CHAPTER TWENTY SIX

9.9K 429 53
                                    

Maluha-luha ako nang mabalitaan ko kay Mama na nakalaya na raw ang Papa ko sa tulong ng isang abogado. Nagtaka ako kung papaano nangyari iyon. Ang huli naming napag-usapang mag-ina ay iyong pagpunta namin sa isa naming kakilala na alalay diumano ng isang sikat na huwes sa karatig-bayan namin sa Iloilo na hindi naman natuloy dahil agad-agad akong lumipad ng Maynila para damayan ang best friend kong si Barang.

"Teka-teka. Pinuntahan n'yo si Pingkaw (ang alalay ng huwes ang ibig kong sabihin) mag-isa? Ma! You're my hero! Pasensya na kung hindi ko kayo nasamahan."

"Tange! Hindi nga ako naka-first base doon dahil bago ko pa sila mapuntahan ni Judge Dagonoy ay may pumunta na raw na sikat na abogado sa city jail. Iyon ang tumulong sa papa mo. "

"Ha? Sino po?"

"Si Dilat, 'Ne Tala," sabat ng isang ngumunguya sa background. Nakarinig pa ako ng paglagok ng isang tila hindi nakainom ng kung ano man ang iniinom sa mga oras na iyon ng mahigit isang daang taon. "Siya ang tumulong sa akin," dugtong pa nito. No'n ko lang nabosesan si Papa.

"Pa! Ikaw pala iyan! Kumusta ka, Pa?!"

Lumagok pa uli ito ng kung ano at napa, "Aaaahhh!" pa pagkatapos. Inulit ko ang pangungumusta at minadali ko sa pagsagot niya. Sumagot naman agad, pero mayamaya'y inubo na ito na tila nabilaukan. Napagalitan ako ni Mama. Nagmadali na silang magpaalam sa akin. Hindi ko na tuloy naikuwento ang naging adventure ko nitong mga nakaraang araw. Mas mabuti pa ngang huwag na lang sigurong sabihin sa kanila. Baka mag-alala pa't pauwiin na naman ako nang ora-orada.

Pagbaba ko ng telepono sa sala may narinig akong kaluskos sa likuran. Nakita ko si Morris na tila kararating lang doon at nagpapahid ng sunglasses sa laylayan ng polo shirt.

Lalabas na naman ba ito?

"I have to go. Please---if you want to go somewhere inform Manang Ruby. She'll arrange your escort to whereever you want to go," sabi nito sa akin habang nilalagay ang dark sunglasses sa bridge ng ilong.

"Where are you going?" Shucks! Nahawa na ako sa kai-Ingles niya. " I mean---saan ka pupunta?" bawi ko dahil naalibadbaran ako sa pagsa-sounding kolehiyala.

"I have a meeting today."

Tiningnan ko ang suot niya. Bukod sa kulay mapusyaw na asul na polo shirt na mula pa sa kilalang brand na Saint Laurent wala nang pormal tingnan sa kanya. Ang pantalong maong niya kasi na halos kasing itim ng gabi ay may malaking butas sa magkabilang tuhod. Bukod doon tadtad pa ito ng punit sa bandang hita.

Nakita niya siguro ang pangungunot ng noo ko sa suot niya dahil bigla siyang napangiti. Napasinghap naman ako. Lalo kasi siyang pumogi sa pagsilay ng matatamis na ngiti sa labi. Dumoble ang hotness niya kaysa karaniwan dahil nakadagdag ng halos isang milya sa attractiveness meter niya ang pagsusuot ng itim na sunglasses.

"Don't worry, I'm the boss. I can wear anything I want," sabi nito.

Bago siya tumungo sa may pintuan, hinalikan niya ako sa pisngi. Nawirduhan ako ng kaunti. Mag-asawa na ba kami? Hindi klaro kung ano ang label namin, pero tinubos niya ang buhay ko ng kung ilang milyong piso pagkatapos ay patuloy pang pinoprotektahan sa loob ng kanyang pamamahay sa Quezon City. Marahil nga'y ganoon na rin iyon. Mag-asawa. Napangiti ako nang wala sa oras. Siya naman ngayon ang napakunot ang noo.

"Care to share your reason for smiling?"

Pinilig-pilig ko ang ulo at mabilis akong nagdahilan. "Wala. Natuwa lang ako sa binalita ni Mama. Nakalaya na raw si Papa!"

Sinipat ko ang kanyang mukha. May kinalaman kaya siya sa maagang paglaya ng ama ko?

Hindi siya sumagot. Ni hindi man lang ako binati sa magandang balita. Sa halip, bigla pang sumeryoso ang kanyang mukha at tumangu-tango lang siya sa akin. Hmn. May kutob akong malaki ang kontribusyon niya roon.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon