Chapter Twelve

10.4K 578 86
                                    

Nate-tense ako. Kanina pa dapat nandito ang magkapatid na San Diego para sa contract signing namin para sa ipapagawa nilang vlog sa akin, pero hanggang ngayon ay wala pa sila. Wala ring pinadalang assistant na siyang magpapaliwanag kung bakit sila naantala. What's going on? Huwag nilang sabihin na nagbago na ang isipan nila? Nakakainis naman. Nakapangako na ako kay Aling Iding na magbabayad ng three months delay at three months advance ko sa upa sa bahay. Ano ba naman iyan!

"Parating na sila, don't worry," sabi ko agad sa waitress ng Italianni's nang dumaan na naman siya sa tabi ko at tingnan na naman ako. Naiinip na siguro ito dahil kanina pa ako roon, pero hindi pa ako nag-oorder ng food. Tanging service water pa lang ang nasa mesa ko. Kung bakit kasi masyado akong atat. Dapat hindi ako pumunta agad. I should have come an hour later than my appointment with them. Nako-conscious na tuloy ako sa mga pasulyap-sulyap sa akin ng mga diners doon. Baka iniisip nilang inindiyan ako ng ka-date.

Makalipas ang halos isang oras kong paghihintay, dumating ang prenteng-prenteng Morris San Diego. Nakasuot ito ng dark sunglasses at naka-blue jeans and white t-shirt lang. Casual na casual ang dating niya samantalang ako'y nagbihis pa ng pinakamatino kong Sunday dress. Siyempre, contract signing nga. Ayaw ko namang magmukhang katulong.

Tinaas ni Morris nang bahagya ang sunglasses para sumilip sa akin at binalik din agad ito sa bridge ng ilong. Kinompirma lang siguro na ako ang babaeng nasa mesa sa labas ng restaurant.

"Sorry to keep you waiting," kaswal lang na sabi ng damuho at naupo na sa harapan ko. Tila hindi man lang na-guilty na pinaghintay niya ako ng dalawang oras! DALAWANG ORAS! Ang demonyong ito!

Dali-daling lumapit sa amin ang waitress na kanina pa nambubwisit sa akin at binati si Morris. Ang tamis pa ng ngiti ng bruha. Kunwari'y inayos-ayos pa ang pagkakasukbit ng ilang hibla ng buhok sa likuran ng tainga sabay ngiti nang pabebe. Ang arte! Gusto ko siyang kurutin sa singit.

"Why did you choose to wait here? Ang init dito sa labas."

"Paanong hindi ako lumabas? Nakakahiya sa loob. Nagdatingan ang mga parokyano nila. Walang maupuan sa loob. Siyempre, I have to give way to them," sagot ko. Kagat-kagat ang ngipin para pigilan ang sariling magmura. But he still sensed my anger.

"Grandma was rushed to the hospital this morning so we had to be there. Nandoon pa nga si Moses dahil walang kasama si Grandpa to attend to her needs."

Naospital ang grandma niya? Iyong sosyal na ginang na siyang pumili raw sa akin para bigyan ng award as the most promising new vlogger of the Philippines?

"Iyong babaeng kamukha ni Pilita Corales? Iyong magandang donya?"

Napaalis siya ng sunglasses sa mga sinabi ko at napatingin pa uli sa akin na tila nalilito.

"Pilita Corales who?" tanong pa niya.

"She was a veteran Filipino actress in the old days." Nang makita kong pinangunutan na siya ng noo, kumumpas akong tila nagtataboy ng langaw. "Never mind," sabi ko na lang. Halatang hindi naman ito nanonood ng Tagalog movies, eh. "How is she now, by the way?"

"Okay naman." Tumingin siya sa waitress at nag-order ng red wine. Sumulyap din siya sa akin at tinanong ako kung ano ang gusto kong kainin. Napatingin ako sa hawak-hawak kong menu. Wala ako halos mapili dahil lahat ng pwedeng orderin na makakain ko ay mahigit isang libo ang price tag. Nahiya akong mag-demand kung kaya pumili na lang ako ng pinakamura, ang Italianni's salad. At five hundred twenty five pesoses daw ang isang serve! Kinuwenta ko kung ilang yum burger na ang puwede kong pakyawin sa halagang iyon and I didn't feel good.

"Are you sure iyan lang ang gusto mong kainin?" tanong ni Morris.

"I didn't come here to socialize," pakli ko agad.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon