CHAPTER TWENTY-SEVEN

9K 509 50
                                    

Pagkakita ko ng taxi kinawayan ko agad ito. Halos harangan ko na ang pobreng sasakyan dahilan para mapapreno ito nang biglaan. Galit na galti ang driver nang dinungaw ako sa bintana.

"Hoy, Miss! Kung magpapakamatay ka h'wag mo akong idamay! Sampo ang mga anak ko sa misis ko! May tatlo pa ako sa kerida ko! P*tangina ka!" mura sa akin ng mamang driver.

"Kuya, pasensya na po! Gusto ko lang pong makatakas dito! Pabukas po ng pinto sa likuran," pagsusumamo ko habang kinakatok ko ang pinto sa side niya.

Tumahimik siya. Basta na lang nito itinaas ang bintana at walang pasabing pinaharurot ang taxi palayo. Bwisit na bwisit ako. Ako naman ngayon ang nagmura.

"May araw ka ring hinayupak ka!"

Nagpalinga-linga ako. Hindi ko alam kung saan na pupunta. Nananakit na ang mga paa ko dahil kanina pa ako naglakad –takbo nang walang sapin ang mga ito. Tinanggal ko na kasi para makatakbo ako nang maayos. Sasalampak na lang sana ako sa tabi ng daan sa pagod nang mamataan ko si Morris sa hindi kalayuan. Bigla akong nagkaroon ng ibayong lakas. Nang may maispatan akong dyipni na naghinay-hinay ilang metro ang layo sa akin tinakbo ko na ito. Muntik nang hindi sumampa ang isa kong paa sa unang baitang nito kung kaya nagparang napalambitin ako. Nagsigawan ang mga tao sa loob.

"Kuya, saglit lang! Ang babae!"

Huminto nang tuluyan ang mama. Tiningnan niya ako mula sa salamin sa harap at pinangunutan niya ako ng noo. Nang makapasok na ako sa loob, nagsitinginan naman ang lahat ng pasahero sa akin. Tila nagtataka ang mga ito dahil sa hitsura ko. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila. Pinagdasal ko lang na sana ay hindi mahalata ng mamang driver na hindi ako nagbayad. Gustuhin ko man wala akong dalang pera. Paano naman kasi hindi ko naiisip na mauwi sa ganitong pangyayari ang sana'y dream date namin ni Morris.

Nang malayu-layo na ang nilakbay ng dyip saka ko lang napag-alaman na patungong Maynila pala ang nasakyan ko. Pagkatanaw ko sa isang pribadong unibersidad sa Taft, pumara agad ako at dali-daling bumaba. Dumungaw ang mamang driver at tinawag ako.

"Miss, bayad nyo?" sigaw niya sa akin.

Nagbingibingihan ako. Nang inulit niya ang pagsigaw, tumakbo na ako at sumiksik sa kulumpon ng mga taong patawid sa kabilang kalye. Wala na akong pakialam kung saan sila papunta.

Matapos ang mahabang paglalakad, nagpahinga ako sa isang coffee shop. Hindi ko alam kung saan ako magpapalipas ng gabi. Pagod na pagod na ako at gusto ko na sanang magpahinga. Pero hindi ako maaring bumalik kina Morris. Alam na ng Dad niya magkasama kami sa pamamahay nito. Ano mang oras ay pwede niya kaming saktan ni beybi.

"Are you okay, Miss?" tanong ng isang estudyanteng babae. She looked at me with interest. Nginitian pa niya ako. Tantiya ko'y nasa edad disiotso hanggang bente anyos lamang siya. Ano ang ginagawa niya sa mga oras na ito sa isang coffee shop? Napatingin ako sa kung ilang libro sa kanyang mesa na kadikit ng akin. I saw the name of her school on the book. Impressive. Kaya naman pala ang ganda ng accent niya.

"Uhm. Alam kong estudyante ka lang pero---ano kasi---," paunang salita ko. "T-tumakas lang ako kaya w-wala akong p-pera. I don't know where to go. Sana matulungan mo ako."

Tiningnan niya ako ulit. Tingin ko'y tinantiya niya kung nagsasabi ako nang totoo o ano. Wala na akong pakialam kung hinusgahan niya ako nang mga sandaling iyon. Kailangan kong magbakasakali.

"Kailangan ko ng pera para may pambayad sa hotel o inn na matutuluyan ko sana ngayong gabi. Kung okay lang sa iyo, I want to sell these shoes to you for ---," tinignan ko ang tatak ng sapatos ko. Nanghinayang ako nang kaunti dahil it was a signature shoes but I have no choice. "Kahit one thousand five hundred lang dito."

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon