CHAPTER TWENTY-THREE

8.6K 480 54
                                    

Matapos ma-discharge si Papa sa ospital, sa presinto naman siya dinala ng mga pulis. Prime suspect daw kasi siya sa double-slay ng pinaghihinalaan ring big time drug pushers sa karatig-bayan namin. Sinabihan kami ng hepe ng pulisya sa Molo na huwag na raw kaming umasang makalalabas pa ang aking ama dahil mabigat ang kaso niya. Bukod sa isang durugista, pusher, at sidekick ng isang druglord sa lugar namin, isa pa siyang mamamatay-tao!

"My father is not a criminal!" madamdamin kong pahayag sa hepe nang magkaharap kami. Napakurap-kurap ito sa akin. Paano kasi'y katono ko na si Nora Aunor sa pelikula niyang Minsa'y Isang Gamu-Gamo kung saan niya nabitawan ang pamosong linyang, "My brother is not a pig!"

Kinurot ako ni Mama sa tagiliran sa kaartehan ko at siya na ang kumausap sa hepe sa mahinahong salita sa lenggwahe namin.

"Sir, pwede bala tagaan nyo anay kahigayunan nga makapuli bana ko sa amon balay bag-o n'yo presihun diri? (Sir, maaari ho bang bigyan n'yo muna ng pagkakataong makauwi sa bahay namin ang asawa ko bago n'yo siya ibilanggo rito?"

Napataas ang kilay ko. Anong bahay ang pinagsasabi ni Mama?

"Ma, nasunog na ang bahay natin. Wala na tayong mauuwian," bulong ko sa kanya.

Siya naman ngayon ang napakurap-kurap sa harapan ko. Tila ikinagulat niya iyon.

"Oh my God! Our home! Our beloved home!" madamdamin ding naibulalas ng mama ko. Parang no'n lang na-realize na abo na nga pala ang sinasabi niyang tirahan namin.

Napakamot-kamot sa ulo ang hepe. Tumalikod ito saglit sa aming mag-ina at kinausap ang isa sa mga tauhan niya. Mayamaya nang kaunti'y nagpaalam ito sa amin. May aasikasuhin lang daw. Kapwa kami napahagulgol na mag-ina. Inisip kasi naming wala na talagang kapag-a-pag-asang mailabas namin ng buhay si Papa sa bilangguang iyon. Baka aasikasuhin na ng hepe ang pagpapdala sa kanya sa Munti.

Gosh! Hwag naman sana!

"Ay, mga madam, huwag kayong mag-drama rito. Ginagawa lang namin ang aming mga tungkulin."

Pinaningkitan namin siya ng mga mata. Inagaw ko kay Mama ang pamaypay niya at binuklat sa harap ng mama para hindi ko makita ang swanget niyang mukha sabay sabi ng, "Do not talk to me!"

**********

"Of all cases, drug involvement pa? Well, tiyak ngang mabubulok na sa bilangguan ang ama ng sinisinta mo niyan!"

"Kuya, please! Do something!" pamimilit ko kay Kuya Marius. Nasa Mucho Delicioso ako nang mga oras na iyon. Mabuti't wala pang masyadong tao sa restobar nila kaya nakausap ko pa silang tatlo nila Kuya Alden at Markus.

"Ano naman ang maaari kong gawin? I'm just an ordinary businessman."

Napasimangot ako. Mas marami siyang kakilala na may matataas na posisyon sa gobyerno maging sa hanay ng mga militar kaysa sa amin ni Moses. Ayaw lang niya akong tulungan.

"Tinamaan ka talaga ng husto dito sa vlogger na ito, ano," kaswal na komento ni Markus habang nagbubutingting ng cell phone niya. "In fairness, she looks cute. Lalo na sa video na ito. Innocent and beautiful, a fatal combination."

Kinuha ni Kuya Marius ang phone kay Markus at sinilip din niya ang isa sa mga video ni Tala. Lalo akong napasimangot sa kanilang dalawa. Heto ako't namomroblema kung paano ko matulungan ang babaeng iyon tapos parang wala lang sa mga kuya ko. Tingin siguro nila'y nakikipaglokohan lang ako sa kanila.

"Fvck! If you will not help me, fine! I will find help on my own!" At nilayasan ko silang tatlo. I heard them laughed behind my back. Lalo akong nainis. Sinipa ko ang isang humaharang-harang na silya sa daraanan ko. Timing namang lumitaw bigla si Dad sa bukana ng restobar. Muntik na siyang masapol no'ng lumipad na upuan. Nataranta ako. Mabilis pa sa alas kuwatrong hinabol ko iyon. Buti na lang at nahagip ko pa bago matamaan si Dad.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon