CHAPTER THIRTY-FOUR

7.3K 451 45
                                    

Hawak namin ang mga magulang mo. You better not report it to the police nor the San Diegos if you want to see them alive!

Pinangunutan ako ng noo lalo pa't walang lumitaw na numero sa nagpadala ng text. Si Frennie pa rin ba? Pero nadakip na ang chakang baklang iyon! Ang alam ko hindi pwedeng maipuslit ang cell phone sa kulungan.

"Bakit, Ate?" nagtatakang tanong ni Mimi habang sinasabon si Quinn. Sabay kasi naming pinapaliguan ang dalawang bata sa banyo sa kuwarto ni Sierre.

Hindi ako nakasagot. Abala ang isipan ko sa kaiisip kung kanino galing ang text o kung nararapat ko bang paniwalaan iyon. Bago pa ako makaisip ng posibleng may gawa no'n natalsikan ako ng tubig sa mukha. Nabasa pati ang screen ng cell phone ko. Napapiksi ako na tila naalimpungatan. Dali-dali kong pinahid sa laylayan ng t-shirt ang nabasang parte ng CP ko sabay gamit ang isang braso sa pagtuyo sa nabasa kong pisngi.

"Sierre, anak! Ano ba?" saway ko rito dahil parang lalong ikinatuwa ang pagkataranta ko at nilakasan pa ang pagsipa sa tubig. Humahagikhik pa ito na tila tuwang-tuwa. Ginaya rin siya ng magli-limang buwang si Quinn. Nagpapadyak sila sa palanggana habang pinapaliguan namin.

Nilagay ko muna sa bulsa ng shorts ang CP at tinapos ko ang paliligo kay Sierre. Naisip kong baka pina-prank lang ako ng kung sinong walang magawa sa buhay. Pilit kong winawaksi sa isipan ang nabasang text.

"Ate?" untag ni Mimi. "Ba't tila problemado ka?"

"Wala," pakli ko.

Nauna na ako sa kanilang mag-ina. Dinala ko na si Sierre sa kama nito at doon binihisan. Habang pinupolbohan ko ang halos mag-iisang taon kong anak, nag-vibrate na naman ang cell phone ko sa bulsa ng aking shorts. Nang silipin ko iyon, nakita kong mayroon na naman akong panibagong mensahe sa unknown sender.

We will let you talk to your mother so you'll know we are not kidding.

Pagkatapos kong mabasa iyon ay tumunog ang phone ko. Dumagundong ang puso ko sa kaba. Natakot akong sagutin iyon dahil baka totoo nga ang nilalaman ng text. Pero naroon din ang pangamba na baka malagay sa panganib sina Mama sa hindi ko pagsagot sa tawag. Nanginginig ang kamay na pinindot ko ang answer button ng cell phone.

"Ne Tala! Ne hwag mo silang paniwalaan! Hwag kang pumunta rito! Okay lang kami!" pasigaw na wika ni Mama na tila baga may nilalabanan. Mamaya nang kaunti napa-araguy siya at narinig ko si Papa na nagbanta sa kung sino mang mga herodes na magbabayad sila sa pananakit kay Mama. Pagkatapos nito may bigla na lang kumalabog at umalingawngaw ang isang putok. Napasigaw din ako sa kabiglaanan at sa takot na rin. Umiyak si Sierre. Kumaripas naman ng takbo si Mimi papunta sa amin. Hawak-hawak niya sa kilikili ang anak na basang-basa pa at tumutulo ang tubig sa katawan na parang gripong bukas.

"Ate, ano'ng nangyari?!"

"See? Told ya we're not kidding," anang tinig ng isang babae. Humalakhak ito sa kabilang linya bago ito pinutol.

"Hello! Hello! Sino ka? Sino kayo?"

Nang hindi na ito sumagot, kaagad kong tinawagan ang kamag-anak namin sa Bacolod na kasalukuyang tinitirhan nila Mama at Papa. Nag-atubili pa sana itong magsabi na may dumampot sa mga magulang ko, pero bandang huli'y napaamin ko rin. Nag-iyakan kami sa telepono.

**********

"Pasensya na ho, boss. Wala na ho kaming whiskey, eh. So wala na hong scotch on the rocks," anang bartender.

"Buy one and give me a drink ASAP!" sagot ko sa maotoridad na tinig.

"Sir, bosing, kasi po---"

"You heard me, right? Now, go!"

"Bro, you're drunk. It's time to go home," anang pamilyar na tinig. Tiningala ko ang nagsalita. He looked familiar but I couldn't seem to see his face clearly. Pumikit-pikit ako. Sakaling mawala siya sa paningin ko. Sino ba ang herodes na ito? Istorbo!

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon