CHAPTER THIRTY-THREE

7.5K 423 36
                                    

Pagbalik ko sa kuwarto nakabihis na ng kulay ube na suit si Morris. Nakailang kurap ako nang makita siya sa ganoong ayos. Sanay na akong pormal ang suot niya sa tuwing umaalis sa umaga para pumasok sa upisina nitong mga nakaraang buwan, pero hindi ko inasahan ang ganoong kulay ngayon. Aminado akong nabura lahat ang prejudice ko sa kulay ube. Kakaiba kasi ang dating kay Morris. Tila bagang naging lalaking-lalaki siya tingnan ngayon at mukha na talagang CEO ng isang lumalaking kompanya. Iba talaga kapag mahahaba ang mga binti. May dating. May angas.

"I might not be able to join you guys for dinner tonight. Don't wait for me anymore, okay?" sabi niya sa akin habang inaayos ang kurbata. Hinalikan niya ako sa pisngi at dumeretso na sa pintuan. Napakamot-kamot ako sa nasayaran ng bibig niya. Medyo nangati kasi nang kaunti dahil kumiskis ang patubo palang na facial hair niya.

"Sige. Mag-ingat ka," pahabol ko. Sasabayan ko sana hanggang sa front door pero sa bilis ng hakbang niya'y naiwan ako sa kalagitnaan ng hagdan. Wala akong nagawa kundi ihatid na lamang siya ng paningin sa ibaba.

Pagbalik ko ng kuwarto namin, pumunta ako sa dressing room at umupo muli sa harapan ng dresser. Sinipat ko ang hitsura sa salamin na nasa ibabaw noon. Tingin ko wala namang nabago sa mukha ko. Makinis pa rin naman ang aking pisngi at na-maintain ang well-shaped eyebrows na gawa pa noon ni Barang. Ang babaeng iyon kasi ang nag-abalang bawasan at kortehan ang makakapal kong kilay. Mas improved pa nga ngayon ang hitsura ko dahil may pambili na ako ng moisturizer. Higit sa lahat hindi na ako exposed sa sikat ng araw kaya nabura ang mga dark spots sa pisngi..

Hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobra na ang pagiging insecure ko lately. Dala na rin ito marahil ng mga kung anu-anong tini-text ni Mama sa akin. Lagi niya akong pinapaalalahan na hindi magandang pumapayag lang ako sa live-in. Okay lang daw ang set up namin ngayon dahil hindi pa ako nalolosyang, pero sa oras daw na tumaba ako't nagmukhang ewan tiyak na basta na lang ako ididispatsa ng isang Morris San Diego. Bakit siya magtitiyaga sa akin kung marami namang naggagandahang babae sa paligid na handang itapon ang mga sarili sa paanan niya?

Naalala ko tuloy ang Aliza Buenaflor na iyon. Shit! Baka iyong babaeng iyon ang dahilan kung bakit hindi makakasabay sa amin sa hapunan si Morris! Inatake ako ng kaba.

"Mimi! Mimi! Nasaan ka?"

Ginalugad ko ang buong living room pati ang kusina. Wala roon ang bruhita. Lumabas ako ng hardin. Nandoon siya kasama ang dalawang bata. Nakikipaglaro na rin siya sa mga ito. Nagpapagulung-gulong sila sa malambot naming damuhan.

"Mimi!" tawag ko sa kanya in a high-pitched voice.

Dali-daling dinampot ni Mimi si Sierre at nilagay sa stroller nito. Inakala sigurong ikinagalit ko ang pagpapagulong niya sa bata sa Bermuda grass ng hardin.

"Ate, gusto kasi nila ni Quinn na nakahiga sa damuhan. Umiiyak sila kanina, eh."

Hinagkan ko lang ang anak ko sa pisngi at hinarap na si Mimi.

"Tingnan mo nga ako nang mabuti. Tumaba ba ako?"

Hinila ko ang laylayan ng puting t-shirt at hinapit ito sa katawan. Inayos ko rin ang hemline ng suot na shorts para magmukhang kaaya-aya. Bahagya akong hindi huminga para lalo pang mag-flatten ang tiyan bago umikot-ikot sa harapan ng dalagita.

Nangunot ang noo ni Mimi. "Ate ang sexy n'yo nga eh! Buti pa nga kayo at wala nang bilbil. Ako tingnan n'yo?" At lalo pang pinabundat ang tiyan at hinarap sa akin. Nagmukha siyang buntis na naman lalo pa't maluwang ang suot na daster.

Napabuntong-hininga ako.

"Tingin mo may babae ang Kuya Morris mo?" deretsahan ko nang tanong.

"Hala Ate! Grabe naman kayo. Hindi ho yata ganyang klaseng lalaki si Kuya Morris."

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon