"KALALABAS lang ng doktor. Successful ang operasyon ni George---"
Agad na napatayo si Kira nang makita niya si Francis na palapit sa kanila ni Gerrard, maging ito rin ay napatayo para salubungin ang bagong dating. Ngunit agad na naputol ang sasabihin niya nang walang seremonyang sinuntok ni Francis si Gerrard.
"Francis!" sigaw niya rito. Agad niyang dinaluhan si Gerrard at tinulungan itong makabangon.
Pareho silang may mga nagtatanong na mga mata ni Gerrard na nakatuon kay Francis.
"Bakit ba bigla-bigla ka na lang nanununtok?!" singhal ni Gerrard sa kaibigan. "Nagiging hobby mo na atang suntukin ako!"
"Nasaan ka noong 25th birthday ko?" tanong ni Francis na may galit sa mga mata kay Gerrard. "Hindi ka nakarating noong 25th birthday celebration ko sa La Villena Hotel. Hindi ka nakarating, 'di ba?"
"Ha?" Kunot ang noo ni Gerrard kay Francis wari ba'y hindi nito maintindihan ang tinatanong ng kaibigan. "25th birthday? Six years ago na 'yon. Paano ko naman maaalala 'yon?"
Agad namang nagdribol ang puso niya sa takot nang siya naman ang balingan ni Francis. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. At alam niyang may pinatutunguhan ang pagtatanong nito kay Gerrard sa nangyari anim na taon na ng nakakaraan. Halos manginig naman siya nang hawakan siya ni Francis sa braso. Hindi naman niya masalubong ang mga mata nito.
"Sumama ka sa akin," ani Francis.
"Hindi siya sasama sayo!" pigil ni Gerrard. Agad siya nitong hinawakan sa balikat at inalis ang pagkakahawak ni Francis sa braso niya. "Hindi ako papayag na sumama siya sayo gayong galit ka. Sabihin mo muna sa akin bakit ka ba nagagalit!"
Naglabanan naman ng tingin ng dalawang lalaki sa harapan niya. Walang nagpapatalo kaya siya na ang kusang pumutol ng namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Tama na 'yan," pigil niya sa mga ito.
"Sabihin mo sa lalaking 'yan na sasama ka sa akin o gusto mong dito ko mismo itanong sayo ang mga gusto kong malaman." May diin sa boses ni Francis. Sa mukhang sa tono nito ay may pagbabanta sa kanya.
Hinawakan niya sa braso si Gerrard dahilan para maputol ang titig nito kay Francis at mapatingin sa kanya.
"Kapag puwede nang dalawin si George, ikaw munang magbantay s kanya. Okay lang ako. Mag-uusap lang kami ni Francis," aniya dito.
"Pero..." pigil ni Gerrard.
"I'll be okay. Mag-uusap lang kami ni Francis."
"Huwag mo kaming susundan!" Walang pasintabing bigla na lamang siyang hinila ni Francis hanggang sa makaabot sila ng parking lot ng ospital.
Napapitlag na lamang siya nang walang habas na tinulak siya ni Francis sa passenger's seat ng kotse nito. Hindi na niya sinubukan pang lumabas. Hinintay na lamang niya na makasakay ito sa driver's seat. Diretso lamang ang tingin niya sa harapan ng sasakyan pero kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang mahigpit na pagkakahawak ni Francis sa manibela. Nagulat na lamang siya nang bigla na lamang nitong hampasin ng palad ang manibela. Hindi naman niya mapigilan ang kabang nararamdaman. Ngayon niya lamang nakitang magalit ng sobra sobra ang kaibigan. Mukhang hindi na nito natiis ang galit sa kanya.
"F-Francis..." sinubukan niyang pahumpayin ang galit nito pero mukhang walang epekto dahil marahas na napalingon lamang ito sa kanya at hindi na niya nagawa pang magsalita.
"Hanggang kailan ka mananahimik, Kira?" Diretso na ang tingin nito sa harapan pero kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito.
"A-Anong i-ibig mong s-sabihin?" Ngarag ang boses niya at mukhang wala na siyang takas ngayon.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Francis sa manibela. "Have you met Gerrard before my 25th birthday? Nakilala mo na siya bago nangyari ang gabing iyon?"
"H-Hindi kita maintindihan. A-Ano bang ibig mong sabihin?" Pilit niyang pinakalma ang sarili. Kilala niya si Francis. Hindi niya puwedeng salubungin ang galit nito ng kaparehong galit. Hindi siya mananalo.
"Huwag mo na akong lokohin, Kira. Nanahimik ka ng anim na taon. Tinanggap ko ang pananahimik mo. Hindi kita kinulit. Hindi kita pinilit. Pinagbigyan ko ang gusto mong kalimutan na lang ang nangyari. Hindi ko hinanap ang walanghiyang lalaking iyon! But how could I fucking be quiet now when George's real father is my fucking friend!"
At halos mapigil ni Kira ang paghinga niya sa huling sinabi ni Francis. Gulong-gulo ang isip niya. Walang mahagip ang utak niya na puwedeng sabihin kay Francis. At mas lalong kumabog ang dibdib niya nang makita niyang humarap sa kanya si Francis.
"George's real father is Gerrard. Tama ako, 'di ba? Siya ang tunay na ama ni George. Ayaw mong ipahanap sa akin dahil kilala ko siya! Ayaw mong sabihin sa akin kung sino dahil kaibigan ko pala!" Tumataas ang boses ni Francis.
Hanggang sa umalingawngaw na sa loob ng sasakyan ang hikbi niya. Hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala mula sa kanyang mga mata. Huli na siya. Hindi na siya puwedeng tumanggi. Wala na siyang puwedeng idahilan.
"Bakit?" kalmado na ang boses ni Francis. He still cares about her. Kapag umiiyak siya, kumakalma na ang kaibigan niya. Hindi nito kayang ipagpatuloy na sigaw-sigawan siya kapag umiiyak na siya. "Sabihin mo sa akin ang totoo. This is so long overdue. Anim na taon na, Kira. Nararamdaman ko. Alam mong si Gerrard ang ama ni George. Pero tinago mo. Bakit?"
She wiped her tears. Mukhang hindi na rin siya puwedeng magtago pa. Gerrard is in her life now. Masyado na siyang unfair kay Gerrard. Oras na rin siguro para lumabas na ang katotohanan. She's been a great player for unrevealing the truth for almost six years.
Sinalubong niya ang mga mata ni Francis. At hindi na siya nagtaka kung bakit hindi man lang ito nagulat sa sinabi niya. He already knew the truth. She just need to admit it.
"Gerrard is George's real father."
BINABASA MO ANG
BOOK 7: Kira, The Great Player [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #7: Kira, The Great Player She just wants her job to be plain and simple. She wants silence during her free time. Noone could ever disturb her. If it's her free time, noone could ever enter her busy world. Not until she...