Chapter 10

2.5K 46 0
                                    

"OKAY, FINE."

Hindi makapaniwala si Kira na for the very first time, Francis couldn't do anything to save her. Sinadya niya pa talaga ito sa headquarter ng NBI just to hear his disapproval. Paano'y kinausap niya ito para pakiusapan na tulungan siyang mapapayag si Gerrard na huwag na siyang i-required na sumama sa team building. But what she got? A very furious disapproval.

Humalukipkip si Francis habang prenteng nakaupo sa swivel chair ng NBI Director. Yeah, they were in NBI Director's office. Kung hindi lang ito pamangkin ni Director Sagun De Alegre ay hinding-hindi sila makakatuntong sa opisina na iyon at pasalamat na lamang si Francis na wala ang tiyuhin.

"Hence, you need to freshen' up," ani Francis. "And else, I will send other agents to eye the whole school. Don't worry too much, babe."

She just rolled her eyes. Kung alam lang nito kung bakit pilit niyang umaayaw na sumama sa team building. For God's sake, she will be with Gerrard for two days and one night! Duh! As if they will be together in one room. Hell, no! Ano ba, Kira? It's just that Gerrard makes her freaking nerves shake in nervousness whenever he is around her! And that would never make her in good.

And it should not be known to Francis or else everything will turn upside down. Aside from George, she doesn't want to disappoint Francis, too.

"Just promise me one thing," aniya na may seryosong tono.

Francis smirked. "Spill it."

Napabuntong-hininga siya. Matagal na niyang gustong hilingin ito kay Francis. Hindi niya lang masabi dahil hindi pa tapos ang trabaho niya.

"I want to see George."

Dumiretso ng upo si Francis habang mataman na napatingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalan na iyon.

"I miss him so much," aniya sa malambot na boses. "Alam kong hindi pa tapos ang trabaho ko pero kahit isang araw lang. Gusto kong makita ang anak ko."

Ngumiti si Francis na umabot sa mga mata nito. "Of course. Hindi mo kailangang hilingin. Kukunin ko siya. Sabagay, miss ko na rin ang anak ko, no. Hindi lang naman ikaw ang nakakamiss sa kanya."

She smiled feeling success. "Thank you."

"You're welcome. Expect him when you come back from your team building," ani Francis. "But promise me one thing also."

Kumunot ang noo niya pero agad niya ring binura nang marinig ang sumunod na sabi ni Francis.

"Enjoy. Don't worry yourself too much. George will be excited to see you."

Napangiti siya. Francis is always there even at the very first moment when she knew about George. She's very thankful to have such kind of friend. A bestfriend. She would not have George if she doesn't have Francis. They are everything for her.

"Kira to earth!"

Biglang naputol ang pagbabalik-tanaw niya nang marinig ang sigaw na iyon ni Jenna. Hindi pa siya nakakahuma sa pagkagulat habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Jenna.

"Kanina ka pa tulala. Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jenna. "Malapit na tayo sa Villa Villena Resort and Restaurant!"

At ngayon lang ulit bumalik sa isip niya na nasa aircon bus pala sila na official bus ng Standford School. Tatlong bus ang nagamit nila para ma-accommodate lahat ng empleyado ng Standford School. At inarkila ang buong Villa Villena ng dalawang araw at isang gabi na pagmamay-ari pala ng pinsan ni Gerrard.

Si Jenna ang nakatabi niya sa pangdalawahang upuan sa kanan at pangpitong hilerang bahagi ng bus.

"Malapit na tayo?" tanong niya kay Jenna. Halata pa rin sa kanya na lutang pa rin ang isip niya. Mas nae-excite siya sa pagbabalik nila sa syudad kaysa sa magiging team building nila. Nangako si Francis na sa pagbabalik niya ay kasama na nito si George.

Sunod-sunod na tango naman ang sagot sa kanya ni Jenna. "Ayusin mo na ang gamit mo. Malapit na tayong bumaba."

"Okay."

Halos mamilog ang mga mata niya pagkababa ng bus. Tanaw mula sa parking lot ang malawak na sakop ng buong Villa Villena. Ang resort ay binubuo ng mga pools at sa bandang babang bahagi ng resort ay ang mahabang ilog na may malinaw na tubig na umaagos mula sa mataas na bahagi ng resort. May iba't ibang klase rin ng mga cottages na nakakalat sa lawak ng resort. Sa kanang bahagi naman ay tanaw ang isang malaking bahay na sa palagay niya ay ang restaurant ng Villa Villena.

Walang katao-tao sa buong resort bukod sa mga receptionists na sumalubong sa kanila. Isang babae naman na sa tingin niya'y hindi nagkakalayo ang mga edad nila ang lumapit kay Gerrard na saktong kababa lang sa bus na sinakyan nito.

"Good morning, Sir Gerrard. I'm Cherry, Sir Shadow Villena's branch manager here in Villa Villena Resort and Restaurant, Nasugbu, Batangas. I and my co-workers welcome you and the whole Standford School family with a great heart to serve you."

Sinagot naman ito ni Gerrard ng isnag tipid na ngiti. "Thank you."

Binalik naman ng nagpakilalang branch manager ang ngiti sa principal. "Our receptionists will help you with your baggage. Sasamahan na rin po nila kayo sa magiging kwarto ninyong lahat base po sa binigay niyong room assignment."

Tumango-tango si Gerrard bago kumilos ang mga receptionists at tinulungan sila sa mga gamit nila at isa isa silang sinamahan sa mga magiging kwarto nila. Kasama naman niya sa kwarto si Jenna. Hindi na rin naman naging bago sa kanya ang roommate dahil may pagka-jolly ang dalaga. Masayahin at talagang mahahawa ka sa pagiging positive vibes nito.

Nahiga siya sa kama. Kahit nasa biyahe lang ay pakiramdam niya ay napagod siya. Marahil sa bumiyahe sila ng halos alas kwatro ng madaling araw. Hindi siya sanay na gumigising ng maaga.

"Hindi ka pa ba magpapalit?" Maya-maya'y tanong ni Jenna na inaayos ang mga dinalang gamit.

Nilingon niya ito ng hindi bumabangon. "Bakit?"

"We need to go to parking space ng exactly eight. We will have our team building."

Yeah. Bakit niya ba nakalimutan iyon? They are there for the annual team building for the employee of Standford School. And she's an employee. Sarcasm filled her mind.

Walang ganang napabalikwas siya ng bangon at nag-ayos ng sarili. Nahiling niya na sana matapos agad ang okasyon. Gustong-gusto na niyang makita ng anak.

BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon