"Ampanget ng video mo! Nakakahilo! Bumili ka nga muna ng image stabilizer bago ka upload nang upload ng video. Kaloka!"
"Very poor editing!"
"Parang gawa ng grade one section 10!"
Ilan lang iyon sa mga negative comments na natanggap ko simula nang sinubukan kong mag-vlog. Ang sabi ni Barang huwag ko na raw pansinin ang mga iyon dahil normal na raw iyon sa buhay ng isang vlogger. Pero sadyang balat-sibuyas ako. May ilan akong pinatulan. Hayun, mula sa kakarampot kong thirty subscribers, nag-unsubscribe pa ang tatlo kaya naging dalawampo't pito na lang. Anim na buwan ko nang ginagawa ito pero wala pa rin akong gaanong followers. Nakakainis na! Kahit dito wala akong swerte. Ano ba iyan! Ang sabi ng mga kaibigan kong vloggers din baka malas daw ang YouTube name na napili ko: The Dreamer. Pero kay Barang nga mas corny: Barbilicious, pero hindi siya dumaan sa pinagdadaanan ko ngayon. Nakakapanghina ng loob!
Natigil ako sa pag-e-emote nang makatanggap ng sunud-sunod na text messages. Galing ang mga iyon sa dalawa kong subscribers. Mayroon daw pa-promo ang isang katatayong tindahan ng mga electronics sa tabi ng Ayala Center sa Makati. Mamimigay daw ang may-ari ng limited number of GoPro cameras to selected number of shoppers. Iyong tunay daw na GoPro brand ang giveaways nila at hindi iyong off-brand compact action cams lang na palaging tinatawag ding GoPro. Parang tulad ng colgate sa toothpaste.
Siyempre nang makita ko ang salitang FREE sa text, namilog agad ang mga mata ko. Hindi na ako naligo pa. Nagmumog na lang ako't nagpunas ng katawan at sumibat nang pa-Makati. Bandang alas sais y medya nang umaga nandoon na ako sa harap ng tindahan. Alas nuwebe pa raw sila magbubukas pero may mga nakapila na. Nagbigay ng numero ang guwardiya at nanlata ako nang makitang number twenty-one na naman ang napunta sa akin.
"Linti! (Shit)" nasabi ko nang malakas. Napatingin sa akin ang ibang naroon. May napangiti at napasabi pa ng, "Ti Ilonggo gid e! (Ilonggo talaga!)" in a very poor imitation of the Ilonggo accent. Hindi na ako kumibo. Napakamot-kamot na lang ako ng ulo.
May bad experience ako sa number twenty one. As much as possible ayaw ko sana ng numerong iyon. Baka dalawampo na naman ang bibigyan at hindi na naman ako mapasama. Ano ba iyan!
Pagkabukas ng tindahan nang bandang alas nuwebe, nawala na ang maayos na pila. Nagka-stampede na at isa ako sa mga naitulak at naisalya sa gilid ng pintuan. Buti na lang at malakas ang fighting spirit ko. Nakapasok pa rin ako at never kong nabitawan ang hawak-hawak na number card. Iyong iba, nahablot raw ng mga tusong shoppers. Marami ngang nag-iyakan. Pero si Manong guard, dedma lang sa komosyon. Sanay na yata ang animal sa mga balahurang mamimili lalo na kapag may free giveaways.
"Shucks! Ang guwapo!" bigla na lang sigaw ng isa sa mga nag-umpisa ng pandemonium sa tindahan. Tili nang tili ang higad. Ako naman kandahaba ang leeg ko sa katatanaw kung sino ang dumating. Wala ako halos nakikita dahil sa taas kong limang talampakan at limang pulgada natatakpan ang line of vision ko ng mga halang ang kaluluwang lalaking vloggers na awtomatikong nagsitaasan ng mga video camera nila para i-capture ang bawat moment. Gusto ko tuloy paghahampasin ang mga braso ng mga hinayupak.
"Hala, GoPro Fusion ang giveaway!" tili ng isang babae. Kaagad na napuno ng excitement ang buong paligid. Halos lahat ay gustong manalo. Lalong natuwa ang crowd nang ianunsiyo na ang simula ng pagbunot ng winners. Kasabay n'yon, narinig kong parang may pinapaikot nang tambyolo.Heto na! Tumalon-talon sa excitement ang puso ko.
"Number one!" anang pamilyar na baritonong boses. Napakunot ang noo ko. Narinig ko na ang tinig na iyon before. I think I know the guy. Kasabay ng realisasyon kung sino siya, bumilis ang tahip ng dibdib ko. Sumiksik ako sa mga lalaking nasa harapan ko. Buti't nakasingit naman. Gano'n na lamang ang pagsinghap ko nang tumambad na ang mukha ng guy. Saglit pa kaming nagkatitigan. Hala! Si Morris San Diego! Naalala kaya niya ang ginawa ko sa kanya sa Babylon? Diyos ko, Lord! Wala na akong pag-asang manalo pa!
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"