CHAPTER FIVE

9.7K 486 55
                                    

"Bastos!" asik ko sa kanya sabay bawi ng kamay ko. Daig ko pa ang napaso. Tinuyuan pa ako ng laway kahit saglit lang dumapo ang palad ko sa kanyang agila.

Ngumisi siya sa akin. Iyong tipong parang nanunukso.

"Huwag mong sabihin na ngayon ka lang nakahawak ng ano ng lalaki?" sabi pa ng hudas. Tila pinagtatawanan ako. Hindi na mabagsik ang kanyang mukha.

"At ano'ng ibig mong sabihin? Na pakawala akong babae? Na ugali kong manghawak ng ano nang may ano?"

He chuckled. May kung anong kislap na sa kanyang mga mata. Nasira tuloy ang momentum ko. Hindi ko sukat akalain na ganoon ang maging reaksiyon niya sa mga sinabi ko. Inasahan ko pa sanang pagsusupladuhan niya ako o di kaya'y paratangan na pakawala. May nakahanda na sana akong matatalim na salita kung ganoon nga ang sinabi kaso hindi, e.

"Tama ba ako? Ngayon ka lang nakahawak----?"

"E ano naman sa iyo?"

Umatras siya nang kaunti. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tapos pinaningkitan ako ng mga mata. Napatingin din tuloy ako sa bihis ko at bigla akong nahiya dahil heto siya't naka-casual nga pero Gucci naman ang tatak ng t-shirt samantalang ako'y naka-leggings ng kulay itim at maluwang na t-shirt na pareho kong nabili sa Divisoria. Ang sapin ko pa sa paa'y sandals na galing Baclaran. Kahit saang anggulo tingnan mukha akong basahan kung ikompara sa kanya. Tapos ang taray-taray ko pa.

"Hard to believe," sagot niya sa mahinang tinig. Tila sa sarili lamang nakikipag-usap.

"Ano ang hard to believe diyan? Hoy, para malaman mo hindi lahat ng babae katulad ng mga kakilala mong pakawala."

"What made you say na pakawala ang mga kakilala kong babae?"

"Feeling ko lang. Kasi'y tingin mo na sa lahat ay ganoon."

"Napaka-asyumera mo. Nasabi ko lang iyan dahil ---" Hindi niya tinapos ang sasabihin. Tumingin lang siya uli sa akin at dahan-dahang bumaba ang mga titig niya sa bandang dibdib ko. Then, he smiled. Iyong ngiting parang may ibig sabihin. Napatingin uli ako sa bihis ko. Iniismol ba ng unggoy na ito ang attire ko porke puro bogus at nabili lamang sa bangketa? Nang mapaharap ako sa malaking salaming nakasabit sa dingding napamulagat ako. Sa kanipisan ng t-shirt naaaninag na pala ang bra ko. At dahil wala iyong padding, bumakat ang dunggot. Hinila ko palayo sa dibdib ang tela ng t-shirt. Nagkunwari akong hindi ko iyon napansin.

"Maaari ka nang umalis, Mr. San Diego," pormal kong pagtataboy sa kanya. Nauna na ako sa pintuan at binuksan ito nang maluwang.

"I'm not leaving until you delete that damn video."

"Ano ba naman ang pinagsisintir mo riyan? Mabuti nga't bumango pa ang reputasyon mo nang dahil sa akin. Aminin mo, hindi ba't nakinabang ka rin doon? Marami na kayang babaeng humahabol sa iyo ngayon. Bentang-benta ka na!"

"Miss Zaragoza, hindi ko na kailangan pa ng marketing prowess mo para 'ika nga'y bumenta. Matagal nang maraming humahabol sa akin. Ang kaibahan lang ngayon, binabastos na ako ng kung sinu-sino dahil sa kagagawan mo. Kung hindi mo iyon tatanggalin sa channel mo, mapipilitan akong maghain ng demanda."

Demanda? Para lang doon?

"It's not an empty threat, Miss Zaragoza. I mean it."

Nang hindi ako naniwala, dinukot niya ang cell phone sa bulsa at kinutingting. Mayamaya'y may kausap na siya sa telepono. Makaraan ang maikling palitan ng pagbati, pinasa niya sa akin ito. Nakita ko sa screen ng phone niya ang hitsura ng isa sa pinakasikat na abogado ng bansa. Si Attorney Doromal! Kilala siyang abogado ng mga celebrities at big-time politicians. At wala pa siyang naitalong kaso.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon