"Miss Talitha Ysabela Zaragoza?" anang guwardiya at tumingin siya sa kumpol naming mga journalists na naghihintay ng passes papasok sa San Diego Building. Kaagad akong tumayo at buong pananabik na sumagot ng, "Ako po iyon! Yes!" Sumuntok pa ako sa ere na tila bagang nanalo sa lotto. Nagpalakpakan naman ang mga katabi ko at binati nila ako.
"Ang swerte mo naman, Tala! Kainggit!"
Kumaway-kaway ako sa kanila na tila isang beauty queen habang masiglang naglakad patungo sa kinaroroonang ni Manong Guard.
"I'm sorry, Ms. Zaragoza. Hindi po kayo umabot. Dalawampong Filipino reporters lang po ang allowed sa loob dahil may papasukin pang foreign journalists. Pang-dalawampo't isa po kayo." At sinoli niya sa akin ang kapirasong papel na pinagsulatan ko kanina ng pangalan.
"What?! Teka, manong! Kanina pa ako rito, a. Katunayan, hindi pa sumisikat ang araw ay nandito na ako sa harap ng building n'yo! Paanong hindi ako umabot?"
"Mas marami po ang nauna sa inyo, ma'am," kalmadong sabi ng guwardiya at tinalikuran na ako. Nag-roll call na ito ng mga pangalan ng reporters na sinuwerteng nabigyan ng passes para pumasok sa pagdadausan ng press conference ng bunsong anak ng mga San Diego, ang pinaka-in demand fashion designer ng mga elitista sa Europa.
"Manong, sandali lang!"
Nakipagsiksikan ako sa kumpol ng mga tao. Kinablit ko pa sa balikat si Manong Guard, pero dinedma ako ng hinayupak. Gusto ko na ngang ihambalos sa kanya ang dala-dala kong camera, e. Nakakabanas!
"Aaayayyyiiiiieeee!"
Napalingon ako sa nakatutulig na sigaw ng mga kapwa-reporters. Tila kinikilig silang lahat. Nakita kong may dumating na isang tinted Mercedes-Benz Limo at may bumabang dalawang lalaking nakaitim na sunglasses. Matangkad sila pareho at matikas ang anyo.
Ang gugwapo naman ng mga bodyguards ni Ms. Shelby!
Nagtanggal ng salamin ang isang naka-faded denim jeans at puting t-shirt kaya lalong tumili ang mga maharot na press people. Pati puso ko'y tumalun-talon din sa excitement. Ang guwapo niya talaga! Ang mga mata niya'y katulad ng kay Ian Somerhalder---nangungusap. Pakiramdam ko nalaglag ang aking salawal. Hinila ko nga muna pataas baka tuluyan nang mahulog sa sahig.
"Iyan ba ang mga bodyguards ni Ms. Shelby?" anas ko sa katabing reporter.
"Saang planeta ka ba galing, ateng? Hindi mo sila kilala?" pamimilosopo ng bading. Tinaasan pa ako ng kilay.
"OA! Sino nga sila?" asik ko sa kanya.
"Sila ang mga kuya ni Ms. Shelby. Iyang naka-Amerikana ay si Moses San Diego. Iyang naka-casual naman ay si Morris San Diegooo! Aaayyyiiieee! Morris!" At iniwan na ako ng bakla. Nakipagsiksikan siya sa mga reporters na agad na nagsilapitan sa dalawang magkapatid. Biglang nawala ang kulumpon na pumapaikot kay Manong Guard dahil pati sila nagtakbuhan sa dalawang bagong dating. Napakamot-kamot ng ulo ang guwardiya at ako nama'y pasimpleng tumalilis papasok sa venue.
Tinutulak ko ang pinaka-pinto ng conference room nang malingon ko si Manong Guard na hanggang tainga ang ngiti. Tila pinagtatawanan ako.
"Alam kong gagawin n'yo iyan o ng mga kapares n'yong wais kung kaya nilagyan namin ng passcode ang lock. Sorry, Ms. Zaragoza. Better luck next time." At tumalikod na naman ang hinayupak.
"Bwisit!" galit kong mura. "Animal ka!"
**********
Napailing-iling ang editor ng pinagtatrabahuhan kong magazine habang hawak-hawak ang latest isyu ng karibal namin. Mayamaya pa, namula ang leeg nito at gumapang hanggang sa pisngi niya. Napayuko ako at hinintay ang nag-aapoy niyang litanya. Napakislot ako nang bigla na lang may lumagapak sa ibabaw ng mesa niya. Pagtingin ko sa kanya, umiigting na ang kanyang baba at nakakuyom na ang kamao. Namula pa nang kaunti ang isa. Siguro iyon ang pinampukpok niya sa mesa kanina.
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"