CHAPTER TWENTY-FOUR

8K 447 30
                                    

Pinakilala ni Morris si Mama sa Mom niya. Bumati ang nanay ko. Napansin ko agad na may pangingimi siya sa mom ni Morris. Kung sa bagay sino ba naman ang hindi maaalangan? Mukha siyang kagalang-galang na nilalang samantalang kaming mag-ina ay dugyot na dugyot. Tingin ko nga kahit alalay ni Mrs. San Diego ay alangan kaming dalawa.

"Narinig ko ang nangyari sa asawa n'yo Mrs. Zaragoza. Naikuwento sa akin ng anak ko. I hope you are coping well."

"W-wala akong magagawa, ma'am. Kailangan kong maging matatag." Sumulyap siya kay Morris na nasa bandang kaliwa niya. "Nagpapasalamat nga ako rito sa anak n'yo at ang dami niyang naitulong sa amin. Binayaran niya ang hospital bills ng asawa ko pati nitong anak ko. Siguro kung hindi dahil ----"

Natigil sa pagsasalita si Mama dahil may sinisenyas sa kanya si Morris. Kumukurap-kurap ito na para bagang sinasabi na huwag na niyang ituloy pa ang mga sasabihin.

"Si Morris kamo ang gumastos sa hospital bills n'yo?" pagkaklaro ni Mrs. San Diego. Sinulyapan nito ang anak at bahagyang napangunot ang noo.

Naka-sense ako ng something. I felt so awkward. Tumikhim-tikhim ako para mabaling sa akin ang atensiyon ni Mrs. San Diego. Pasimple ko ring kinurot nang bahagya ang tagiliran ni Mama. Sa lenggwahe namin sinabihan ko siyang tumahimik na.

"Nga-a, 'Day? (Bakit, 'Day?)" tanong naman nito sa akin. Medyo nalilito. Hindi ko siya pinansin sa halip ay ngumiti ako nang matamis kay Mrs. San Diego. Imbes na suklian ang ngiti ko napatangu-tango lang ito na tila may napagtanto.

"I'd like to talk to you in private, Morris."

Nagtinginan kaming mag-ina. Halos sabay pa kaming sumagot ng, "Okay lang po, ma'am." Hindi sumagot si Mrs. San Diego. Bago pa may masabi na kung ano si Mama, hinila ko na ito palayo roon.

"Heto'ng susi ng room n'yo. Nasabihan ko na ang bell boy na ihatid kayo sa room n'yo. I'll call you later. If you need assistance, call the hotel desk personnel," sabi sa akin ni Morris sa mahinang tinig. Halos ay binubulong lamang niya iyon sa akin. Medyo nakiliti pa ako sa init ng hininga niya sa tainga ko. Buti na lang nakayanan kong supilin ang damdamin. Muntik na akong mapahagikhik kasi.

"Salamat, Morris---Mr. San Diego."

Inasiman ako ng tingin ni Morris. "Mr. San Diego?"

Hindi na ako sumagot. Tumingin lang ako sa mom niya at magalang na nagpaalam. Nahuli kong pinagmamasdan niya akong mabuti. Siguro ay naku-curious siya sa kung ano ang ugnayan namin ng anak niya. Hindi rin kasi ako pinakilalang nobya nito o ano. Kasi naman hindi klaro kung mag-ano kaming dalawa. Basta ang alam ko lang mayroon kaming kung anong something.

Bago kami pumasok sa elevator na magdadala sa amin sa kuwartong inupahan ni Morris, lumingon ako saglit sa mag-ina. Nakita kong masinsinan na silang nag-uusap. Sa pagkakataong iyon, maibibigay ko ang kahit ano mang mayroon ako mapakinggan lamang ang usapan nilang dalawa.

"Mukhang istriktang mabait si Mrs. San Diego, ah," komento sa akin ni Mama.

Istriktang mabait. Mayroon ba no'n?

**********

Nagulat si Mr. Zaragoza nang madatnan ako sa visitor's area ng Iloilo Provincial Jail. Luminga-linga siya sa paligid. Nahulaan ko agad kung sino ang kanyang hinahanap.

"Hindi ho nila alam ang pagpaparito ko. Madalian kasi, eh. Siyanga pala, si Attorney Dilat. Siya ang tutulong sa kaso ninyo."

Kumindat-kindat si Attorney Dilat kay Mr. Zaragoza. Nakita kong napangiwi nang bahagya ang ama ni Taka. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang abogado. Tila may pagdududa sa kanyang mukha. Napangiti ako nang lihim. Maging ako man ay ganoon ang reaksiyon ko nang una itong ipakilala sa akin ng kaibigan ni Dad. Pero magaling daw ito. Nakaka-distract lang ang mannerism niya.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon