CHAPTER EIGHTEEN

9.9K 614 82
                                    

Sige, follow my YouTube account pa more, Gret S po yong account name, para more updates!!! :) Salamat po sa mga nagsubscribe na.

**********
Sa kabila ng kaba at takot, naramdaman ko pa rin ang biglang pagkabuhay ng makamandag niyang alaga na tumutusuk-tusok sa tiyan ko. Napabitaw ako sa kanya at tinulak ko siya palayo. Ngumisi siya sa akin. Iyong ngisi na tila alanganin. Aba, nakaramdam din ng pagkaasiwa ang buang!

"Kahit kailan, ang bastos mo!" asik ko sa kanya.

"Sino ang may kasalanan? Ikaw naman ang bigla na lang yumakap sa akin. Inutusan ba kita?"

Inirapan ko siya. Mumurahin ko na naman sana siya nang bigla na lang bumukas ang front door ko. At laking gulat ko nang makita roon ang kapita-pitagang ginoo. Ang daddy niya. Si Mr. Magnus San Diego!

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Morris. Tapos naningkit ang mga mata nito nang tumingin sa anak. Ako nama'y lalong pinagpawisan nang malapot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Binati ko siya nang pautal-utal.

"Dad!' salubong naman dito ni Morris. Mas nagulat siya kaysa sa akin.

"Somebody has told me you were on drugs," sabi nito sa malumanay na tinig. Sinipat pa ang mukha ni Morris. Napatanga ako. Drugs? Seriously?

Bago pa kami maka-react ni Morris may dalawang mama na armado na pumasok sa pamamahay ko. Tumingin-tingin ito sa paligid at pinakatitigan nila ako. Dumagundong sa nerbyos ang puso ko. Matotokhang na ba ako? Mabilis na bumaba ang tingin ko sa ayos ko. Diyos ko, Lord! Hwag naman! Ayaw kong makuhanan ng mug shot looking like this! No, no, no! Mukha akong timang na prosti!

"Sir, negative. Wala na pong ibang tao sa paligid. Nahalughog na ho namin ang buong bakuran pati na po ang likuran ng bahay," sabi ng isa sa dalawang armadong lalaki.

Nahalughog...? Pulis ba sila? PDEA?

"What?! What gave you that idea?" naibulalas ni Morris sabay harap sa ama. At napansin kong biglang umurong ang umbok sa kanyang harapan.

"I have a reliable source with regard to some irregularities that you are doing these days. Kaya naisipan namin ng mommy mo to verify the allegations."

"Mom was also into this?!"

Pati ang maganda at kapita-pitagang si Mrs. Sheila San Diego ay naghinala rin? Susko!

"Let's go!" At nauna nang lumabas ng bahay ang kanyang ama. Ni hindi man lang in-acknowledge ang presence ko. Para tuloy tinusok ng karayom ang puso ko. Labis akong nainsulto.

"Teka!" bigla ay naihiyaw ko.

Napalingon si Mr. San Diego. Nangatal ang aking mga labi dahil sa kaba. Ikaw ba naman ang matitigan ng isang Magnus San Diego. Grabe! Tagos sa kalamnan! Pakiramdam ko, nakita niya pati ang aking tadyang.

"Yes?" pakli niya. He gave me his icy look. Putcha, nanlamig ako kahit na parang may heat wave sa loob ng pamamahay namin ni Barang.

"H-hindi naman p-po yata f-fair na paparatangan n'yo akong nagda-drugs!"

"Did I say that?" Ako naman ngayon ang pinaningkitan niya ng mga mata.

"Hindi ba't sinabi n'yo iyan kanina? Kaya nga kayo pumarito?"

Napahalukipkip si Mr. San Diego. Ako nama'y niyakap ang sarili. Ngayon lang ako lalong naging conscious na wala akong suot na bra.

"What I said was about my son," malumanay nitong sagot. Kaso ang dating sa akin ay iba. Ke malumanay o hindi, may ibang pakahulugan sa akin ang bawat katagang binibitawan niya.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon