOS ang morning activities na hindi maganda ang mood ni Gerrard kaya imbes na makigulo sa team building ay kinulong na lamang niya ang sarili sa tinutuluyang hotel room. Hindi naman niya malaman kung bakit kanina pa siya naiinis. Simula nang mahagip ng mga mata niya kanina na kausap ni Kira si James matapos ang laban ng bawat team ng mga ito sa tug of war.
How dare her to answer James' question rather than mine?! Hindi ba halata na nag-alala siya nang makita niyang matatalo na ang team ni Kira at anumang oras matutumba ito? At mas lalong gumapang ang hindi niya malaman na pakiramdam nang makita niyang kay James mismo babagsak si Kira! Darn! Don't tell him, jealousy ate him?!
Bakit ako magseselos?! Halos mahilamukos niya ang mga palad sa mukha habang kunot na kunot ang noo. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Why those dread serious pure hazel eyes keep on hunting him? Bakit hindi mawala sa isip niya ang maamo at magandang mukha ni Kira? Bakit palagi pa rin niya itong hinahanap kahit puro kamalditahan lang ang binibigay ng babae sa kanya?
Because you like her. And that makes his heart beats faster than normal. Kinapa niya ang sariling damdamin. Ayaw tumigil ng pagdagundong ng knyang dibdib. No? Kailan pa? Bakit? Paano? Questions are running down on his head but answers are nowhere to be found.
At ang mas nananaig sa kanya ay kung ipagpapatuloy ang yumayabong na nararamdaman para kay Kira o pipigilan dahil mukhang wala naman iyong katugon mula sa dalaga.
"Argh!" sigaw niya. How could a woman make him crazy like right now? Napabaling-baling siya mula sa pagkakahiga sa kama. Dapat ay nasa labas siya at sinasamahan ang mga empleyado niya pero ito siya ngayon at problemado sa tinitibok ng kanyang puso.
"Do you want to see how miserable you look like?"
Mabilis na napabalikwas naman siya ng bangon mula sa kama nang may magsalita malapit sa pintuan ng hotel room. Gusto naman niyang batuhin ang taong nagpakaba sa kanya na baka nahuli na siya sa kamiserablehan niya.
"Paano ka naman nakapasok dito?" angil niyang tanong kay Shadow.
"I'm the owner," prenteng sagot nito. "At sa sobrang lutang mo, hindi mo man lang ako narinig na pumasok sa loob."
He groaned. Ganoon na ba siya kalutang at wala man lang siyang narinig na pagbukas-sara ng pinto?
"What's your problem?" Shadow asked. "Woman?"
Sinamaan niya ng tingin ang pinsan habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa maupo ito sa upuan sa maliit na kusina ng kanyang kwarto. Nakadekwatro pa itong nakaupo habang abala sa hawak na cellphone.
"So, am I right?" pagpapatuloy ni Shadow sa pang-aasar sa kanya.
"Tigilan mo ko," pigil niya rito. "Wala ako sa mood."
"Only woman makes you not in a mood."
"Hindi mo talaga ako titigilan?" may banta sa boses niya.
Pero nginisian lamang siya ng pinsan. Shadow always love to piss him off. Sa lahat ng pinsan niya, ito lagi ang mahusay sa pang-aasar sa kanya.
"Maganda?"
Of course! Pero hindi bumuka ang bibig niya para sagutin ang tanong nito. Bigla na lamang lumihis ang mukha ni Kira sa kanyang isipan. That woman makes him crazy thinking over her.
Pero mukhang hindi pa tapos si Shadow na asarin siya. Kitang-kita niya ang pilyong ngiti nito. "I met a woman earlier sa parking space. No ask, she's one of your employee. She's beautiful. She's sexy. But serious. Intimidating. Nagpakilala akong pinsan ng principal pero inirapan niya lang ko."
Gusto niyang tawanan si Shadow pero hindi niya alam kung bakit may pakiramdam siya kung sinong nakausap nito.
Shadow continued. "Those pure hazel brown eyes make my nerves shook."
Mukhang tama ang kutob niya. Iisa lang ang kilala niyang may mga magagandang hazel brown eyes sa mga empleyado niya. Sinamahan niya ng tingin si Shadow wari ba'y binabalaan ito sa mga susunod nitong sasabihin.
But Shadow didn't care. He just laughed at him. "Her name is Kira. You know what?" May pilyong ngiti ang pinsan niya na hindi niya nagugustuhan. "I like her."
At sa isang iglap lang ay tumama sa mukha ni Shadow ang unan na agad niyang nahagip sa kanyang tabi. Muntik pang mawalan ng balanse ang pinsan. Matutumba sana ito kung hindi lang agad ito nakahawak sa mesa. Pero tinawanan lang siya ni Shadow. Inabot pa nito ang unan at binato pabalik sa kanya na agad naman niyang nasalag.
Mapigil-pigil niyang mamura ang pinsan dahil sa ginagawa nitong pang-aasar sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin ay paniguradong kanina pa ito tumigil sa kakatawa at bumulagta na ito sa sahig.
"Love makes you a killer," natatawang sabi ni Shadow. "Sa pagkakatingin mo sa akin, wala kang pakialam kung magkadugo tayo. Papatayin mo ako para sa babaeng iyon."
Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Thinking that Shadow likes Kira makes his blood boil. Walang puwedeng magkagusto kay Kira kundi siya lang! Walang puwedeng umangkin kay Kira kundi siya lang! Kira is his! Just his!
"Relax," ani Shadow. "I'm just kidding. Hindi ko siya aagawin sa'yo. Gusto ko pang mabuhay." Bigla naman itong tumayo at naglakad palapit sa pinto. "Aalis na ako. Baka masuntok mo pa ako sa sobrang galit mo." Saka lumabas ng tuluyan ang kanyang pinsan.
Naiwan siya roong tulala. Halos mamilog naman ang mga mata niya nang dumako ang paningin niya sa mga kamao niyang nakakuyom na para bang handa siyang manakit ng tao. Napailing-iling na kamang siya. Mukhang hindi na niya talaga kayang pigilan ang sarili. Hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman.
How could Kira make him like a beast thinking that someone else would like her? Mukhang kailangan na niyang ilabas iyon dahil baka sumabog na siya kapag nagpigil pa siya.
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...