CHAPTER TWENTY-EIGHT

7.7K 458 46
                                    

Pakiramdam ko sumasabog na ang pekpek ko sa sobrang sakit. Para bagang may bulkan sa loob n'yon at lumalabas na ang lava. Ang sabihing masakit ay parang kulang. May salitang Ingles para doon, eh. Excruciating. Tama. Excruciating pain. Iyon ang dinadanas ko sa mga sandaling iyon. Ginugutay-gutay ang ano ko. Huhuhu! Kawawang pekpek.

"Misis, don't sleep. You need to be awake," narinig kong paalala sa akin ng isang nurse na tumutulong sa pagtulak sa wheel chair ko.

"Ate, okay lang po kayo? Nars, naduduling ang ate!" Si Mimi naman.

I glared at her. Pambihirang bata 'to. Ang OA ng reaksiyon! Pero sa halip na masamang tingin ang maibigay ko sa kanya, ramdam ko tumirik ang aking mga mata. May bigla na naman kasing pagkasakit-sakit na pumunit sa ano ko. Tila sinaksak ito. Napasigaw tuloy ako.

"Nars! Matagal pa ba tayo?! Sabog na sabog na belat ko!"

Hindi sumagot ang nurse. Sa halip ay tinulak niya ako papasok sa isang silid. Pinigilan nito si Mimi na sumunod sa amin.

"Nurse, papasukin n'yo ang bata! Siya lang ang tangi kong pamilya ngayon!" protesta ko.

"Hindi ho pwede, Misis. Hospital rules."

Magrereklamo pa sana ako, pero hayun na naman. Tila may nagngangalit na lava na namang dumaloy sa ano ko. Gusto ko nang panawan ng ulirat. I felt helpless. No'n ko naisip si Morris. Kung sana nandito lang iyon. Kahit papaano siguro'y makakampante ang aking kalooban.

"Push, Misis!" narinig kong sabi ng kung sinong babae.

I tried my best to push. Blurry na ang vision ko sa matinding pagod at sakit na nararamdaman. In the midst of my suffering, I saw a familiar figure. Am I hallucinating? Ganoon pa man ay nagbigay iyon ng ibayong ligaya.

"Morris?" I whispered.

Then, I heard her faint cry.

**********

With mouth agape, I stared at the back of the woman being wheeled to the delivery room. Bigla akong nakaramdam ng kung anong warmth sa tindi ng excitement ko. Nagsimula iyon sa aking mga paa na umakyat hanggang sa kaibuturan ng aking puso.

"Mr. San Diego? Are you---," tumingin muna ang direktor sa direksiyon ng tinitingnan ko, "okay?"

"Doc, I want to be in that delivery room, right now! Can you do that for me?"

"Huh?" Nagulat ang doktora.

I looked at her while putting my palms together. Akala ko'y uusisain pa niya ako. Hindi naman pala. Tumangu-tango lang ang butihing direktor at pina-assist niya ang isang nurse ng ospital sa akin para mabigyan ako ng tamang suot sa pagpasok sa delivery room.

May bumara sa lalamunan ko nang masilayan ang babaeng ilang gabi nang hindi nagpatulog sa akin. There she was. In what seemed like an excruciatingly painful labor. Hindi ako nakakilos agad. It still felt surreal. Ilang buwan ko rin siyang hinanap. Hindi ko sukat-akalain na dito ko lang pala siya matatagpuan.

Bago pa ako makalapit sa kanya, may umiyak na tila kuting. And I saw a tiny, dark head baby with blood and whitish thing clinging on the hair and nape being pulled from Tala's sprawled thighs by one of the attending doctors. Naghiyawan ang buong medical team nang makita ang bata.

"It's a baby girl, ma'am," sabi ng isang doktora kay Tala.

"Yes, a cute baby girl!" sabat naman ng isang may hawak sa bata. Nilagay nito agad ang sanggol sa dibdib ni Tala bago niya ako nilingon.

"It's a baby girl, sir. Congratulations!"

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon