CHAPTER SIX

10K 558 91
                                    

Pagkakita ko kay Barang, nagmadali ako sa pagbangon. Tinulak ko ang kumag nang ubod lakas. Napatihaya siya nang wala sa oras. Sa kamamadali ko namang makatayo naitukod ko ang isang kamay sa mismong private property ng damuho. Napaaray ito. Ako nama'y pinamulahan ng pisngi. Tawang-tawa naman ang mahadera kong kaibigan. Sa huling flash ng camera niya, sinugod ko siya para agawin sana ito, pero mabilis pa sa alas kuwatro na nakaalis siya ng bahay.

"Hoy, Barang! Walanghiya ka! Ano ang gagawin mo sa mga kuha mo sa amin?!"

"Bye, fren! At salamat sa bigay mong panibagong raket!" Humahagikhik nitong sagot habang parang Miss Universe na nag-wave goodbye sa akin. Hahabulin ko pa sana ang lokaret pero mabilis siyang nakasakay sa naghihintay na tricycle. Naiwan akong sumusuntok na lang sa hangin.

"Who was that?" bigla na lang ay tanong ng mula sa likuran ko.

Nandiyan pa pala siya. Kainis!

Inulit niya ang tanong nang hindi ko iyon sinagot agad.

"Kaibigan ko," napipilitan kong pag-amin.

"Is she a vlogger, too?" Naniningkit na ang mga mata ni Mr. San Diego. Bahagyang tango lang ang sagot ko pero dumadagundong na, "Fvck!" ang tugon mula sa kanya. Napapitlag ako sa kabiglaanan. Aangilan ko pa sana siya bilang reaksiyon do'n sa malutong niyang pagmumura pero bigla akong natakot sa ekspresyon na nabanaag sa kanyang mga mata.

"Habulin mo." Kalmado na ang boses niya, pero maotoridad naman. Parang nagmamando lang sa isang trabahador. Kahit takot nang kaunti, sinikap kong magtapang-tapangan. Taas-noo ko siyang pinamaywangan.

"Nakita mo namang nakasakay na siya ng tricycle. Kung gusto mo ikaw na lang ang humabol!"

Saglit na tila natigilan ang kumag. Sumulyap ito sa labas ng tarangkahan ko. Sinundan din ng mga mata ko ang tinitingnan niya at no'n ko napansin ang napakagandang pulang Maserati. Mukhang bagong-bago. Sobrang kintab kasi. Pagtingin niya sa akin uli hinablot na lang ako bigla. Dahil hindi ko napaghandaan iyon, naiwan ang isa kong tsinelas.

"Sandali lang! Ano ka ba? Ang tsinelas ko!"

Hindi niya ako pinansin. Basta na lang ako dinala sa kotse niya at tinulak papasok doon.

"Nakakarami ka na, a!" asik ko sa kanya. Imbes na sagutin ako, pinaandar niya ang makina ng sasakyan. Nalunod sa ingay ng makina ang pagmumura ko sa kanya. "Saan mo ako dadalhin, hayop ka? Alam mo bang pwede kitang ihabla ng kidnapping?"

"Kidnapping?" Ngumisi ang hinayupak.

"Ano pa ba itong ginagawa mo sa akin?"

Hindi na naman siya sumagot. Abala siya sa kaka-reverse gear. Natutukso na akong batukan ang kumag. Pero habang pinagmamasdan ko ang side view niya no'n ko napagtanto na may katotohanan nga naman ang sinabi niya kanina sa akin. Hindi na niya kailangan pang i-market ang sarili para habul-habulin ng mga kababaihan. He's just perfect. Nahiya tuloy ako sa balat ko. Lalaki siya pero mas wala pa siyang pores kaysa sa akin. Ang kinis talaga ng kutis niya. Hay. Sayang. May girlfriend na raw ang lintek!

"Stop staring at me."

Bigla akong napaupo nang matuwid. Nagkunwari akong abala sa katitingin sa labas ng bintana. Nalimutan ko saglit ang iritasyon ko sa kanya dahil sa pagkapahiya.

"Saan nakatira ang kaibigan mo?"

No'n ko lang ulit naalala ang intrimederang si Barang. At may bigla akong na-realize.

"Hala!" naibulalas ko. Sobrang napa-high pitch ang boses ko kung kaya napapreno nang wala sa oras ang katabi ko.

"What?" naiinis niyang asik sa akin.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon