Halos magtago ako sa ilalim ng hospital bed ni Papa nang marinig ang tanong niya kay Morris. Ni hindi ko pa nasabi rito ang tunay kong sitwasyon pero heto't inunahan na ako ng tsismoso kong ama. Ngayon nga'y titig na titig pa silang dalawa ni Mama rito.
"Pa, ano ba?" saway ko sa mahinang tinig. Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay inulit pa nito ang tanong kay Morris. Napalunok tuloy ako nang sunud-sunod. Hindi ko kasi sukat-akalain na sa kabila ng hindi ko pag-amin noon kay Mama nang sinita niya ako sa biglaan kong pagtaba ay nabisto pa rin nila ako. Palagay ko'y sa nanay ko nakuha ni Papa ang ganoong ideya.
"Pa, magpahinga na kayo. Baka mabinat po kayo," sabi ko pa.
"Hipos, Talitha! Hayaan mo akong magpakaama sa iyo ngayon. Kung inagrabyado ka ng lalaking ito'y kailangan ka niyang pakasalan ngayon din!"
"Noy!" naibulalas ni Mama. "Huwag naman, 'Noy. Susko. Ke bata pa ng anak natin."
"Anong bata ka riyan? Kompleto na sabot (bulbol) niyan kaya kita mo nabuntis na!"
Nasamid ako sa sarili kong laway sa narinig. Pinigilan ko ang tawang namutawi sana sa mga bibig ko. Mukha kasing nag-aapoy na sa galit ang mga mata ni Papa. Kani-kanina lang ay kalmado naman ito. Pambihira. Ang bilis ng pag-iba ng modo niya.
"Umm," narinig kong sagot ni Morris. Napasulyap ako sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin. I saw warmth in his eyes. Dahil doon tumambling-tambling ang puso ko. Hindi ko nakayanan ang nanonoot niyang mga tingin. Bahagya akong napayuko at kunwari'y may sinukbit na ilang hibla ng buhok sa likuran ng tainga ko.
"Anong umm? Tinatanong kita nang maayos," pakli ni Papa. Mahinahon na uli ang tinig niya ngunit naroroon pa rin ang galit.
Hindi na naman nakasagot si Morris. Nang tingnan ko siya ulit timing namang dinidilaan niya ang kanyang lower lip. May naramdaman akong kung ano. May naalala pa ako. Awtomatikong nakaramdam ako ng pag-init ng katawan na nagsimula sa talampakan. I felt kind of excited. Ganunpaman, mayroong takot na namamayani sa puso ko dahil sa tagal ng pag-amin ni Morris. Tingin ko hindi niya iyon aaminin kay Papa.
"Wala hong sinasabi si Tala sa aking buntis siya," ang sagot ng damuho.
"Bueno, ako na ang magsasabi. Buntis ang anak ko!"
**********
Tala's father reminded me of a scene in a Filipino movie I once watched as a child. Sa pelikulang iyon pilit na pinapaamin ng tatay ng babae ang lalaking nakabuntis sa anak niya na siya nga ang salarin. Pagkasagot nito ng 'oo' kaagad na naglitawan ang huwes at ang alalay nito at sinagawa ang kasal doon mismo sa bahay ng bidang babae. Nang tinangka ng lalaking tumakas, humarang ang maton ng barangay sa gate at tinakot siya nito. Ang ending napakasal nang wala sa oras ang dalawa at ngumawa nang ngumawa ang bidang lalaki.
Paano kung sa pag-amin ko'y may magliwatan ding huwes at alagad nito at pilitin akong panindigan na si Tala right there and then? Ano ang gagawin ko? Am I ready to tie the knot? Si Tala na nga ba ang gusto kong makasama habang buhay?
"Tinatanong kita!" Malakas na ang tinig ng mama. Umalog-alog pa ang nakakabit sa kanyang dextrose dahil tinangka nitong bumangon. Napaatras ako kahit na alam kong hindi naman niya ako kayang saktan dahil nga halos ay nakagapos na siya sa hospital bed sa dami ng nakakabit sa kanyang apparatus.
I cleared my throat one more time and glanced at Tala. Timing namang tumingin din siya sa akin. Nagtama ang aming paningin at nakaramdam ako ng kung ano. May naantig sa damdamin ko nang makita ang bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. Napukaw agad ang protective instinct ko.
"Yes, sir. Ako nga po," sabi ko sa matatag at malinaw na tinig.
"Hala! Inamin niya, Noy!" naibulalas ng mama niya. Tila manghang-mangha. "Ikaw nga ang nakabuntis sa anak ko? Diyos ko! Paano nangyari iyon? Mukha ka namang matino!" ang sabi pa ng ale. Mukhang ikinamangha niya na ako nga ang tatay ng magiging apo niya. Napatingin tuloy ako kay Tala. This time ay nakatirik ang kanyang mga mata habang tinatapunan ng masamang tingin ang ina. She looked cute. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapangiti.
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"