PROLOGUE

32.6K 789 56
                                    


A/N:  Sorry kung wala pa ring update ang Perfect Match. Tatapusin ko ang When I love, kuwento nila Zyra at Lukas, this week tapos pagsabayin ko itong kay Moses at Morris dahil importanteng swak ang time line nila dahil ito ang San Diegos na kapit-tuko. Lagi ngang napagkamalang kambal  kahit na hindi. Hehe! Malapit na sunud-sunod na updates ng stories nilang dalawa. Stay tuned!


STARTED: AUGUST 23, 2018

Today, September 3, DV#21 reached 1K reads! Salamat sa lahat ng sumuporta!

**********

Nang tumambad na sa paningin ko ang pinkish sandbar at crystal bluegreen water ng Isla Rosa napasinghap ako. Hindi ako halos makahinga sa larawang nakahain sa aking harapan. Mantakin mong pati corals sa pinakailalim ng dagat ay nakikita ko mula sa kinalululanang bangka? Daig ko pa ang pumasok sa isang postcard! Ilang beses kong kinurut-kurot ang sarili para siguraduhing hindi ako nananaginip.

"Miss, hanggang dito na lang kita maihahatid," sabi ng binatilyong sumasagwan sa inarkila kong bangka. Hindi nga ako nananaginip. Saglit akong napalingon sa kanya habang inaayos ko ang posisyon ng dala kong video camera.

"Huwag mong sabihing palalanguyin mo ako hanggang sa dalampasigan?"

"Hindi ba nasabi ko naman sa inyo kanina? Bawal po talagang makapasok sa islang iyan. Mahigpit po ang may-ari niyan. May ilang mapangahas na siyang naipakulong dahil sa salang trespassing. Ayaw ko pong mangyari rin iyan sa akin. Ako na lang ang inaasahan ni Inay sa amin."

"Dadagdagan kita ng limang daan. Ilapit mo pa ako ng kaunti," sabi ko.

Napakamot-kamot siya sa ulo pero tila nag-isip naman. Mayamaya'y, nagpalinga-linga ito at mabilis na sumagwan paabante sa isla.

"Basta Miss, labas ako rito, ha? Tsaka doon sa hanggang tuhod na lang kita dadalhin."

Kung na-impress ako sa isla mula sa kalayuan, mas higit pa roon ang naramdaman ko nang mapalapit na ako rito. Iyon na marahil ang pinakamagandang pulo na nakita ko sa tanang buhay ko. And I've already been to Maldives, Thailand, and other exotic places! Ang linis-linis pa ng tubig at walang ni kapirasong basura sa paligid. Kahit saan ko idako ang paningin mapusyaw na kulay rosas na buhangin at berdeng mga puno lamang ang nakikita ko. Ni walang kahit anino ninuman.

Nang tumigil ang bangka para pababain ako, wala na akong inaksayang oras. Tumalon agad ako sa tubig. Hindi pa ako nakailang hakbang, may malakas na boses na kaming narinig mula sa megaphone. May tao sa isla?

"Miss, nakita tayo ng guwardiya!" Kasabay ng pagsigaw ng binatilyo may bigla na lang pumutok. Binabaril kami? Shit! Binabaril kami!

Napabalik agad ako ng bangka.

"Atras na dali!"

**********

"Good morning, bro. Have you watched the new viral video circulating on social media?" nakangising salubong sa akin ni Moses sa pasilyo pa lang ng upisina namin sa Makati. Kami ang may-ari ng pinakamalaking video game company sa Pilipinas.

"I am too busy to care," wala sa loob na pakli ko.

"Ang init ng ulo, a."

"The guard caught another trespasser. Muntik na raw silang umabot sa isla."

Imbes na sumagot, ipinagduldulan na ni Moses ang sinasabi niyang viral video habang tumatawa. Nangunot agad ang noo ko nang makita ang isla ko. That bastard!

Pinindot-pindot ko ang cell phone at tinawagan ang security agency na siyang pinagkuhanan ko ng limang guwardiya para sa isla. Humingi ako ng dagdag na lima pa. Habang galit akong nakikipag-negotiate sa security agency, tatawa-tawa lang na tila amused na amused ang kuya ko.

"What's funny," singhal ko sa kanya.

Sinundan niya ako hanggang sa upisina ko at pinagduldulan pa rin ang video.

"I've seen it already. And yeah, I know why it has gone viral again. People can't just get enough of its beauty."

"That's not what I meant. Look at the title of the video." At humagalpak na ng tawa si Moses.

Bakulaw owner of Isla Rosa almost killed me!

