NOTE: Medyo bitin na naman ito, pasensya na. I promise to have this updated as soon as I can. Tatapusin ko ito before ECQ ends, God-willing. Salamat sa lahat ng matiyagang naghihintya lagi ng updates.
**********
"Ate, bakit?" tanong ni Mimi sa mahinang tinig. Parang takot na takot. Namutla siya lalo.
Napatitig ako sa cell phone. Nakakunot ang noo. Hindi ko lubos-maisip ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Frennie. Ang alam ko, isa siya sa mga baklang vloggers na ka-close ni Barang na naging kaibigan ko rin. Lalo na noong aktibong-aktibo ako sa pagba-vlog. Katunayan, siya ang nagdala sa BFF ko sa ospital nang malagay sa panganib ang buhay nito at siya rin ang tumulong sa akin na mailipat namin ito sa ibang pagamutan para malansi ang kung sino mang may balak pumatay dito. At siya rin ang naghanap ng malilipatan nitong bahay nang---
Kumalabog ang dibdib ko. Hinanap ko ang bagong cell phone number ni Barang. Tinawagan ko agad ito. Subalit cannot be reached na ang numerong iyon. Noong isang linggo lang ay nakontak ko pa iyon at nasagot naman ng kanyang caregiver. Sumailalim kasi sa mahaba-habang physical therapy ang BFF ko gawa ng natamo niyang pinsala sa nakaraang pagtangka sa kanyang buhay ng hindi pa nakikilalang salarin. Lalo tuloy ako inatake ng nerbiyos.
"Ate, bakit hindi n'yo tawagan ang opis ni Kuya Morris?"
Napakurap-kurap ako. Oo nga, ano? Sinubukan kong kontakin ang private line ni Morris. Si Mrs. Moreno, ang matanda niyang sekretarya ang sumagot sa phone.
"Gusto ko lang pong makausap si Morris kung nariyan po siya."
"Si Sir Morris po ba? Nakaalis na po. Sabi po niya may aasikasuhin siyang importante."
Nakaalis na si Morris? Ibig sabihin ay---
"Bakit, Ate?"
"Salamat po, Mrs. Moreno." At pinutol ko na ang linya.
"Nakaalis na raw ang Kuya Morris mo."
"Hala!"
Nagtulakan kami ni Mimi kung sino ang magdidispatsa sa namatay na kuting. Kalaunan, nagkasundo kaming pagtulungan namin ang pagbungkal ng lupa para maibaon namin iyon doon. Hindi kasi namin ito basta mailalagay lang sa basurahan. Mahirap nang mangamoy ito. At least naging busy kami panandalian at na-divert ang attention ko. Pero nang magawa na namin iyon, hayun na naman at inatake na naman ako ng takot kung kaya natawagan ko ang mga magulang. Pinapapunta ko sana sila sa bahay namin ni Morris sa Laguna para samahan kami, pero ayon sa kapatid ni Mama sa Paranaque kung saan sila nanatili ng dalawang linggo pagkatapos ng binyag ni Sierre ay nakauwi na sila sa amin sa Iloilo. Nainis ako na hindi man lang pinaalam sa akin.
Habang naghahanap ng iba pang maaari kong hingan ng tulong sa list of contacts ko, may nahagip akong unread messages sa inbox ko. Galing sa phone na ginamit ni Papa pantawag sa akin.
"Ne Tala. Balik-probinsya muna kami ng mama mo. Huwag mo na itong replayan. Kasi hindi akin ang fon na ito. Sa pinsan mo. Saka ko bigay bago numero pag nakauwi na kami."
Napakamot ako ng ulo sa frustration. Kapwa kami napaakyat ng bahay ni Mimi para puntahan ang kanya-kanyang anak. Sabay kaming nanalangin habang kalong-kalong ang aming mga beybi. Pero maya't maya'y napuputol ang Our father namin para kantahan ang nag-aalburutong mga tsikiting.
**********
Kinapa ko sa katabing upuan ang cell phone, pero hangin ang nahawakan ko. I glanced back and forth the highway and the empty passenger seat beside me only to be puzzled. Bakit wala na roon ang phone ko? Ang alam ko kanina'y doon ko iyon nilapag bago bumalik sa office ko para kunin ang mga nakaligtaang papeles.
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"