CHAPTER SEVENTEEN

9.5K 561 49
                                    

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nakarating na kami sa bahay. Pagkakita sa amin ni Barang, natigil ito sa pakikipag-usap sa telepono at ngumisi itong parang timang. Nanunudyo ang kanyang mga mata. Tutuksuhin na sana ako nito nang biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Napansin na niya siguro na I was a bit shaken at may nangingilid pang luha sa mga mata ko.

"Ano'ng ginawa n'yo sa kanya, Mr. San Diego?" sita nito kay Morris. Daig pa niya ang isang imbestigador.

"Nothing," pakli nito. "Ano naman ang gagawin ko sa kaibigan mo?" balik-tanong ni Morris. Relaxed ang boses nito. Tila hindi nakaapekto sa kanya ang habulan namin ng mukhang gangster kanina samantalang ako'y nanginginig pa rin.

"Aba'y malay ko! Baka hinalay n'yo siya?"

"Barang!" saway ko sa kanya.

Napatingin ako kay Morris para humingi sana ng dispensa pero mukhang hindi naman ito na-offend. Katunayan, nakita ko pa siyang napangisi sa narinig.

"Are you all right now?" tanong ni Morris sa akin. Hindi na nito pinansin ang kaibigan ko.

"Y-yes. S-salamat," sagot ko sabay tingin sa bandang likuran namin.

"Don't worry. Hindi tayo nasundan no'n. Sigurado akong naligaw na iyon."

"Sinundan kayo? Nino? Ng gustong pumatay sa iyo? Sa akin?" sunud-sunod na tanong ni Barang. Nanlaki na ang mga mata nito. She looked so worried now.

"Sige," pamamaalam ko kay Morris at hinila na papasok ng bahay si Barang.

Nang marinig ko ang papaalis na kotse ni Morris, sinilip ko ito sa bintana. Hayun na nga at nakaalis na siya. Napahawak ako sa dibdib at parang hapung-hapo na napadausdos sa dingding.

"Hoy! Kanina mo pa ako pinapatay sa pa-suspense mo! Ano ba ang nangyari? May padausdos drama ka pa riyang nalalaman!"

"Hinabol kami no'ng lalaki!"

"Sinong lalaki?" mahina na ang tinig ni Barang. Nawala na ang kaartehan nito.

"Iyong gustong pumatay sa atin! Sino pa?"

Napahawak sa magkabilang kamay ko si Barang. Nanlalamig ito. Ni hindi na naipagpatuloy ang pakikipag-usap sa telepono. Inginuso ko ang cell phone niyang hawak. Halos sumisigaw na ang babae sa kabilang linya. Nang ma-realize niyang nandoon pa rin ang kausap, bigla na lang niya itong pinatay nang hindi nagpapaalam. Hinila ako nito papunta sa kuwarto.

"Sigurado ka bang hindi ka niya nasundan?" paniniguro pa nito sa mahinang tinig. Palinga-linga pa siya na tila bagang pati dingding ng bahay namin ay may mata't tainga.

"Ano ba!" bulyaw ko sa kanya. Nakakainis na kasi. Imbes na sa kanya ako huhugot ng lakas, lalo lang akong natatakot sa nakikitang ekspresyon sa mukha niya. "Tumingin ka nga sa salamin. Natanggal ang isang false eyelash mo. Nakadikit na siya sa ibaba ng kilay mo."

Kinapa nito ang mga mata. Nang mahawakan ang sinasabi kong natanggal na false eyelash tumakbo ito agad sa harap ng full-length mirror na nasa gitna ng silid namin. Eksaherada siyang napasigaw nang makita ang sarili. Daig pa niya ang nakakita ng multo.

"Shit, Tala! Ito ba ang hitsura ko kanina habang kausap ko si Morris?"

Natawa na ako. "Yup. Ganyan nga."

"Nakakainis ka! Ba't hindi mo man lang sinabi?!"

Nagpapadyak na itong parang bata. Natigil lang ang pag-iinarte niya nang may kumalabog sa kusina. Nagtinginan kami bago siya tumakbo sa akin at magtago sa likuran ko.

**********

"What?! You're accusing me of plotting to harm your vlogger? What do you think of me? Desperate and violent?"

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon