Halos lumuwa ang mga mata ko nang pinakita sa akin ni Barang o kilala sa pangalang Barbelicious sa cyberworld ang kinita niya sa pagba-vlogging nang nakaraang buwan.
"Sixty five thousand pesoses?!" sigaw ko. Humagalpak nang tawa si Barang at pakendeng-kendeng itong umikot-ikot sa maliit kong silid habang ginagawang pamaypay ang malusog niyang bank account.
"Barang, magsabi ka nga nang totoo. Nagpapakita ka ng keps sa mga Arabo, ano?"
"Huwaaaaaat? Grabe ka naman, Tala. Masyado mo namang inaba ang pagkatao ko," pakli niya at nagkunwari pa itong nasaktan. Palunuk-lunok ito na tila sumisikdo. Binatukan ko siya. Pumormal ang loka.
"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako! Ano ba'ng pinaggagawa mo online at nakalikom ka nang ganyan kalaking halaga?" I sounded so envious. Nanggigigil ako sa loka-loka. Heto ako, nakatapos ng isang four-year course sa isang pamosong unibersidad ng bansa tapos nagtitiyaga lang sa isang pipitsuging trabaho kung saan sinisigaw-sigawan pa ako ng boss kong mukhang kuwago? Samantalang itong si Barang ay hindi na nga nakapagtapos ng kolehiyo, aanga-anga pa minsan, pero heto't kumakamal ng limpak-limpak na salapi! Noooo! It's unfair, Lord!
"Ikaw kasi, e. Hindi ba't sinabi ko na sa iyong kaysa magtiyaga ka riyan sa trabaho mong ginagawa ka lang stress absorber ng chaka mong boss, mag-vlog ka na lang like me. Ang tigas ng ulo mo, e!"
Sinimangutan ko siya.
"Kaya ka naman kumikita nang malaki sa vlogs mo dahil mukha kang beauty queen. Ipapakita mo lang ang fezluk mo sa madlang pipol, papanoorin ka na."
"Hoy, Talitha Ysabela Zaragoza, may sense ang content ko kaya ako pinapanood! Hindi lang iyon dahil sa ganda ko!" asik niya sa akin. Pinandilatan pa ako ng mga mata na animo'y sobrang na-offend sa sinabi ko. Pero wala pang dalawang segundo, ngumiti ito nang pagkatamis-tamis at inaming, it doesn't hurt to be beautiful when vlogging. "Pero hindi ibig sabihin niyan, magaganda at guwapo lang ang puwedeng mag-vlog. Marami akong kakilala na mas makinis pa ang marang at langka sa pagmumukha nila pero big time vloggers. Kasi hindi naman puro looks ang vlogging. Maganda ka nga, boring naman on cam, may manonood ba sa iyo? Uso na ngayon ang mga swanget pero kwela."
Hinawakan niya ang baba ko at pina-side view ako.
"Hmn," sabi niya. Binaling naman niya sa isang side ang mukha ko. "Hmn," sabi niya uli.
"Ano ba?! Hmn ka nang hmn diyan, e! Heto nga't namomroblema na ang tao kung paano makakabayad ng renta sa susunod na buwan, ni wala ka pang matinong suhestiyon sa kung ano ang gagawin ko. Vlogging ka nang vlogging. Alam mo namang wala akong alam sa video editing and all."
Hinawakan niya ang harapan ng blusa ko at hinila ako palapit sa mukha niya. Binulungan niya ako kung ano ang gagawin ko. Napasigaw ako ng, "No!"
Humagalpak na naman siya nang tawa at binagsak pa ang katawan sa kama ko. Gumulung-gulong siya sa katatawa sa akin. Pinamaywangan ko siya at pinalayas agad sa kuwarto ko.
**********
"Are you just going to admire her from afar?" tanong ng pamilyar na pamilyar na boses sa likuran ko. Bigla kong na-press ang exit sa site na pinapanood ko. Binigyan ko ng tiger look si Moses. Ngumisi lang ito at naupo pa sa gilid ng desk ko.
Pinasok ko sa drawer ang cell phone at inangilan siya.
"If you came here to bug me about Mr. Lee's proposal, I'm not yet done reviewing it."
"Nope. It has nothing to do with his proposal. I just want to ask you if you wanna join me tonight. I was thinking of dropping by Babylon tonight. May nakapagsabi kasi sa akin na ang gaganda raw ng mga babaeng napupunta ro'n."
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"