Nang maramdaman ko ang isa niyang kamay sa pagitan ng mga hita ko, namilipit ako sa hindi maipapaliwanag na sensasyon. Impit pa akong napaungol. Ganunpaman, paulit-ulit na naghuhumiyaw ang maliit na boses sa isipan ko ng, "Huwag kang tanga, Tala! Ikakasal na iyan!"
I gathered all my willpower and pushed him away from me. Noong una banayad lang ang pagtulak ko sa kanya. Nagmukha pa ngang haplos lang sa kanyang dibdib iyon kung kaya narinig ko pa siyang napaungol nang mahina. May kung anu-ano pang sinasabi habang kinakagat-kagat ang punong tainga ko. "This has got to stop, Tala!" sabi uli ng maliit na tinig.
Nang maramdaman ko ang mga daliri niya sa garter ng panties ko, pinigilan ko na ito at sa matatag na boses ay nagsabi pa ng, "Huwag po. Hindi ko po kaya."
He looked at me with confused eyes. Inulit ko ang mga sinabi ko. Sa pagkakataong ito, tinulak ko na siya nang malakas paalis sa ibabaw ng aking katawan at bago pa magbago ng isipan ko'y bumangon na rin ako sa kama. Inayos ko ang palda na ngayo'y bumaba nang kaunti sa balakang ko. Sinuklay-suklay ko rin ng daliri ang nagulo kong buhok. Nang harapin ko na siya'y kalmado na ang boses ko.
"Iyong sinasabi mo kanina---hindi ko magagawa. I cannot delete the video. Wala namang kinalaman iyon sa kung ano man ang nangyayari sa inyo ng nobya mo, di ba?" Dineretso ko na. Hindi na ako nagmaang-maangan pa. Nabasa ko na kasi sa online news portals ang mga bali-balita tungkol sa kanila ng fiancee niya. Naging dahilan na naman daw ng pagseselos ng insecure na babaeng iyon ang tungkol sa mga eksena namin sa vlog. Ano lang ba naman iyon? We just pretended like a boyfriend/girlfriend sharing a good video game na kahit sa out-of-town adventures namin ay naisisingit pa namin ang paglalaro n'yon. Kung tutuusin ni wala ngang kissing scene o whatsoever na intimate moments doon sa vlog. Kaso nga lang, naghalikan kayo off camera na nahagip naman ng tsismosong paparazzi! Gusto ko nang bulyawan ang munting tinig sa isipan ko. Lagi na lang kontra nang kontra sa akin ang bwisit na ito!
"Are you always like that?" sagot naman ni Morris na ikinangunot ng noo ko, lalo pa't ni hindi siya tuminag sa pagkakahiga sa kama ko. In fact, ni hindi niya isinara ang nakabukas na zipper. Bumalandra tuloy sa aking paningin ang kulay puti niyang boxer briefs. At 'Day! Confirmed na confirmed! Daks na daks ang hinayupak base doon sa nakabakat na malaking bukol! Teka, ilang beses ko nang na-confirm ito, a. Hindi na ako dapat nagtataka.
Kaagad na nag-init ang mukha ko sa nakita. Lalo iyong nadagdagan nang ngumiti siya nang dahan-dahan. Pakiramdam ko nag-slow motion pa siya nang bumaba ang tingin sa kanyang kandungan. Tumikhim-tikhim ako para mawala ang sekswal na tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Please leave now," utos ko sa kanya. Nauna na ako sa may pintuan. "Pakisabi sa nobya mo na huwag siya kamong mag-alala. Wala akong balak na agawin ka sa kanya. Bakit ko naman gagawin iyon kung hindi naman kita type?"
Naramdaman ko ang pagkilos niya sa likuran ko. Mayamaya pa, nasa tabi ko na ang damuho.
"Sabihin mo kaya sa akin iyan nang nakaharap ka."
Sumikdo ang dibdib ko. I felt him just right behind me. Ang mahina niyang tinig ay lalong nagpakaba sa aking puso.
"Hindi nga kita type! Ang kulit mo!"
Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at pinaharap sa kanya. "Now, tell that to my face," hamon niya.
Napalunok ako. At hindi na nakapagsalita pa.
**********
Nagtinginan kami ni Moses nang bigla na lang humagulgol ang mom ni Noelle. Nataranta naman ang mga magulang ko lalung-lalo na si Mom. Hindi ito magkandatuto sa pag-alo sa ginang. Napahilot naman ng sentido niya si Dad pagkatapos ay binigyan ako ng tiger look. I immediately looked sideways. Nagtama ang paningin namin ng ama ni Noelle na ngayo'y nakatitig sa akin nang may galit ang mga mata. Wala siyang imik habang humahagud-hagod sa likuran ng asawa pero halata sa kilos at igting ng baba na talagang may pagkamuhi na ito sa akin.
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"