Aha! Babae pala ang mapangahas this time.

"Bakulaw? What does it mean?"

Kinuha saglit ni Moses ang iPad niya at pinindot ang isa pang window. Tumambad sa paningin ko ang imahe ng gorilla. Nangunot ang noo ko. Ako? Si Morris San Diego, bakulaw daw?

Binalikan ni Moses ang YouTube video at pinakita sa akin ang mga comments ng viewers. Ang daming nagbigay ng assumptions nila kung bakit hindi pinabubuksan ang isla sa publiko at halos nagkaisa ang lahat na iyon ay sa kadahilanang mukhang bakulaw nga raw ang may-ari kaya takot magpakita sa tao.

Napa-smirk ako.

**********

"Miss, hindi na ako pinayagan ni Inay na lumapit pa sa Isla Rosa. Magagalit na iyon."

"Ano ka ba? Hindi mo naman sasabihin iyon."

"Maraming isla rito, Miss. Bakit diyan pa sa bawal?"

"Kuya, nasa bawal ang sarap!" Hindi natawa ang binatilyo sa biro ko kaya sumeryoso na ako. "Dodoblehin ko ang bayad ko sa iyo ngayon. Gusto ko lang ng panibagong shot. Ito kasi ang most requested place ng viewers ko. Last time, iyong kapiranggot nating shots sa isla, nakakuha agad ng five hundred thousand views isang araw matapos kong mai-upload ang video. Hindi lang iyon. Humakot pa iyon ng sangkatutak na subscribers. Palagay ko, dahil maraming nag-aabang ng karugtong no'n, tiyak na aabot na ng ilang milyon ang kasunod."

Makalipas ang halos sampong minutong pagpapa-cute sa binatilyo, pumayag na rin ito. Pero nagsabi na siya na ibababa niya ako sa hanggang leeg at bahala na akong lumangoy palapit sa isla.

"Shoot!"

Nagulat siya. Akala niya madi-discourage niya ako sa ganoon. Ang hindi niya alam, pinaghandaan ko na talaga itong pagbabalik ko. Nagdala na nga ako ng GoPro cam ko.

"Sana makita natin kahit anino ng bakulaw para mas lalong pumalo ang views ko."

"Wala hong bakulaw sa isla, Miss. Guwardiyang may mga baril lang ang mayroon."

"Ikaw naman talaga kuya, ang dry mong kausap. Sumagwan ka na nga lang nang sumagwan diyan!"

Ilang minuto pa ang nakararaan, nakita ko na ang malaparaisong ganda ng isla. At gaya ng sinabi ng binatilyo, pinababa niya ako dalawang daang metro mula sa dalampasigan. Wala akong nagawa kundi languyin na lang ang papunta sa isla. Inisip ko nang may maririnig na namang putok ng baril, pero nakaahon na ako't lahat wala kahit mahiwagang boses sa megaphone. Lumawak ang ngiti ko. Daig ko pa ang nanalo sa mega jackpot sa lotto. Kung kailan naman ako natayo na para kunan na sana ang buong isla gamit ang GoPro camera ko, naramdaman ko namang may lumuwang. Napigtas pala ang tali ng pang itaas kong two-piece bikini. Kailangan ko pa munang tanggalin iyon at ipasok na lang muna sa bulsa ng shorts. Bumakat tuloy ang kambal kong dunggot sa kulay krema kong t-shirt, pero keber. Wala namang tao.

Inaasinta ko na ang camera nang bigla na lang may humarang. Makinis at mukhang matigas na dibdib ang nakunan ng lente ko. Nang tumingala ako sa may-ari no'n bigla akong napaatras at napanganga. Ano'ng ginagawa ni Adonis sa isla?! Siya na yata ang pinakaguwapong nilalang nakita ko ever-ever! I like his crew cut hair. It gives him a masculine aura that I always find sexy in a guy.

Mukhang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay kagat-labi. How I wish I can see his eyes. Ba't kailangan pa kasing mag-dark glasses wala namang araw? 

Pasimple kong tiningnan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. He was just wearing a black trunks at mukhang kaaahon din lang sa tubig.Napa-oh my ako nang may mapansin doon. Shit, daks!

"S-sino ka?" lakas-loob kong tanong.

"Ako lang naman ang bakulaw na may-ari nitong isla. Ikaw, sino ka?" kaswal niyang sagot. Tila umalingawngaw ang boses niya sa pandinig ko. He sounds familiar!

"Bakulaw?" 

He removed his sunglasses and I stared at him with my mouth agape.     

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon