Nagising ako sa kakaibang amoy. Napakusut-kusot ako ng ilong. Ano ina? Dipuga! (Ano ba iyan? Lintek na!) Hindi ko na nakayanan talaga. Napadilat ako at biglang napaupo nang matuwid. Nasa loob ako ng tumatakbong sasakyan. Linte! Sin-o nagkidnap sa akon?! Patay gid 'ko sini! (Lintek! Sino ang kumidnap sa akin? Patay talaga ako nito!)
Nang mapatingin ako sa gawi ng driver nagkasalubong ang mga mata namin ng pamilyar na lalaking naka-salamin ng itim. Napasigaw ako sa gulat.
"Morris?!"
"Napaka-OA mo kahit kailan. Sino ba ang akala mo?"
"Ano ang ginagawa mo rito sa Iloilo? At bakit ako nasa loob ng sasakyan mo?!"
"Stop the hysterics. Pati makina ng kotse ko nagugulat sa iyo, eh."
Sinimangutan ko siya. Hindi na ako umimik sa likuran ng sasakyan. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Napaisip ako kung paano ako napunta sa sasakyan niya. Ang alam ko lang ay nagpa-check up ako kanina sa Qualimed.
Mabilis na nag-replay sa utak ko ang mga pangyayari pagkatapos kung makalabas ng naturang health facility. At napamulagat ako. Siya ang napapreno sa harapan ko kanina nang mawalan ako ng malay! What a coincidence! Teka. Coincidence nga kaya iyon? Hindi kaya inii-stalk ako ng damuhong ito?
Dream on, Talitha! Napaka-assuming mo naman! Sino ka naman para susundan-sundan pa ng isang Morris San Diego? Kung tutuusin ay naikama ka na ng hinayupak na iyan. Malamang ay haharang-harang ka kanina sa daan niya!
Hoy! Hindi ako assuming! At siguradong hindi ako humarang-harang sa daraanan niya! I went home to Iloilo for crying out loud! Iniwasan ko siya!
Tila nagkasalubong ang mga mata namin ni Morris sa salamin sa harapan ng driver's seat. Oo, nakasuot pa rin siya ng itim na sunglasses pero tingin ko nakatitig siya sa akin nang mga sandaling iyon dahil kung hindi bakit siya pinangunutan ng noo?
"What were you whispering there in the backseat?" kaswal na tanong nito.
"Saan mo ako dadalhin?" tanging naisagot ko.
I saw him smile. Sumulyap uli sa akin sa pamamagitan ng salamin.
"Hindi kita kikidnapin. Naisipan ko lang na dalhin ka somewhere para matingnan ka nang mabuti dahil bigla ka na lang nawalan ng malay sa tabi ng daan."
"Bakit hindi mo ako binalik sa Qualimed? Kalapit-lapit lang no'n mula roon sa kung saan ako biglang nahimatay."
Sumilip uli ako sa labas. Mukhang papalabas na kami ng siyudad.
Dios ko! Saan niya ako dadalhin? Nagpa-panic na ang utak ko.
"I don't think they are fully-equipped to attend to a patient of your condition. Don't worry. I'll take you somewhere you can be checked thoroughly."
"Somewhere? Hospital ba iyan 'kamo? Ba't hindi mo ako dinaan sa Doctor's Hospital kung ganoon? Isang dura lang ang layo no'n sa Qualimed!"
"Sorry. I'm not from Iloilo so I didn't know that. Huwag kang mag-alala. Malapit na tayo."
Mayamaya pa nga ay lumiko na ang sinasakyan namin sa isang pook na noon ko lang nasilayan sa buong buhay ko. And to think I know Iloilo like the back of my hand. Dito kaya ako pinanganak at tinubuan ng isip. Teka. Iloilo pa rin ba ito? Bakit hindi ko man lang nakita ito noon pa?
Ang alam ko kanina ay nasa Jaro lang kami. Ngayo'y pakiramdam ko'y tumawid na kami ng Pacific Ocean. Baka nga may secret wings itong sasakyan niya at nakakalipad nang hindi ramdam ng mga nasa loob nito. Who knows, right?
BINABASA MO ANG
DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #5 ********** Morris San Diego's story ********** "Cover from WattpadPabalatPH in collaboration with Wattpad Stars Program PH"